Venus Raj answers intrigue about her hosting stint on Umagang Kay Ganda; finally meets "ultimate crush" Coco Martin

IMAGE 0


"Marami rin po kasing hosts na nawala sa show... may iba na magko-concentrate sa news, may iba na magko-concentrate sa ibang project na meron sila. Hindi rin naman po siguro ako yung naging dahilan," says Venus Raj about the ouster of some hosts of Umagang Kay Ganda.


Kaninang umaga, February 7, ay nagsimula na si Venus Raj sa kanyang hosting job sa daily morning program ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.

Ito ang unang regular show ni Venus magmula nang pumirma siya bilang isang Kapamilya noong January 14. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa "T.G.I.S." segment ng The Buzz kahapon, February 6, sinabi ni Venus na magti-three weeks na siyang Kapamilya at marami na raw magagandang nangyayari sa kanyang career sa loob ng panahong 'yon.

MEETING COCO. Nagkaroon na rin si Venus ng chance na ma-meet ang "ultimate crush" niyang si Coco Martin.

Kuwento ng 2010 Miss Universe 4th runner-up, "Na-meet ko siya noong Chinese New Year. Sa Shangri-La Hotel, nandoon si Ms. Kris [Aquino]. Nag-hello ako, tapos sabi niya, 'O, nandito si Coco,' ganyan-ganyan. Tapos, ipinakilala niya po ako."

Ano ang sabi ni Coco sa kanya?

"Wala po. Nahihiya po ako," sabi ni Venus.

Ano ang pakiramdam niya nang ma-meet na niya sa personal ang "ultimate crush" niya?

"Nakakahiya po! Kasi, kung ano-ano ang mga pinagsasabi ko sa TV, tapos noong nagkita kami..." natatawa niyang sabi.

"Wala naman siyang sinabi. Hi, hello, nakipagkamay lang."

Si Coco pa rin daw ang gustong makapareha ni Venus kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng teleserye.

INTRIGA STATEMENT. Sa pagpasok ni Venus sa Umagang Kay Ganda, obvious na ginu-groom siya ng ABS-CBN bilang isang host. Pero kakabit nito ang ilang intriga, na ipinasagot sa kanya ni Toni sa "T.G.I.S."

From Bianca Manalo, Bb. Pilipinas-Universe 2009: "Yung 2008 Binibining Pilipinas-Universe, kinukumpara n'yo ba ako du'n? Hindi, di ba? Kinukumpara n'yo ba kami? Hindi! So, bakit n'yo kami kinukumpara ngayon ni Venus?"

Komento ni Venus sa sinabi ni Bianca, "Ang sinasabi niya nga rin, hindi naman daw siya nakumpara sa nakaraang winner, bakit ngayon daw, kinu-compare kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Friends ba sila ni Bianca?

"Opo, sobra!" bulalas ni Venus. "Siya nga po ang nag-turn over ng crown sa akin. At bago pa ako maging Bb. Pilipinas-Universe, since sila ang reigning queen, palagi silang nagpupunta doon, nagbibigay ng tips sa amin."

Nagkausap na ba sila ni Bianca since she joined the Kapamilya network?

"Opo. Actually, nag-text nga po ako sa kanya noong may lumabas na news na kinu-compare kaming dalawa. Sabi ko, 'Kung anu-anong sinasabi'. Sabi naman niya, 'Hayaan mo na 'yan, ganyan talaga 'yan'. So, okay lang po."

Ayon kay Toni, mabait daw si Bianca.

Na sinegundahan naman ni Venus, "Sobrang bait po, sobrang kalog."

From Twitter post of Acesalvador: "Di ba, may friend si Venus na nagpa-screen sa Binibining Pilipinas, hindi kaya siya maging biased sa pagpili ng Top 40?"

Sagot ni Venus, "Actually, marami akong friends. Marami po kasing mga taga-Bicol. Pero I'm sad nga, maraming hindi nakapasok. Siyempre, hindi lang naman opinion ko ang nagma-matter, may panel of judges. And then, siguro, apat lang na Bicolana ang napasok.

"And then, yung first runner-up namin, si Dianne Necio, sumali ulit siya. So, siyempre, since kami yung batch na nanalo sa 2010, may friendship na talagang nabuo, plus the fact na Bicolana nga siya.

"So, siguro, yun ang iniisip nila na baka raw biased ako. Pero kahit naman po siguro isa lang akong judge, kung iku-compare mo sa panel, ilan kami, 14, 15 judges, walang point ang opinion ko do'n."

Fom Cristine Reyes's Twitter post: "Venus Raj to host UKG? No way! Major, major fail 'yan! I don't think she can host well even if she's funny!"

Ayon naman kay Venus, "Well, ang mga tao naman, may kanya-kanyang opinion. Siguro yun ang opinion sa akin ni Ms. AA [palayaw ni Cristine], okay lang sa akin yun.

"I mean, ako naman ang nakakakilala sa sarili ko, hindi ko naman siguro tatanggapin ang isang project na hindi ko kaya. So, since alam ko na kaya ko, tinanggap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If, manonood siya [Cristine] tomorrow, makikita naman niya siguro ang magandang kalalabasan noon."

From Twitter post of @annecurtis: "Nag-goodbye na si Rica last Friday sa UKG! Wala na siya sa UKG dahil kay Venus!"

"Naiyak naman ako," sabi ni Venus na nakangiti. "Hindi po, actually... Well, hindi ko rin naman kagagawan kung may matatanggal.

"Pero yun nga, sabi ng production sa amin, gusto na rin nila na mag-concentrate sa kung anuman ang gusto nilang gawin sa buhay. For example, since si Ms. Rica, since nag-aaral siya, baka gusto na rin niyang mag-concentrate doon sa kanyang pag-aaral.

"Marami rin po kasing hosts na, yun nga, nawala sa show. Yun nga po, may iba na magko-concentrate sa news, may iba na magko-concentrate sa ibang project na meron sila.

"Hindi rin naman po siguro ako yung naging dahilan," sabi niya.

Bukod kay Venus, bago ring dagdag sa Umagang Kay Ganda sina Iya Villania at Pheomela Barranda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN