Is DJ Mo Twister leaving Willing Willie?

IMAGE 0


"Willie [Revillame] did say I was gonna be here forever, but was my decision cuz weekdays are just too full for me. It was my decision to leave for now," says DJ Mo Twister on his Twitter account about his decision to temporary leave TV5's early primetime show Willing Willie.


"It was my decision to leave for now."

Ito ay bahagi ng post ni DJ Mo Twister sa microblogging site na Twitter ngayong gabi, Pebrero 7.

Bago ito, tila nagpahiwatig muna si DJ Mo tungkol sa kanyang magiging desisyon.

Sabi niya sa kanyang tweet, "in the process of doing something il regret forever...maybe its my exhausted brain talking..."

Matapos ang mahigit 30 minuto, inihayag na ni DJ Mo sa kanyang Twitter followers na: "Willie [Revillame] just announced that im leaving WillingWillie, im just swamped & always calling in sick. its unfair to everyone who comes in everyday.

"Willie did say I was gonna be here forever, but was my decision cuz weekdays are just too full for me. it was my decision to leave for now."

Matatandaan na isa si DJ Mo sa mga nakasama ni Willie sa pagsisimula ng early primetime show na Willing Willie. Nagsilbi siya bilang co-host ni Willie sa naturang variety show ng TV5 na nagsimula noong October 23, 2010.

Bukod sa Willing Willie, abala rin sa pagho-host si DJ Mo sa daily showbiz program na Juicy! at Sunday talk show na Paparazzi ng Kapatid network.

Kahit na halos araw-araw na siyang nagtatrabaho sa telebisyon, hindi pa rin binibitawan ni DJ Mo—o Mohan Gumatay sa totoong buhay—ang kanyang propesyon bilang disc jockey. Sa katunayan, pagkatapos ng Willing Willie, dumidiretso si DJ Mo sa kanyang programang Good Times With Mo: The Podcast.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN