Kris Bernal says her love life is zero; neither confirms nor denies if Jay Perillo is courting her

IMAGE 0


Kris Bernal is not looking forward to February 14. "Naku sobrang lamig ng Valentine's Day ko dahil zero ang love life ko. Walang magyayaya ng date. Di tulad last year nung ka-loveteam ko pa si Aljur [Abrenica]. Kahit di kami lumabas noong Valentine's, magkasama kami kasi may taping kami noon," she says.


Malamig daw ang magiging pagsalubong sa Valentine's Day ng Koreana star na si Kris Bernal dahil loveless daw ito.

Ang sabi ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng 15th Anniversary ng Walang Tulugan, With The Master Showman sa Studio 6 ng GMA Annex, ibang-iba ang magiging Valentine's Day niya ngayong 2011 kaysa noong nakaraang taon.

"Naku sobrang lamig ng Valentine's Day ko dahil zero ang love life ko. Walang magyayaya ng date. Di tulad last year nung ka-loveteam ko pa si Aljur [Abrenica]. Kahit di kami lumabas noong Valentine's, magkasama kami kasi may taping kami noon.

"At sinorpresa niya ako, kasi may ibinigay siya sa aking regalo. Pero ngayon, hindi na ako nag-e-expect na may magreregalo sa akin, kahit flowers o chocolate," paliwanag ng Kapuso star.

Baka naman regaluhan pa rin siya ni Aljur kahit hindi na sila ang magka-love team?

"Naku, di na ako nag-e-expect kasi busy din yung tao, bukod sa medyo matagal-tagal na rin since nagka-usap kami," aniya.

Marami ang nanliligaw kay Kris. Wala pa ba siyang napupusuan sa kanila, maski isa?

"May mga nagpaparamdam, pero siguro dahil busy ako, hindi ko sila nabibigyan ng atensiyon. At iba talaga ang focus ko ngayon. Mas naka-concentrate ako sa career ko, kaya nawalan talaga ng oras sa love life.

"Pero choice ko naman yun, kaya okey lang kung wala akong Valentine ngayon. Malay natin baka next year meron na," sabay tawa ni Kris.

FAMILY DAY. How will she celebrate Valentine's Day?

"Siguro kasama ko ang family ko, sila ang magiging ka-date ko. Kakain lang kami sa labas, mamamasyal o kaya manonood ng sine.

"Hindi naman kasi porke't Valentine's Day kailangan may Romeo ka, di ba? Puwede ka naman mag-celebrate kasama ang mga minamahal mong pamilya."

Hindi ba naiingit si Kris sa mga kaibigan niyang may love life?

"Hindi naman, kasi naniniwala ako na kung wala kang BF ngayon, darating naman yun sa tamang pamahon. Kaya dapat, hindi minamadali para hindi masaktan at madapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap naman, kasi Valentine's Day, dapat may BF ka kahit hindi naman ganun kalalim yung nararamdaman mo sa tao," aniya.

"Tsaka katulad nga ng sabi ko, choice ko naman na wag muna mag-BF kasi nga, maganda yung takbo ng career ko."

SWEET JAY. Pero marami ang nagsasabi at nakakakita na lagi daw silang magkasama ni Jay Perillo at sweet sila sa isa't-isa.

"Sweet naman kasi ako sa mga kaibigan kong lalaki. Si Jay kasi, super close friend ko yan at super bait na tao yan, at katulad ko, super sweet din at very gentlemanly."

Hindi ba nanliligaw sa kanya si Jay?

"Nanliligaw ba siya? Siguro mas maganda kung siya na lang ang tanungin n'yo. Ang pangit naman kasi kung sa akin pa manggagaling na nanliligaw siya. Kababae kong tao," ang sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN