Bea Binene happy for the success of former Tween Hearts co-star Louise delos Reyes's solo show

IMAGE 0


"Sobrang happy po kami kay Louise kasi maganda ang ratings ng Alakdana. Lahat kaming ka-Tweens niya, sumusuporta sa kanya. Kaya hindi totoo yung lumalabas na balita na naiinggit kami sa kanya," says Bea Binene (in photo) about Louise delos Reyes, her former co-star on Tween Hearts.


Masaya ang teen actress na si Bea Binene sa magandang ratings ng pinagbibidahang afternoon soap ng dati niyang kasamahan sa Tween Hearts na si Louise delos Reyes, ang Alakdana.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea sa telepono kahapon, February 8, itinanggi nito ang balitang naiinggit sila ng kanyang co-stars sa Tween Hearts sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Louise.

"Sobrang happy po kami kay Louise kasi maganda ang ratings ng Alakdana. Lahat kaming ka-Tweens niya, sumusuporta sa kanya. Kaya hindi totoo yung lumalabas na balita na naiinggit kami sa kanya," sabi ni Bea.

Ayon pa sa young actress, halos lahat naman daw sila sa Tween Hearts ay may kanya-kanyang shows sa GMA-7.

Sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Lexi Fernandez ang mga bida sa upcoming afternoon soap na Nita Negrita. Samantalang si Derrick Monasterio ay napapanood sa primetime telefantasya na Dwarfina, at si Kristoffer Martin ay balitang kasama sa cast ng Amaya ni Marian Rivera.

Si Bea naman daw at ang ka-loveteam niyang si Jhake Vargas ay kasama sa pagbabalik ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez.

"Kaya bakit naman kami maiinggit kay Louise?" sambit ni Bea. "Sa amin kasi, nagsusuportahan kami kapag may bagong show yung ka-Tweens namin. Lahat kasi kami magkakaibigan."

CAST REVAMP? Dahil may kanya-kanya na silang ginagawang shows, totoo bang mawawala na lahat ng original cast members ng Tween Hearts at magpapasok na ng mga bagong mukha sa show?

"Yun po yung hindi ko alam," sagot ni Bea.

"Alam ko po nagpapa-audition, pero hindi naman sinabi sa amin na tatanggalin na kami sa show at papalitan kami ng iba. Ang alam ko, may mga papasok na bagong characters.

"Bale nauna na ngang pumasok yung character ni Kylie [Padilla], at alam din naming papasok yung pamangkin ni Kuya Francis Magalona, si Hiro Magalona, at may iba pa. Pero hindi pa namin alam kung sinu-sino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila natatakot na masapawan sila ng mga bagong papasok sa Tween Hearts?

"Hindi naman po," sagot niya.

"Bakit naman po kami matatakot, e, sobrang tagal na namin sa GMA-7? Like ako, ilang taon pa lang ako, StarStruck Kids pa lang, nasa GMA-7 na ako. Kaya bakit naman ako makakaramdam ng ganun?

"Bukod pa sa dumaan din naman kami bilang baguhan at sinuportahan din kami ng mga stars noon na nagsisimula kami, kaya willing din kaming suportahan kung sino man ang mga bagong papasok sa show. Welcome na welcome silang lahat.

"Alam naman kasi namin na hindi kami pababayaan ng GMA-7. Bibigyan at bibigyan nila kami ng show," saad ni Bea.

JHAKE VARGAS. Nag-start na ba silang mag-taping ng Captain Barbell?

"Opo. Naka-ilang days na kami ni Jake kaya nga happy kami kasi may bago kaming trabaho."

Speaking of Jhake, kumusta na sila?

"Kami? Magkaibigan pa rin. Nagkukulitan pa rin. Yun lang!" tawa ni Bea.

Lalabas ba silang dalawa sa Valentine's Day?

"Naku, wala pong ganun kasi magkaibigan lang kami," diin ni Bea. "If ever siguro na lalabas kami, kasama yung buong grupo ng Tween Hearts. Kasi kami naman ni Jhake, pag lumalabas, magkakasama kaming lahat.

"Pag Valentine's naman kasi, may trabaho ako. Kung wala naman, kasama ko ang parents at kapatid ko, katulad ng iba, kumakain lang sa labas."

Sa palagay ba niya ay reregaluhan siya ni Jhake sa Valentine's Day?

"Ewan ko po sa kanya! Wala naman siyang nababanggit sa akin. Baka wala kasi hindi naman mahilig magregalo si Jhake!" natatawang sabi ni Bea.

Siya ba ay may regalo kay Jhake sa Valentine?

"Wala din, kasi wala rin naman siyang regalo sa akin. Siguro pag niregaluhan niya ako, baka magregalo din ako sa kanya," sagot ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN