Jeffrey Jeturian gets 22 stitches on his face after minor accident

IMAGE 0


Award-winning director Jeffrey Jeturian suffered a minor injury after an accident at a bank on Tomas Morato, Quezon City last week. Consequently, the director suffered 22 stitches for his facial wound.


Late February 2, Wednesday, ay nagkaroon ng isang minor accident ang award-winning film director na si Jeffrey Jeturian. Natisod siya sa isang lugar at humampas ang mukha niya sa isang bato, dahilan upang maoperahan ang direktor at umabot ng 22 stitches ang tahi sa kanyang kaliwang pisngi.

Ito ang ipinarating na balita ng isang malapit na kaibigan ni Direk Jeffrey sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, February 10, sa pamamagitan ng text message at tawag sa telepono.

Kuwento ng source, noong araw na 'yon ay papapunta si Direk Jeffrey sa kanyang meeting with Robbie Tan sa Quezon City office nito.

Si Robbie ay isa sa mga punong-abala at may katungkulan sa taunang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kunsaan may entry si Direk Jeffrey sa Cinemalaya 2011 ngayong July sa CCP.

Bago pumunta sa office ni Boss Robbie, na may-ari noon ng Seiko Films, magwi-withdraw muna ang Maalaala Mo Kaya resident director sa ATM machine sa Security Bank, sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito nangyari ang aksidente.

Kuwento ng kaibigan ng direktor, "Pagka-withdraw, babalik na sana siya sa kotse niya nang may ma-miss out siyang isang baitang yata ng hagdan, kaya nadulas yata at bumagsak siya at tumama ang mukha sa isang bato!

"Sa upper left cheek ang kanyang mga sugat at dahil sa aksidente, siyempre duguan ang mukha ni Direk. So, humingi ng tulong si Direk and may isang lalaking napadaan at kahit na stranger ito ay tinulugan nito si Direk.

"Sinamahan niya ito sa paghatid sa emergency room ng Capitol Medical Hospital [nearest hospital sa area]. Hanggang sa inoperahan na nga si Direk. Twenty-two stitches daw ang kanyang tahi sa nasabing mga sugat sa kanyang mukha.

"Thankful si Direk sa lalaking yun... Eto na, ang nakakatuwa ay natulungan din in return ni Direk ang stranger guy. Wala kasi itong work at naghahanap ng trabaho. Tiyempo namang may kamag-anak si Direk working in a funeral homes sa Araneta Avenue... Kaya ayun, after a few days ay nakapasok na ito sa work... Parang indie movie ang kuwento," sabi pa ng source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIREK JEFFREY'S TALE. Kanina rin, nai-text namin mismo si Direk Jeffrey upang i-verify ang balita. Noong una'y nagulat pa ito at nag-text kung paano raw namin nalaman ang detalye.

Hanggang sa siya na mismo ang nag-text ng detalye ng aksidenteng nangyari sa kanya.

Aniya, natisod siya kaya humampas ang kanyang mukha sa isang marble na bato. Inamin din niyang natusok ang mata niya ng salamin.

Ayon sa text ni Direk Jeffrey, "Pa-withdraw ako sa ATM... May 1-inch elevation sa pavement, at sa steps ng bank. Natisod ako. Tumama mukha ko sa isang marble slab na naka-protrude sa steps.

"Natusok ang mata ko ng salamin. Kumayod ito ng 2 and a half inch long na sugat. 22 stitches tuloy."

Sa Capitol Medical Center ginawa ang operasyon.

Kuwento pa ni Direk Jeffrey, "Two and a half hours din ako sa OR [operating room]. My blood pressure shot up to 160/110 during the whole operation process. Must have been very nervous. 'Tis my first time to have been hospitalized ever in my life."

Pero ayon pa rin kay Direk Jeffrey—direktor ng Kubrador, Pila Balde, Tuhog—maayos na naman daw siya ngayon at niresetahan lamang ng kanyang doktor ng mga gamot.

"Instructions of my doctor, just the medicines I need to take for 7 days and to take it regularly."

BISPERAS. Dahil sa nangyaring insidente, pahinga muna si Direk ng kanyang shooting ng Bisperas, ang kanyang Cinemalaya 2011 entry (Directors' Showcase category).

"Pahinga muna sandali, pero nakaka-three shooting days na kami," sabi niya sa text.

Bukas, February 12, ang pagre-resume ng shooting ni Direk Jeffrey. Ten to 12 shooting days lang daw siya sa Bisperas.

Sa isang separate na text message namin sa kanya a few days bago nangyari ang aksidente, tinanong namin si Direk kung ano ba ang kuwento ng kanyang Bisperas, na ang script ay mula kay Paul Sta Ana, at ang producer ay si Atty. Joji Alonso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk, "A devoutly Catholic family goes home from Christmas eve mass to find their house ransacked by thieves. The mishap triggers a series of confrontations amongst the family members who have long held pent-up resentments against each other. Exposing, in the process, the Catholic family's un-Christian nature."

Ang mga nasa cast ng Bisperas ay sina Tirso Cruz III bilang ama, ang scriptwriter-actress na si Raquel Villavicencio bilang ina. Kasama rin sa major cast ang nagbabalik na si Jennifer Mendoza, Julia Clarete, Edgar Allan Guzman, among others.

Si Paul Sta. Ana ang siyang sumulat ng script at nagdirek ng indie films na Huling Pasada (Cinemalaya 2008) at Marino (2009). Siya rin ang sumulat ng script ng Mayohan (Cinemalaya 2010, starring Lovi Poe) at Slow Fade (2010, starring Diether Ocampo and Precious Lara Quigaman).

Ilang pelikula na rin ni Direk Jeffrey ang iprinodyus din ng film company ni Atty Joji, kabilang na rito ang award-winning na Kubrador ni Ms. Gina Pareño at Minsan Pa (Jomari Yllana-Ara Mina).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN