PEP EXCLUSIVE: TV5 not bothered by Willie Revillame's frequent absence on Willing Willie

IMAGE 0


"We completely understand that if and when he does have to rest or go on a break, it is not something na gusto niya but kailangan niya," TV5 Vice President for Entertainment Perci intalan (inset) told PEP (Philippine Entertainment Portal), pertaining to Willie Revillame's (main) extended absence from his primetime variety-game show.


Hindi nababahala ang TV5 management sa estado ng kalusugan ng Willing Willie host na si Willie Revillame.

Ito ang siniguro ng network Vice President for Entertainment na si Perci Intalan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng isang e-mail reply na ipinadala niya kagabi, February 9.

Ilang araw na kasing absent si Willie sa sarili niyang programa dahil na rin sa madalas nitong pagkakasakit.

Recently lang ay may kumalat pa ngang balita na inatake diumano si Willie sa puso kaya daw ito na-confine sa ospital, dahilan para mag-file ito ng leave of absence sa primetime variety-game show ng Kapatid network.

Mabilis namang pinabulaanan ng TV5 management ang balita sa pagsasabi na "viral infection" daw ang tumama sa controversial host at hindi ito inatake sa puso

During those days na wala si Willie ay sinalo muna nina DJ Mo at Rico J. Puno ang hosting slot, kasama pa rin ang regular co-host na si Valenzuela City 2nd District Councilor Shalani Soledad.

"We know how hard Willie works on his show, iba ang level of dedication and attention to detail niya, not just as a host but also as producer of the show. So we completely understand that if and when he does have to rest or go on a break, it is not something na gusto niya but kailangan niya," paliwanag ni Sir Perci sa PEP.

"We also know that just because you don't see him personally hosting the show, that doesn't mean that he is not monitoring it from wherever he is and coordinating with the production staff on every aspect of the program. Kaya naman the show maintains good ratings and has his personal touch pa rin," dagdag pa ng network executive.

BETWEEN WILLIE AND FRIENDS. Tinanong din namin si Sir Perci tungkol sa noontime show na diumano'y niluluto ni Willie para sa mga kaibigang sina John Estrada at Randy Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagbuhos ng sama ng loob si Willie sa dalawa noong January 26 episode ng Willing Willie matapos niyang malaman na tinanggap nila Randy at John ang alok na noontime show ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related article.)

Dating magkakasama sila Willie, Randy, at John sa ABS-CBN noontime program na MTB (Magandang Tanghali Bayan).

Matapos ang pitong taong pag-ere ay pinalitan ng Wowowee ang MTB sa tanghaling timeslot.

Si Willie ang nagsilbing host ng Wowowee, ngunit hindi naging maganda ang paghihiwalay ng controversial host at ng Kapamilya network na nauwi sa paglipat ni Willie sa bakuran ng TV5 noong nakaraang taon at sa pagsasampa ng kaso ng magkabilang kampo.

Sa January 26 episode ng Willing Willie ay personal pang tinawagan ni Willie si John gamit ang cell phone upang iparating ang kanyang pagkadismaya dahil hindi na diumano matutuloy ang inihahanda niyang noontime program para kina Randy at John sa TV5.

"Kasi dapat may noontime show sila rito, e. Tapos bigla na lilipat sa channel ano naman. Inaayos ko na, tapos eto. Inaayos ko na lahat, tapos bigla niyo kong iiwan na naman? Ano?" himutok ni Willie kay John.

Sinabi naman ni Sir Perci na wala siya sa posisyon para magbigay ng komento tungkol sa sinasabing programa ni Willie dahil hindi siya kabilang sa pagpaplano nito.

"As for the noontime show, we don't know the details because this is a show that Willie and his production team are cooking up to pitch to TV5.

"We aren't privy to how far discussions have gone and how many ideas Willie has discussed with John and Randy already," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN