Lexi Fernandez has distanced herself from Jhake Vargas, the boy of contention between her and Bea Binene

IMAGE 0


Lexi Fernandez explains why her mom Maritoni Fernandez went to the set of Tween Hearts. "Hindi naman sumugod si Mommy. She's not like that. Nataon lang na may lumabas na issue between me and Bea [Binene], tapos birthday ko pa yun. Talagang pumunta si Mommy sa set para magdala ng food," she says. "Pero since nandoon na nga siya, nagkausap sila ng Mommy ni Bea. Kami rin ni Bea, pinag-usap nila kasi nga they can sense na may problema sa


Pagkatapos ng ilang pagdi-deny, inamin na rin ng tween star at kontrabida ng afternoon teleseryeng Nita Negrita na si Lexi Fernandez na hindi na sila close friends ngayon ng kapwa ni Bea Binene.

Nabalita kasi noon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa set ng kanilang top-rating teen show na Reel Love Presents Tween Hearts at sumugod pa raw ang mommy ni Lexi na si Maritoni Fernandez sa taping nila para alamin ang puno't dulo ng gulo nila.

Pero nilinaw naman ni Lexi sa press launch ng Nita Negrita last February 10 sa 17th floor ng GMA Network Center ang balitang iyon. Hindi raw sumugod ang kanyang ina sa set dahil talagang pumunta raw si Maritoni sa set ng Tween Hearts dahil birthday nga raw niya at nagdala ng pagkain ito para sa staff and crew.

"Hindi naman sumugod si Mommy. She's not like that. Nataon lang na may lumabas na issue between me and Bea, tapos birthday ko pa yun. Talagang pumunta si Mommy sa set para magdala ng food.

"Pero since nandoon na nga siya, nagkausap sila ng Mommy ni Bea. Kami rin ni Bea, pinag-usap nila kasi nga they can sense na may problema sa aming dalawa," ang saad ni Lexi.

Dati ngang close friends sila Lexi at Bea, pero bigla nga raw nagkaroon ng lamat ang friendship nila. May kinalaman daw ang ka-loveteam ni Bea na si Jhake Vargas sa pagkakaroon ng gap sa friendship nila.

"Hindi ko alam exactly kung kelan nagsimula ang lahat. It just happened and I was surprised na hindi na ako kinakausap ni Bea kapag nagkikita kami sa set ng Tween Hearts.

"Then may nagsabi sa akin that Bea got mad noong maikuwento ko sa isang interview na crush ko si Jhake. Even before naman kasi, sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin na reporters kung sino ang crush ko; sinasabi ko na crush ko si Jhake," paliwanag ni Lexi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman masama roon kasi crush ko lang naman. I never said na I want Jhake to be my boyfriend.

"Then may nagsabi sa akin na sinabi rin ni Jhake sa isang interview na may crush din siya sa akin. Doon na yata nag-start na hindi na ako pansinin ni Bea," aniya.

"Nagulat na lang ako kasi we used to be close friends talaga. Sila nga ni Jhake ang pinaka-close ko before kasi nga we were in the primetime show na Ilumina. Wala pang Tween Hearts, close na kaming tatlo.

"Then hindi na nga ako pinapansin ni Bea. I tried texting her, pero she doesn't reply. Siyempre nalungkot ako because para na kaming sisters ni Bea."

Akala nga ni Lexi na noong pagharapin sila ni Bea ng mga mothers nila ay matatapos na ang problema nila sa isa't isa. Pero hindi pa pala sapat iyon.

"After nga na mag-usap kami with our Moms, nagyakapan pa kami ni Bea. I thought okey na kami kasi nag-usap pa kami after. Pero the next taping day, hindi na naman niya ako pinansin. As in dedma siya sa akin ulit.

"So I said to myself, 'Tama na.' I made an effort to reach out to her. Pero if she doesn't want to be friends with me, wala na akong magagawa. My mom said nga na huwag akong mag-give up because alam niyang maaayos din kami ni Bea.

"It will just take time. She said, 'Time heals all wounds' and I believe that. Basta ako, I still want us to be friends again. And sana nga, we can be okey again," ngiti pa niya.

Kinlaro rin ni Lexi na hindi totoo ang kumalat pang balita na nahuli siyang nakikipaghalikan kay Jhake Vargas kaya lalong nagalit si Bea sa kanya.

"That's not true. Sobra naman yung balita na yan. I read nga na naglaplapan daw kami ni Jhake. Natawa lang talaga ako kasi hindi ko naman gagawin yan. Nakakahiya naman. Even my Mom, natawa siya because she knows na hindi ko gagawin iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nga sa nangyari sa kanila ni Bea, nag-decide si Lexi na magkaroon na ng distansya kay Jhake para walang maging problema pa.

"Never ko na ngang nakakasama si Jake because ako na ang lumalayo sa kanya," diin niya. "I guess it's for the best para walang problem. Ayoko na kasing magkaroon pa kami ng issue with Bea. Ayokong may magsabi na sinisira ko ang loveteam nila.

"Lagi kong kasama ngayon ay sila Joyce (Ching), Kristoffer (Martin), Derrick (Monasterio) and my cousin Kylie (Padilla). So paano mangyayari iyong nakipaghalikan daw ako with Jake, di ba? I find it so funny and unfair naman sa akin."

Hindi naman daw naapektuhan ang trabaho nila Lexi at Bea sa set ng Tween Hearts kahit na may gap sila. Professional daw sila pagdating sa taping at hindi nila pinapabayaang ma-distract sila sa trabaho.

"That's one thing that my mom told me. Kahit na may mabigat akong problema, when it comes to work, be professional. I leave my problems behind and go on with my work.

"Okey naman kami ni Bea when it comes to work. Madalas kasing kasama ko siya sa mga eksena kaya our work naman is okey. Ayaw naman naming mapagalitan kami. After our scenes together, may kanya-kanya kaming space.

"But hopefully, Bea and I can work this out. Ayokong may hindi nakakasundo or nakakaaway. Mas maganda yung friends mo ang lahat ng tao, di ba? Kaya I always pray for our friendship to be the way it was," pagtatapos pa ni Lexi Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN