Supreme Court considers Joey Marquez's motion on graft case

IMAGE 0


"In order to be able to discharge his burden, he (Marquez) must be afforded reasonable opportunity to present evidence to support his allegation," the Supreme Court said in its ruling concerning the graft case filed against former Parañaque mayor Joey Marquez.


Kinatigan ng Supreme Court ang naunang kahilingan ng aktor at dating ParaƱaque City mayor na si Joey Marquez na iutos sa prosecution na isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ebidensiya na iniharap sa korte kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa ibinabang desisyon ni Associate Justice Jose Mendoza ng 2nd Division ng Supreme Court, nagkamali ang Sandiganbayan na ipagkait kay Marquez ang kagustuhan nito na ipasuri muna sa NBI Questioned Documents Section ang mga resibo at ilan pang papeles na iniharap bilang ebidensiya, na nagkaroon diumano ng anomalya sa mga programa at ilang transaksiyon na pinamunuan ng opisina ni Marquez noong 1996 hanggang 1998.

Sinabi ni Marquez sa kanyang depensa na dinaya ang kanyang pirma sa mga dokumentong inilatag para idiin siya sa kasong kinakaharap.

"One of the most vital and precious rights accorded to an accused by the Constitution is due process, which includes a fair and impartial trial and a reasonable opportunity to present one's defense," saad ng Supreme Court sa ruling nito.

Karapatan daw ni Marquez na mabigyan siya ng pagkakataon at tamang proseso para mapatunayan ang kanyang alegasyon na hindi niya pirma ang nakalagay sa mga papeles na hawak ng korte.

Hindi rin sinang-ayunan ng Supreme Court ang hinaing ng prosecution na ginamit lamang ni Marquez na dahilan ang forgery para bumagal ang usad ng pagdinig ng kaso.

Ikinatuwiran ng Supreme Court ang mga papeles at impormasyon na nagsasaad na hiniling na agad ni Marquez sa korte na pahintulutan ang NBI na tingnan ang mga ebidensiya bago pa man magsimula ang pormal na arraignment ng kaso.

Nanilbihan si Marquez bilang alkalde ng ParaƱaque noong 1995 hanggang 2004.

Tinangka naman ng aktor na maupo bilang congressman sa nasabing lungsod noong 2004 ngunit natalo siya.

Hindi rin pinalad si Marquez na muling maging mayor matapos siyang matalo kay Florencio "Jun" Bernabe Jr. noong nakaraang halalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN