Rayver Cruz on relationship with Cristine Reyes: "Masarap sa pakiramdam yung alam ng lahat ang totoo."

IMAGE 0


"Sobra-sobra siyang sarap magmahal. May mga bagay na hindi nakikita sa TV, pero nakikita ko ang totoong Cristine talaga. Malambing, parang bata, makulit, masarap mag-alaga," says Rayver Cruz about girlfriend Cristine Reyes (inset).


Kasabay ng pag-amin nina Rayver Cruz at Cristine Reyes sa totoong estado ng kanilang relasyon, naging mas bukas na rin ang magkasintahan ng kanilang nararamdaman sa publiko.

Sa nakaraang 22nd birthday party nga ni Cristine last February 5 sa Discovery Suites, kasama ni Rayver ang kanyang buong pamilya na nakihalubilo sa pamilya ng young actress.

"Sobrang sarap ng pakiramdam! Nakakatuwa!" sambit ni Rayver sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Comfortable naman siya sa family at ako sa family niya kaya masaya. Siya mismo ang nag-invite sa mommy ko, wala akong kinalaman dito. She also invited yung mga tito ko, yung mga kapatid ni Mama.

"Masarap sa pakiramdam yung alam ng lahat ang totoo. Yung iba kasi, tago nang tago. So, happy ako na inamin na namin na kami nga."

Ano ang birthday wish niya para sa girlfriend?

"Sana more blessings at mas maraming magaganda pa ang mangyari sa kanya, kasi napakabuti niyang tao. And alam niya kung gaano siya kaimportante sa akin, at maraming-maraming salamat sa lahat-lahat.

"Lagi lang akong nandito para sa kanya at alam naman niya yun. Alam niya kung gaano ko siya kamahal," pahayag ng young actor.

PROMISE RING. Kinumpirma ni Rayver na isa ngang singsing ang iniregalo niya kay Cristine. Pero nabahiran agad ito ng intriga sa mga bali-balita na ang ipinambili raw niya ng singsing ay hindi galing sa bulsa niya kundi sa pera ng girlfriend.

Ayon kay Rayver, "Totoong binigyan ko siya ng singsing, pero hindi ko na kailangang sabihin ang presyo.

"Wala kasing sumasaktong singsing sa kanya kaya siya ang namili. Pumunta kami sa mall, nakita niya, nagandahan siya.

"Ang tawag nila dun is promise ring. Nanggaling sa akin yun kaya nga gift, e. Kasama naman ang mga 'yan [intriga], yung mga lumalabas na ganyan, kaya sanay na rin ako.

"Sa kabila ng mga pinagdaanan namin, nandiyan kami para sa isa't isa, hindi kami bumitaw. Malakas ang pagmamahalan namin, ipinaglaban namin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE AS GIRLFRIEND. Masaya si Rayver sa magandang itinatakbo ng relasyon nila ni Cristine. Inamin ng young actor na masarap magmahal bilang girlfriend ang aktres.

"Sobra-sobra siyang sarap magmahal," aniya. "May mga bagay na hindi nakikita sa TV, pero nakikita ko ang totoong Cristine talaga. Malambing, parang bata, makulit, masarap mag-alaga.

"Nakakatuwa kasi pag nagmahal siya, totoong-totoo."

Sa isang interview sa kapatid ni Cristine na si Ara Mina ay nagbigay ng pahayag ang aktres na boto siya kay Rayver dahil pormal itong pumupunta sa kanilang bahay at nagpakilala talaga nang personal sa pamilya nila.

Ano ang reaksiyon ni Rayver dito?

"In fairness naman kay Cristine, talagang warm ang pagtanggap ng pamilya niya sa akin. Tinanggap nila ako nang buong-buo at minahal talaga nila ang aktor," sagot niya.

Sinabi rin ni Rayver na one woman-man at loyal siya sa relasyon nila ng aktres.

"Oo naman, ang hirap naman kung hindi, di ba? Kung ganun ka, di sana hindi ka na muna nag-girlfriend," aniya.

Ano ang plano nila ni Cristine sa darating na Valentine's Day?

"Sana, hopefully, wala kaming trabaho parehas para may time. Pero malamang, lalabas kami. Mahilig ako sa surprise, e, gusto ko biglaan lang," sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN