TV5 princess Arci Muñoz has nothing against ex-boyfriend Kean Cipriano and former home network GMA-7

IMAGE 0


Former StarStruck finalist Arci Muñoz is grateful for the all the opportunities given to her by TV5. "As long as they're giving me projects and as long as they're giving me importance, dito ako," Arci tells PEP (Philippine Entertainment Portal) during a recent conversation.


Matapos mamalagi ng limang taon sa bakuran ng GMA-7, nagdesisyon si Arci Muñoz na subukan naman ang makipagtrabaho sa fast-rising network na TV5.

Unang napanood si Arci sa Kapatid network sa programang 5 Star Specials Presents JC de Vera at agad namang nasundan ng Untold Stories Mula sa Face To Face, kung saan ay napansin ang galing ng batang aktres pagdating sa drama.

Napabilang din ang young actress sa cast ng My Driver Sweet Lover at sa drama-horror series na Midnight DJ.

Kamakailan ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa pictorial ng "TV5 Princesses" na ginawa sa Broadway Centrum sa New Manila, Quezon City. Kitang-kita naman na masaya siya ngayon sa itinatakbo ng kanyang showbiz career.

"I'm thankful and, finally, I've been waiting for this for so long. Finally napansin ka and they gave me a chance. So, hindi ko sasayangin 'yong chance na binigay nila sa akin. I'm gonna prove myself worthy na nilagay nila ako sa ganitong sitwasyon," sabi ni Arci matapos ang photo shoot.

Technically speaking, freelancer ngayon si Arci dahil wala naman siyang pinirmahang fixed contract with TV5.

"Pero ano naman ako, e, kung sino 'yong tumanggap sa akin and nagbigay sa akin ng opportunity. Siyempre, I'll grab that kasi I consider every show, every role as a blessing.

"Right now, I'm with TV5. So, dito ako and as long as they're giving me projects, as long as they're giving me importance, dito ako," katwiran ni Arci.

MOVING FORWARD. Nilinaw ni Arci na wala siyang sama ng loob sa kanyang dating home network. Nagkataon lang daw na natapos na ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center at may opportunity naman na naghihintay sa kabilang istasyon kaya minarapat na niyang tanggapin ito.

"Last year of March nag-end 'yong contract ko with them, and then I signed with Tita Annabelle [Rama], and then siya na 'yong nagpasok sa akin dito [sa TV5]," kuwento ng magandang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, none, wala," mabilis na sagot ni Arci nang tanungin ng PEP kung may tampo siya sa Kapuso network.

"Ang sa akin, tapos na 'yong kontrata and lahat naman tayo, di ba, we're moving on? We're growing.

"So ako, I'm taking another step. Ako naman, every step I take dito sa career ko, I always consider the opinion of my parents and siyempre my manager, and pinag-usapan namin nang mabuti 'yon," dagdag ni Arci, na nagsimula sa showbiz bilang finalist sa reality talent search ng GMA-7, ang StarStruck Batch 3 noong 2005.

"Ako, thankful ako sa GMA, wala akong tampo sa kanila. Hindi ako nawalan ng work with them and doon ako nakilala—doon ako nag-start, e. I'm thankful."

Very positive ang outlook ni Arci sa lahat ng kasalukuyang nangyayari sa kanyang personal na buhay at career, kaya wala daw siyang pinagsisisihan sa kanyang mga naging desisyon.

"I have no regrets, e. Everything happens for a reason. And maybe the reason kaya ako nandito [TV5], kasi alam ni Tita Annabelle at alam ni Lord, alam ng parents ko, na mas mapapansin talaga ako dito.

"Kasi 'yong mommy ko, parang, 'Sayang, kasi ang tagal mo na din diyan, e. Sige, try mo.' Ako, I'm taking all the chances. May chance na binigay sa akin, why not? If it's a good role, di ba? Sayang.

"Wala akong regrets 'tsaka naggo-grow ako diyan, e. Kung mali man ako, at least matututo ako. Kung wala mang mangyari sa akin, di ba, matututo ako? Na, okay, next time, I know na what to do."

NEW MANAGER. Kasabay ng pagtatapos ng kontrata ni Arci sa GMA-7 ay ang paglipat niya sa poder ng talent manager at Royale Artists Management (RAM) matriarch na si Annabelle Rama.

Kabilang sa mga artistang hinahawakan ni Annabelle ay sina TJ Trinidad, Jay Manalo, Ehra Madrigal, Michelle Madrigal, JC de Vera, Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, Paolo Paraiso, Jon Hall, at ang mga anak nito na sina Ruffa, Richard, Raymond, at Ritchie Paul Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Arci kung paano niya mailalarawan bilang manager si Annabelle.

"Actually, di ba, talaga lahat naman ng impression ng tao sa kanya is mataray, masungit? But she's really approachable—really, very approachable. Kapag may problem ako about my career, I talk to her personally: 'Tita, I have a problem with this, I'm not content with this, I don't like my role.'

"Gusto niya 'yon, e. Si Tita [Annabelle], mas gusto niya 'yong may communication kayo para alam niya kung anong gagawin niya," bulalas ni Arci.

Nararamdaman daw ni Arci na talagang inaasikaso siya ni Annabelle kaya naman ayaw niyang mapahiya dito, lalo pa nga't naipasok siya nito sa TV5.

"Alam ko rin na pana-panahon lang 'yon. If it's your time, then it's your time. Pag dumating na 'yong oras mo, kailangan huwag mong sayangin," seryosong sabi ni Arci.

NOTHING AGAINST KEAN. Walang regrets si Arci sa kanyang career. Pero aminado ang dalaga na pinagsisihan niya ang naging much-publicized breakup nila ng bokalista ng bandang Callalily na si Kean Cipriano noong nakaraang taon. (CLICK HERE to read related article.)

"Pero okay naman na 'yon," paniniguro ni Arci.

"I have nothing against him. Basta ako, I'm happy and I think he's also happy... Wala na 'yon! Tapos na 'yon. Ang tagal tagal na nun, e!" natatawang dugtong ni Arci.

Since napapanood din si Kean sa TV5, may pagkakataon ba na nagkakasalubong sila ng kanyang ex-boyfriend?

"Oo," sagot ni Arci. "Basta ako, civil ako. Kung sakali, smile lang ako. Pero hindi ako 'yong unang mag-a-approach, na tipong 'Uy, kumusta ka na?'"

Looking back, ayaw naman daw talaga mag-boyfriend ni Arci during that time. Subalit nahulog lang talaga ang loob niya sa rocker turned actor.

"Ayoko naman talaga ng showbiz, e. Nagkataon lang. Pero mindset ko talaga nun, nung bata pa ako, hindi ako magbu-boyfriend, not until I'm 20, and I reach this certain age, and hindi ako magbu-boyfriend ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's what you get," ngiti ni Arci.

At dahil nga sa kinahantungan ng past relationship niya with Kean ay lalong nakumbinsi si Arci na hangga't maaari ay mas gusto niya na ang kanyang next boyfriend ay hindi taga-showbiz.

"Hindi ko naman sila lahat nilalahat—not in general. Pero 'yon yung ikinakatakot ko, e. Pero hindi naman siguro lahat sila ganun. Pero ayoko na muna ng showbiz," diin ng aktres.

Tahimik lang daw ang magiging Valentine's Day ni Arci at plano niyang kumain sa labas kasama ang kanyang mga magulang.

"Eto ha, never pa kong nagka-date ng Valentine's. Kahit nung nagka-boyfriend pa ako. Hindi kasi siya [Kean] umabot! March kami nagkita, so wala!" natatawang banggit ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN