Melissa Ricks says her relationship with Jake Cuenca lasted this long because they kept it a secret

IMAGE 0


Melissa Ricks talks about her almost two-year-old relationship with Jake Cuenca: "Kaya nag-last ng ganoon katagal — kung ano man meron kami — that's because we kept it a secret. Hindi namin sinali yung ibang tao sa mga ginagawa namin. We kept it private para walang makikisawsaw, walang maninira, ganyan. I think yun yung pinakamagandang ginawa namin. We kept it a secret pero ipinaalam din namin sa tao," she says.


Ang katatapos lang mamaalam sa ere, ang teleseryeng Noah ng ABS-CBN — na pinagbidahan ng aktor na si Piolo Pascual at child star na si Zaijan Jaranilla — ang huling serye na ginawa ng young actress na si Melissa Ricks.

"Happy ako na natapos na mataas yung ratings ng Noah. Masaya ako na napasali rin ako sa series dahil marami akong nakatrabahong mga malalaking artista.

Naniniwala naman ako na hindi ako mababakante sa trabaho sa ABS dahil for the past how many years, pag may project akong natapos, may kapalit agad. Hindi man ako yung bida, at least nabibigyan pa rin naman ng project," sabi ni Melissa.


Ang next project ng aktres sa Kapamilya Network ay ang drama series na Nasaan Si Elisa?


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Melissa kahapon, February 12 sa grand launch ng bagong noontime show ng ABS-CBN, ang Happy, Yipee, Yehey! na ginanap sa Yñares Sports Arena, Pasig City, kung saan ay nag-guest siya rito.


Ang aktor na si Jake Cuenca ang boyfriend ni Melissa. Si Jake ang unang umamin kamakailan lang, na sila na ni Melissa. Umabot ng almost two years ang kanilang relasyon bago ito inamin ng aktor. Bakit natagalan bago umamin si Jake?

"E kasi nakita naman niya yung past relationship niya was very public. And tingnan ninyo naman kung anong nangyari. It didn't end well. Kasi maraming nakialam. So he learned a lesson from that. Kaya ayun hanggat maaari, ayaw niyang ipaalam sa lahat yung tungkol sa amin," paliwanag ni Melissa.

"Kaya nag-last ng ganoon katagal — kung ano man meron kami — that's because we kept it a secret. Hindi namin sinali yung ibang tao sa mga ginagawa namin. We kept it private para walang makikisawsaw, walang maninira, ganyan. I think yun yung pinakamagandang ginawa namin. We kept it a secret pero ipinaalam din namin sa tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bakit may balita na against ang parents niya, especially her mom, kay Jake para sa kanya?


"E, siyempre my mom is very protective. Ako kasi yung bunso. And ganoon lang talaga ang mga magulang, kahit sino naman."


Masasabi ba niya na ipinaglaban niya si Jake sa pamilya niya?


"Napatunayan naman ni Jake na mabuti siyang tao. And marami siyang ginagawa para makita ng mga magulang ko na seryoso siya," sagot ni Melissa.


Tulad ng...


"Marami siyang mga espesyal na ginagawa para sa akin. Pinapaalam niya ako sa mga magulang ko pag lumalabas kami, tini-text niya, kinakausap niya. And naipakilala na niya ako sa family niya. Super bait ng pamilya niya. Napamahal na rin ako sa kanila."


Since naipakilala na siya ni Jake sa pamilya nito, ang ibig sabihin ba nito ay sincere talaga siyang boyfriend?


"Nung una kasi siyempre you'll doubt kung ano talaga ang intesyon sa yo. Pero as the years went by, napatunayan niya na talagang seryoso siya sa akin. And mabuti siyang tao talaga."


Gaano katagal bago nakuha ni Jake ang tiwala niya para sagutin niya na ito?


"Pinatagal ko muna nang konti," natatawang sagot ni Melissa.


Umabot ba ng buwan?


"Ay hindi ko na natandaan. Pero natutuwa ako sa kanya dahil para siyang ano e... too good to be true siya. Gwapo, mabait, patient at galante. Basta lahat nasa kanya na e. Natutuwa ako na ako yung minahal niya. Naks!" natatawang sabi pa niya.


Bakit niya nasabi na galante si Jake?


"Ano kasi siya, e, kahit walang okasyon pag lumalabas siya ng bansa, may pasalubong siya lagi sa akin pagbalik niya. Basta lagi niya akong naaalalang bigyan ng kung ano-ano. He really finds time to go to the store and buy me something. Natutuwa ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN