John Lapus has no teleserye because he's busy doing five movies

IMAGE 0


Busy si John Lapus sa dami ng trabaho. "February pa lang, ilang pelikula na ang naka-lineup o ginagawa ko. Sabay-sabay na e, pero naka-schedule. Ang Who's That Girl?... Tapos, ginagawa ko rin ngayon yung part 2 ng Here Comes The Bride. Tapos itong Becky, isang indie film na ako ang nasa title role. Ginagawa ko rin yung Tempation Island... Tapos may gagawin ako with Rufa Mae Quinto sa V


WALANG serye si John Lapus ngayon sa GMA-7. Pero hindi dahil walang offer sa kanya, kundi dahil hindi niya matatanggap. Kabi-kabila kasi ngayon ang paggawa niya ng pelikula.

"February pa lang, ilang pelikula na ang naka-lineup o ginagawa ko. Sabay-sabay na e, pero naka-schedule. Ang Who's That Girl? with Anne (Curtis), Luis (Manzano) and Uge (Eugene Domingo) matatapos na namin. Last three days na namin. Showing na ito sa March 2," ang sabi ni John, sabay plug ng pelikula.

"Tapos, ginagawa ko rin ngayon yung part 2 ng Here Comes The Bride. Tapos itong Becky, isang indie film na ako ang nasa title role. Ginagawa ko rin yung Tempation Island.

"Tapos may gagawin ako with Rufa Mae Quinto sa Viva. Pareho kaming bida rito. Ang tentative title is This Guy is In Love with You Pare. Kaya lang nagka-problema yung Viva kasi ginawa itong theme song ng I ♥ You Pare. Maganda yung movie.

"Ayaw lang ni Direk Wenn (Deramas, direktor ng pelikula) pasabi yung story line kasi nga mapi-preempt kami di ba?" paliwanag ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 11 sa shoot ng Becky na ginanap sa Bagong Barrio, Caloocan City.

"Sa dami nga ng movies ko this year, hindi ako makatanggap ng soap. Sabi ko sa GMA-7, sa March na lang nila ako bigyan," aniya.

Speaking of Becky, ang role dito ni John ay parang siya sa totoong buhay—isang bading na breadwinner ng pamilya. Kaya naman naka-relate siya sa kanyang role.

"Alam naman natin, ever since sinasabi ko naman na tumutulong ako sa aking pamilya, di ba? And I'm sure lahat ng bakla makaka-relate, hindi lang ako. Kaya ko rin tinanggap yung movie kasi maganda yung istorya. Kasi naniniwala rin ako na walang bakla na walang trabaho, di ba?

"Di ba ang salitang tambay, hindi applicable sa bakla? Pansinin ninyo, walang baklang tinatawag na tambay. Sorry sa mga lalaki, pero pag sinabing tambay, lalaki yun, e," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mga bakla marunong dumiskarte sa buhay di ba? Kung hindi nagtatrabaho sa parlor, bugaw. At least may trabaho pa rin, di ba?" natatawang sabi ni John.

Isa pang reason kung bakit tinanggap ni John ang Becky ay isa itong drama-comedy film. First time niyang gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

"Prangkahan na, hindi rin naman ako mabibigyan ng mga mainsteam producers ng ganitong role na drama, di ba? Yun ang maganda talaga sa indie — nabibigyan ng opportunity yung mga katulad ko ng meaty, juicy at dramatic role," aniya.

"Siyempre, kung ikaw man ang mainstream producer at kukunin mo si John Lapuz — sa comedy na di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN