Gerald Anderson on finding new love: "Kung darating, darating yun. Pero ako, I'll just wait for the right one to come along."

IMAGE 0


"Sa ngayon, trabaho talaga ako. Pero hindi naman natin maiiwasan, o hindi natin alam ang talagang puwedeng mangyari. Basta sa ngayon, excited at masaya ako na makakatrabaho ko siya," says Gerald Anderson about working with Pop Princess Sarah Geronimo.


Sa desisyon ng ABS-CBN na pagpahingahin muna ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson—o mas kilala sa bansag na Kimerald—ngayon ay ipinapareha na ang dalawa sa ibang artista ng Kapamilya network.

Regular na napapanood si Kim sa Your Song Presents Kim, kung saan itinatambal siya sa ibang leading men. Kumpirmado na rin ang pagtatambal nila ni Matteo Guidicelli sa sisimulang teleserye ng ABS-CBN, Binondo Girl.

Si Gerald naman ay abala sa taping ng Buhawi Jack kung saan kapareha niya si Jewel Mische. Magsisimula na rin ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo.

Kasabay ng pansamantalang pagbuwag ng Kimerald ay ang balitang pagkakaroon na rin ng kani-kanilang lovelife ng dating magkapareha.

Nali-link ngayon si Kim kina Enchong Dee at Jason Abalos. Samantalang si Gerald naman pagkatpos ma-link kay Bea Alonzo ay tila tahimik ngayon sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa What Love Is concert nina Martin Nievera at Sarah Geronimo last February 12 sa Araneta Coliseum, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Gerald. Special guest si Gerald sa naturang concert.

KIM CHIU. Hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang marami ang nanliligaw at balak manligaw kay Kim.

"Maganda si Kim, hindi kataka-takang marami ang magkagusto sa kanya. Hindi na ako magugulat diyan. Pero sa ngayon, talagang friends kami," sabi ng young actor.

Hindi ba siya masasaktan kung sakaling ipagpalit na talaga siya ng dating kapareha sa isa sa mga dumidiskarte dito?

"Mahe-hurt? Siyempre maninibago, pero ganun talaga, e. Kailangang mag-move on at mag-focus sa mga ginagawa namin," sabi ni Gerald.

Kahit magkahiwalay sila ngayon, consistent pa rin si Gerald sa pagsasabing espesyal para sa kanya si Kim.

"Sobrang special para sa akin at hindi na magbabago yun, kahit na magka-boyfriend siya ng iba. Kung magkaiba man ang landas namin, tatanggapin ko yun," saad ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA ALONZO. Hindi rin siyempre maiwasang mapag-usapan ang nabalitang ex-girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo.

Ayon kay Gerald, masaya siya kung totoong may espesyal na relasyon ngang namamagitan ngayon sa pagitan ng aktres at ni Zanjoe Marudo.

Pero aniya, "Labas na ako dun, no comment na ako diyan kasi paulit-ulit ko na lang na sinasabi na labas na ako sa balitang 'yan. Sa akin, basta masaya ang lahat, yun ang pinakaimportante.

"Wala kaming communication [ni Bea] Nagkikita-kita lang kami sa ASAP. Friends-friends."

SARAH GERONIMO. Sa pagsasama nina Gerald at Sarah sa isang pelikula, tiyak na magiging malapit sa isa't isa ang dalawa, lalo't open ang young actor sa pagsasabing hinahangaan niya ang Pop Princess.

"Nakaka-isang eksena pa lang kasi kami, but after this concert, I'm sure, ever day na kaming magkakasama. But dun sa isang beses na nakatrabaho ko si Sarah, nakita ko na talagang focus siya. Talagang she will make it sure na maganda ang kalabasan nung project namin.

"Sobra ko siyang ina-admire. Kanina nga, pinapanood ko yung rehearsal niya, sobra siyang magaling, maganda, down to earth, kalog... So, marami talaga ang magkakagusto sa kanya.

"Sa ngayon, trabaho talaga ako. Pero hindi naman natin maiiwasan, o hindi natin alam ang talagang puwedeng mangyari. Basta sa ngayon, excited at masaya ako na makakatrabaho ko siya," pahayag ni Gerald.

Kilalang istrikto at mahigpit ang mga magulang ni Sarah sa mga lalaking nagkakagusto at gustong lumapit sa anak. Bagay na ikinaiilang daw ng mga lalaking gustong pumorma at maging close kay Sarah.

Ano ang masasabi ni Gerald dito?

"Sila Tita [Divine], mabait naman ang mga yun. Siyempre anak nila si Sarah, babae pa. Hindi natin sila masisisi. Talagang ganun ang pamilya nila, ganun sila ka-close at pinoproteksyunan nila si Sarah," sagot niya.

Aminado naman si Gerald na sa ngayon ay hindi niya priority ang pagkakaroon ng girlfriend at naka-focus muna siya sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-decide lang ako na huwag muna. Kung darating, darating yun. Pero ako, I'll just wait for the right one to come along. Pero hangga't wala, focus muna ako sa work ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN