Rufa Mae Quinto clarifies report that she is no longer engaged

IMAGE 0


"Basta sa ngayon, career na muna ako. I'm back with myself. Kasi dati, dalawa kaming iniisip ko. Pero ngayon, iba na. I'm back with myself, kumbaga. Pero kung maayos naman siya, maayos naman ako, hindi kami magkakasakitan nang bongga, e, habambuhay kaming magkakaroon ng relationship. Di ba?" says Rufa Mae Quinto.


Last year ay sinabi ng comedienne na si Rufa Mae Quinto na engaged at magpapakasal na siya sa mystery boyfriend niyang si "Mr. M." (CLICK HERE to read related story.)

Pero ngayong tayon ay pumutok ang balita na hindi na raw matutuloy ang kasal dahil nag-break na raw sila ng kanyang pakakasalan sana.

Sa Showbiz Central kahapon, February 13, ipinaliwanag ni Rufa Mae sa kanyang co-hosts na sina John "Sweet Lapus, Pia Guanio, at Raymond Gutierrez ang tungkol sa balitang ito.

"Una sa lahat, yung hindi na tuloy, siguro may mga bagay na hindi para sa... Kung ano yung nagaganap sa iba, hindi para sa 'yo. So I think, hindi pa para sa akin yung kasal, hindi ba? So, ayoko namang pilitin, kasi ang dami namang puwedeng gawin, di ba," sabi ni Rufa Mae, na halatang pinipigil ang pag-iyak.

"Pero what can I say," patuloy niya. "Hindi... Honestly, hindi ko po alam kung papaano ko ie-explain ito, sa tototo lang. Pero kailangan ko pong maging totoo, kung ano pong level na, nasaan ho ako ngayon. So, iyon."

Ano ba ang naging dahilan at hindi na matutuloy ang kasal, gayong sa pagkakaalam ng marami ay plantsado na ang lahat at meron na ring wedding date?

"Well, siguro, bukod dun sa you'll never know what's gonna happen tomorrow, isa din yun sa na-realize ko, na ang buhay, hindi 'yan parang career or business na plano ninyo, e, ganito, e, ganun na ang mangyayari. So, siguro, yun yung nangyari sa akin.

"Pero hindi pa naman kami magkaaway, hindi ko pa naman binalik yung singsing," paglilinaw niya.

So, there's still hope?

"There's still hope, siyempre," sagot ni Rufa Mae.

Nag-uusap pa ba sila ni Mr. M?

"Nag-uusap pa kami, pero sa ngayon, iyon yung katotohanan lang. Para huwag na ring mag-antay-antay yung iba, walang espekulasyon. Iyon ang leveling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPILY SINGLE. Is she single now?

"Yes, I can say I am," sagot ng aktres.

Is she happily single?

"I think sa lahat ng pagiging single moments ko, ito po yung pinakamasaya ako, yes!" sambit niya.

"Hindi ko alam kung nagkaedad na or, yun nga, as I've said, hindi mo malalaman bukas kung ano na talaga ang mangyayari sa 'yo, e. Kahit anong plano mong gawin, di ba?

"So, walang choice kundi maging positivity pa rin, harapin ang dapat harapin nang buong loob. Ang improtante, ayoko na po nung meron pong kung anu-anong espekulasyon. Marami pang nadadamay, which is wala namang dapat sisihin.

"Kaya lang po, yung katotohanan lang ngayon sa akin, e, siguro ito talaga yung destiny ko for now.

"Alam mo yung tinanggap ko kaya ako masaya? Parang feeling ko, siguro ito yung destiny ko talaga, yung walang ginawa kundi mag-show, magkulot ng buhok, mag-heels, alam mo yun? Magpatawa, Dwenkikay [her role in Dwarfina], Temptation Island [her latest film project]. O, di ba, at least may project. Palung-palo pa rin!"

Ano ang nararamdaman niya na ang iba niyang mga ka-age ay ikinasal na, o ang mga ex-boyfriends niya ay ikinasal na or may anak na?

Naiinggit ba siya, nag-e-emote, nagse-self pity?

"Wala naman 'yan sa edad. Hindi ako naiinggit," sagot ni Rufa Mae.

"Kumbaga, alam ko namang hindi naman ang istorya ng buhay mo, e, puwede ko nang ikabit sa istorya ng buhay ko. Kanya-kanya tayo ng pupuntahan, di ba?

"So, nandun lang ako sa level na bahala na ang Diyos kung ano ang plano Niya for me, di ba? Kumbaga, ayoko nang pilitin ang mga bagay-bagay. Kung hindi uukol, hindi bubukol.

"Pero siyempre, gusto ko may ka-braso, na may ka-angkla-angkla de Mercedez [na boyfriend]. Siyempre, masarap," pagbibiro pa ni Rufa Mae.

Since nagko-communicate pa rin sila ng dapat sana'y mapapangasawa niya, mahal pa ba niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre naman. Yes!" bulalas niya.

Is she looking forward to move on, or may pag-asa pa ba na magkabalikan sila?

"Well, sabi ko nga, nung huling nag-usap kami, ganito, basta sa ngayon, career na muna ako. I'm back with myself. Kasi dati, dalawa kaming iniisip ko. Pero ngayon, iba na.

"I'm back with myself, kumbaga. Pero kung maayos naman siya, maayos naman ako, hindi kami magkakasakitan nang bongga, e, habambuhay kaming magkakaroon ng relationship. Di ba?

"Kasi, bakit hindi? E, kumbaga, siya yung first fiancé ko talaga, di ba? So, importanteng-importante talaga siya sa akin."

Since engaged siya before, ano ang biggest adjustment ngayon ni Rufa Mae now that she's back to being single?

"Hindi ko alam ngayon. Kung mali-link na naman ako kung kani-kanino!" ang natatawang sabi ni Rufa Mae.

"E, ayoko naman muna. Please lang, please lang!"

CAREER MOVE. Speaking of career, ang Viva Artists Agency na ang may hawak ng career ni Rufa Mae ngayon. Wala na siya sa poder ni Boy Abunda.

"Move lang nang move," sabi niya.

"Pero in fairness naman, si Tito Boy naman, 'andidiyan pa rin, booking-booking pa rin niya ako kapag ... At okay naman kaming magkausap, di ba?

"So, iyon ang importante, okay ang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN