Melai Cantiveros receives a ring—still with its tag price—from boyfriend Jason Francisco on their first anniversary

IMAGE 0


Melai Cantiveros (in photo) and boyfriend Jason Francisco topbill the newest afternoon series of ABS-CBN titled Precious Heart Romances Presents Mana Po

.


Punung-puno ng halakhakan ang press conference ng pinakabagong afternoon series ng ABS-CBN na Precious Heart Romances Presents Mana Po kahapon, February 17, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Ito ay dahil na rin sa sagot ng cast members, na pinangungunahan ng magkasintahang Melai Cantiveros at Jason Francisco, sa mga tanong ng press.

Pagkatapos ng general presscon ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makausap si Melai.

TWO-IN-ONE CELEBRATION. Unang kinumusta kay Melai ang naging Valentine date nila ng kasintahan niyang si Jason.

Aniya, may taping sila noong mismong Araw ng mga Puso, February 14. Pero sabay nilang ipinagdiwang ang Valentine's day at ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan noong February 8.

"Sabi niya [Jason], package deal na daw yung aming date, sobrang pagkagastos niya," sabi ni Melai.

Naganap daw ang kanilang date sa Mandarin Hotel.

Kuwento ni Melai, "Nagulat nga ako kasi nag-absent siya sa taping ng Banana Split. Nag-taping kami ng Mana Po, tapos maaga siya natapos. Pagkaalis niya, nag-change location...

"Tapos, nagulat na lang ako bumili pala siya ng flowers at ibinigay niya sa akin ng alas-dose. Tapos, sabi niya, 'Meron tayong gagawin bukas, gala tayo.'

"Sabi ko, 'Meron akong gagawin, matatapos yun ng mga 7.' Nagpaalam daw siya kay Mama Bear (Cynthia Jordan, business unit head of Banana Split) na mag-a-absent siya, tapos nag-arrange pa talaga siya.

"Minsan lang kami mag-bonding nang ganun."

THE RING. Akala raw ni Melai ay bulaklak lang ang regalo sa kanya ni Jason.

"Binigyan niya ako ng ring!" bulalas niya.

Natuwa ang press sa sinabi ni Melai at saka sabay-sabay na nagtanong kung engagement ring na ba ito.

Hindi pinansin ni Melai ang tanong at ipinagpatuloy ang kanyang kuwento.

"Pero nakita ko yung price. Hay naku, abnormal talaga! Hindi pala inalis yun!" tumatawang sabi ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang may 8 siya na number," ang paglalarawan ni Melai sa singsing na ibinigay sa kanya ni Jason.

Umiling si Melai nang tanungin kung diamond ba ang singsing, saka niya sinabing, "Charion, Charion ba yun?" (Ang ibig sabihin ni Melai ay Charriol, Swiss manufacturer ng jewellery, watches, at iba pang accessories.)

Since nakita niya yung presyo ng singsing, magkano ito?

Hindi sumagot agad si Melai, pero inamin din niyang nagkakahalaga ito ng sampung libong piso.

Hindi suot ni Melai noong gabing iyon ang singsing na bigay ni Jason.

"Kasi may taping ako mamaya. Baka paalisin at baka mawala pa," paliwanag niya.

Sa huli, iginiit ni Melai na hindi ito engagement ring.

Ano naman ang regalo niya kay Jason?

"Yung heart na plastic," mabilis niyang tugon.

PRIVATE LIVES. May mga pagkakataon na tumitigil si Melai sa pagsagot ng mga tanong ng press tungkol sa relasyon nila ni Jason.

"Baka kasi magalit siya," sabi ni Melai, sabay turo kay Jason na nasa kabilang table.

Inamin niyang minsan ay nagkakaroon sila ng mga pagtatalo kapag masyado niyang nakukuwento ang mga detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Jason, tinanong namin siya kung bakit sila nagtatalo kapag nagkukuwento si Melai tungkol sa kanilang relasyon.

Paliwanag niya, "Kasi, di ba, medyo formal na, hindi na mga bata, e? Kaya dapat medyo may privacy din sa sarili at hindi lahat sinasabi."

Sumusunod naman daw si Melai sa mga payo ni Jason.

"Minsan ilang araw, tapos babalik ulit siya sa dati," ani Jason.

"Kaya minsan nagtatampo ako kasi minsan pag sobra na yung... Kasi para akong tatay na nagsasabi sa kanya. Tulad ng, 'O, wag ka na ma-late kasi pangit yun o kaya mali yung ganun.'

"Pero nakikinig naman siya... ng ilang araw!" pahabol ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN