Sherilyn Reyes and hubby Chris Tan venture into talent management

IMAGE 0


Actress-host Sherilyn Reyes enjoys working behind the camera as a producer and events organizer. The former Moms co-host also reveals a new passion: managing the careers of other artists.


Punong abala ang actress-host na si Sherilyn Reyes at ang mister nito na si Chris Tan sa BlackBerry event sa ginanap kamakailan sa Activity Center ng TriNoma Mall sa Quezon City.

Star-studded ang nasabing affair na sponsored ng popular mobile phone brand dahil dinaluhan ito ng mga naglalakihang artista katulad nina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Sunshine Cruz, Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Sunshine Cruz, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Bea Binene, Jon Avila, Gab Valenciano, at Kris Aquino.

Matagal na ring nalilinya ang mag-asawang Sherilyn at Chris sa production ng corporate events at concerts.

Ilan lamang sa hinawakan nilang concerts under their 1two17 Production and Management Services ay ang Cavite show ng komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola, at ang 40th birthday concert ni Ogie Alcasid noong 2007 sa Music Museum na pinamagatang Faces of My Life.

HANDLING TALENTS. Bukod sa pagiging producers at event organizers ay nabanggit din ni Sherilyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na pinasok na rin nila pati ang talent management.

Kasama sa plano nila Sherilyn at Chris ang makatulong sa ilang artista na pansamantalang nawala at ngayon ay nais makabalik sa industriya.

"Meron kaming bagong artista—si Bianca Reyes. Nag-guest na rin siya sa GMA. Meron kaming acoustic singer na iniikot-ikot namin, may mga gigs to prepare for a much bigger project," masayang pahayag ni Sherilyn.

Sa ngayon ay ayaw munang biglain ng mag-asawa ang pagpasok nila sa mundo ng talent management. Mas mainam daw na dahan-dahan pero sigurado lalo pa't hindi biro ang responsibilidad ng isang manager.

"Medyo mapili din kami sa mga talents kasi ayaw naman naming tanggap nang tanggap tapos wala naman kaming project na maibibigay sa kanila," katwiran ni Sherilyn.

Para maging madali ang lahat ay hinati ng mag-asawa ang responsibilidad, with Chris taking care of client negotiations along with looking into the details of certain projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman 'yong office work!" natatawang banggit ni Sherilyn, na aminadong malaking tulong ang pagiging celebrity niya pagdating sa pag-iimbita ng mga artista na puwedeng dumalo sa mga events na hinahawakan nilang mag-asawa.

STILL IN THE LIMELIGHT. Bagamat very busy working behind the camera ay hindi pa rin naman daw tatalikuran ni Sherilyn ang pag-arte at paglabas-labas sa telebisyon.

Ilan lamang sa mga TV projects na kung saan napanood si Sherilyn ay ang My Only Love (2007), Maging Akin Ka Lamang (2008), Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (2009), Rosalinda (2009), at The Last Prince (2010).

"I got an inquiry for a role in Kapitan Inggo but they cancelled after learning about my pregnancy," kuwento ni Sherilyn, who is "almost four months on the family way."

Dagdag pa ng aktres, "I'll be in Captain Barbell but I'm gonna tape lang for a week with them as Solenn's [Heussaff] boss."

Sinabi rin ni Sherilyn na hangga't maaari ay ayaw niyang maubos ang oras niya sa taping dahil bukod sa maselan ang kanyang kalagayan ngayon, ay mahalaga pa rin na magkaroon siya ng enough quality time kasama ang asawa at dalawang anak na sila Paolo, 12, at Lorenz, 8.

Dahil Valentine's Day ay tinanong namin si Sherilyn kung paano ba nila usually ipinagdiriwang ni Chris ang espesyal na okasyon?

"Iba-iba, like there was a time na nag-Bangkok kaming dalawa ni Chris. May mga times naman na we celebrate it with friends. Meron ding moments na we celebrate it together with the kids.

"Ngayon, hindi ko pa alam, naghihintay lang ako kung anong plano ni Chris," natatawang sagot ni Sherilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN