John "Sweet" Lapus to sue columnist Jobert Sucaldito for false report

IMAGE 0


"Jobert, tigilan mo na ako! Tigilan mo na ang paninira sa ibang tao. Tigilan mo na ang pagsusulat ng mali. Maawa ka sa sarili mo. Nawalan ka na nga ng TV show, mawawalan ka pa ba ng katiting na kredibilidad na meron ka?" says John "Sweet" Lapus (in photo) about columnist Jobert Sucaldito.


"SWEET NAGWALA SA BAR"

Ito ang headline ng isang tabloid na lumabas noong Sabado, February 19.

Ang kabuuan ng report ay nasa artikulo ng kolumnista na si Jobert Sucaldito. Nakasulat dito ang eksenang ginawa diumano ni John "Sweet" Lapus matapos siyang makainom isang gabi sa The Library Comedy Bar & Restaurant sa Malate.

Ang pangungulit daw ng comedian-TV host sa isang lalaki ay muntikan nang mauwi sa hampasan ng bote ng beer kung hindi lang daw napigilan ang nasabing lalaki ng mga tagaroon.

IT NEVER HAPPENED. Pero pinabulaanan ng mga nakasama ni Sweet nung gabing yun na sina Andrew de Real at Philip Lazaro na may naganap na ganung insidente sa taped interview sa kanila ng Showbiz Central na inere nuong Linggo, February 20.

Ayon sa kanila, kaibigan pa raw mismo ng mga kasamahan ni Sweet ang naturang lalaki na nagngangalang Kiko.

Kuwento ni Andrew, na mas kilala sa tawag na Mamu at may-ari ng The Library, "February 14, nag-Valentine show si Philip at Sweet dito. Tapos siyempre, super-successful, naupo, nag-chill."

Dugtong ni Philip, "I was with Sweet at one table and some other friends, tapos si Mamu with some other friends sa kabilang table. Si Kiko was there, tapos may mga konting biru-biruan."

Dagdag pa ni Andrew, "Tapos, napunta yung topic sa mga lovelife-lovelife. Nagkaka-asaran, yung parang, 'Ay, ikaw wala kang lovelife, zero ka!'

"Nabato dun sa isang guy [Kiko], 'Ikaw syota ka ni Shalala!' Yung parang joke lang, parang... E, ano naman kung naging syota siya ni Shalala, e, okay naman si Shalala. Wala namang masama doon, pa-joke-joke lang."

Diin ni Philip, "Pero walang isyu na halos magpukpukan ng bote. We were both okay, we weren't drunk... Maaga pa yun, e."

Sabi pa ni Andrew, "Kung may mag-aaway, ako ang unang kokotong, ako muna ang aawat. So, umalis, nag-enjoy, nag-beso, nagpaalam pa sila, ganun lang kasimple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos bumalik pa siya [Kiko] ulit dito, he was here last night. Tinatawag ko, dyino-joke ko siya, 'Mr. Shalala!' Sabi niya, 'Hindi totoo yun!' 'Ito naman, napakaseryoso, it was a joke.'"

SWEET FIRES BACK. Pagkatapos ng taped interviews kina Philip at Andrew, humarap si Sweet sa Showbiz Central co-host niyang si Raymond Gutierrez upang magsalita tungkol sa "maling balita" sa kanya.

Ano ang reaction niya sa version ng kuwento ng mga kaibigan niyang sina Philip at Andrew?

"Iyon na yun, kung ano yung sinabi nila... Thank you nga pala kay Philip at kay Mamu... That's what happened that night. It was a Valentine show namin ni Philip, it was a very successful show.

"So, after the show, nagkaroon kami ng konting inuman, tsikahan. At the tsikahan in question, kasama namin ang mga kaibigan namin. Masaya, tawanan, lokohan.

"And biglang kahapon, makakatanggap ako ng headline na kaya muntik daw akong makuyog dahil 'SWEET NAGWALA SA BAR.'

"Parang napaka-irresponsible... This is the most irresponsible headline na nakita ko sa buong buhay ko and sad na ako pa yung naka-headline," sabi ni Sweet habang hawak-hawak ang naturang tabloid.

Dagdag pa niya, "And ang tapang, e, ni walang question mark, ni walang 'daw' yung headline. So, parang kinu-confirm na talaga, parang dine-deceive na talaga yung readers.

"Tapos, napaka-malicious pa nung picture na nilagay. This is a... Picture ko 'to for pep.ph [Philippine Entertainment Portal] na ano ito, e, parang sweeticons. Yung iba-ibang emotions ko, na may galit, may masaya, may deadma. So, ito yung warla picture. Yun pa yung nilagay."

Si Sweet ay blogger ng PEP.

Patuloy niya, "So, napakamalisyoso talaga nung headline and, worst, yung kolum ni Jobert Sucaldito sa loob."

Ano ang reaction niya sa mga sinabi ni Jobert na meron naman daw recording ng insidente?

"Well, unang-una, ilegal," sabi ni Sweet. "Hindi yata alam nung nag-record [na ilegal] ang pagre-record ng kahit na anong private na conversation between friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And nakarating na rin naman sa akin yung laman nung recording. And the recording will only prove na tama ang sinasabi ko, ni Mamu, ni Philip Lazaro, that it was a fun night and tsikahan with friends."

FILING A CASE. May balak ba si Sweet na gumawa ng legal action against Jobert?

"Yes, I am. I am suing Jobert Sucaldito, the showbiz editor of Bandera Ervin Santiago, and their publisher Eileen G. Mangubat," sabi niya.

"And this is just not for me, this is also sa lahat ng mga tao, ng mga artista for that matter, na inokray ni Jobert in the past, na ginawan ng maling artikulo.

"This is for Direk Wenn Deramas, Candy Pangilinan, Marian Rivera, Baby James Yap, or even Dra. Vicki Belo.

"This is for all of us. That's why I'm suing," pahayag ni Sweet.

Hiningan din ni Raymond ng mensahe si Sweet para kay Jobert.

"Jobert, tigilan mo na ako! Tigilan mo na ang paninira sa ibang tao. Tigilan mo na ang pagsusulat ng mali.

"Maawa ka sa sarili mo. Nawalan ka na nga ng TV show, mawawalan ka pa ba ng katiting na kredibilidad na meron ka?

"Tama na. Maawa ka sa pamilya mo, sa anak mo, di ba? Bubuksan ang Facebook, makikita may tatlong fan page na 'I Hate Jobert,' di ba?

"Malaki na yung anak mo, nagpe-Facebook na 'yan. Malalaman ng anak mo na ang taong bayan, galit sa iyo.

"So, tama na. Tigilan mo na Jobert, please lang!"

Bukas ang PEP sa panig ni Jobert at ng iba pang may kinalaman sa isyung ito kung nais nilang magbigay ng pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN