James Yap says he's not courting or dating Isabel Oli

IMAGE 0


"Si Isabel kasi, Cebuana rin. Ako, Cebuano. So, alam mo ang mga Cebuano, kumbaga, magaan ang pakiramdam," says basketball star James Yap about rumors linking him to actress Isabel Oli.


Last year ay naulat sa PEP Alerts ang diumano'y magkasunod na sighting ng basketball star na si James Yap at ng aktres na si Isabel Oli sa loob ng dalawang araw. Bagamat hindi itinanggi ng dalawa na nagkita nga sila nang mga panahong 'yon, kapwa nila pinabulaanan ang balitang may relasyon sila o nagde-date sila.

Muli na namang nabuhay ang isyu kina James at Isabel nang may makakita sa kanila kamakailan na magkasama sa Resorts World sa Pasay City. Sa pagkakataong ito, hindi na itinanggi ni James ang "totoong namamagitan" sa kanila ni James.

"Si Isabel kasi, Cebuana rin. Ako, Cebuano. So, alam mo ang mga Cebuano, kumbaga, magaan ang pakiramdam," sabi ni James sa panayam sa kanya ni Ginger Cornejo para sa The Buzz na ipinalabas kahapon, March 6.

Hindi rin itinanggi ng PBA player na si Isabel ang isa sa mga espesyal niyang bisita sa kanyang birthday noong February 15.

"In-invite ko siya. Okay na yung presence niya sa birthday ko, okay na yun. Kahit walang regalo," sabi ni James.

Pero nilinaw na walang anumang "romantic involvement" sa pagitan nila ni Isabel ngayon bukod sa pagiging "magkaibigan."

Aniya, "Si Isabel, kaibigan ko naman. Hindi ko naman idine-deny na kaibigan ko. Kaibigan ko siya.

"Wala akong nililigawan. Wala akong dine-date. Siguro nga, single ako. So, kung sino lang ang madikit sa akin na babae, talagang may isyu na.

"So, hintayin na lang nila kapag ako na ang magsabi na, 'O, ito na talaga. Ito na ang girlfriend ko. Ito na ang nililigawan ko.' Para wala nang isyu."

Samantala, naniniwala si James na kung magkakaroon man siya ng bagong babae sa buhay niya, pagkatapos ng failed marriage nila ni Kris Aquino, hindi naman tututol ang anak nilang si Baby James.

"Siguro, papayag. Hindi ko pa naman tinatanong, e," sabi niya.

Pero sa ngayon, hindi pa raw siya handang pumasok muli sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Focus muna ako sa paglalaro ko [ng basketball]. Mahirap yung papasok ka sa isang relationship na hindi ka ready. Darating din naman yung time na ready ka," sabi niya.

Natutuwa naman si James na maganda ang relationhip nila ni Kris ngayon. In fact, kahit nga raw sa pagpili niya ng bibilhing condominium, si Kris pa rin daw ang kinokonsulta niya.

"Sa ngayon, okay naman. Siguro masaya ako na ganito na rin," sabi ni James.

"Sa advice naman, okay naman, like sa condo, wala namang masama na magtanong sa kanya. May pinagsamahan naman kami.

"Lumalaki na si James. Pangit naman yung nakikita niya ang Mama at Papa niya hindi nagkakasundo, nagkakaaway.

"At least ngayon, nagpapasalamat din ako kay Kris na naiintindihan niya ang kagustuhan ng anak namin na maging okay kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN