Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos not keen on having another baby right away

IMAGE 0


"Siyempre, minsan nagbibiruan na sundan na, para isang papayatan na lang daw [para kay Juday]. Pero, parang ako ang papayat kapag nasundan si Lucho e," says Ryan Agoncillo. Baby Lucho is four months old.


Ayaw munang sundan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang kanilang bunsong anak na si Lucho na sa ngayon ay higit four months old na.

Although inamin din ni Ryan in jest, na okay lang sakaling makabuo sila.

"Hindi naman sa nagpa-family planning kami, we're just going with it. Kung sakaling makabuo, di go lang. Pero sa ngayon, hindi pa namin iniisip," pahayag ni Ryan sa presscon ng Talentadong Pinoy na ginanap February 18, sa SM Skydome, North Avenue, Quezon City.

"Siyempre, minsan nagbibiruan [kami] na sundan na, para isang papayatan na lang daw [para kay Juday]. Pero, parang ako ang papayat kapag nasundan si Lucho e," nakatawang dagdag ni Ryan sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment media.

Sa naturang presscon ay ipinakilala ang mga super-talented na Hall of Famers sa Talentadong Pinoy na napapanood sa TV5 tuwing Sabado at Linggo.

Kabilang dito ang master beatboxer ng Davao na si Beatbox Gor, sand artist ng Laguna na si Joseph the Artist, mala-Broadway singers ng Muntinlupa City na The Believers, singing group ng Quezon city na Newborn Divas, pole dancer ng Caloocan na si Sfashiva, acrobatic partners mula Cainta na Zion Show, Fire Attraction na tubong Cebu, at ang dancing duo ng Cavite na RR Friends.

Idadagdag din sa finalists ang isang wildcard winner na malalaman sa March 6.

Mayroon ba siyang personal favorite sa finalists?

"Wala akong personal favorite... Kasi, I'm one of the last people to find out the results. Kumbaga, kapag in-announce ko iyong results, kasabay ko lang din iyong audience. Pero, may pustahan kami ng staff, walang mga paborito, pero mayroon kaming mga napipisil.

"Last year, nagpustahan kami, ang pusta ko ay kay Yoyo Tricker... nanalo! So, ang nanalo sa pot ay ako at yung floor director naming si Jamie," kuwento ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkano ang kinubra kanyang panalo?

"Malaki!" pahalakhak na sagot niya. "Malaki! Kasi, lahat kami ay kasama roon sa pustahan."

Sino naman ang manok niya ngayon?

"Ngayon, hindi pa, manonood muna ako ng rehearsal at saka ako pupusta. Oo, magpa-pot ulit kami," aniya.

Ibinalita rin ni Ryan na ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy 2011 ay mananalo ng isang milyong piso. Kasama na rito ang karangalang maging isa sa representatives ng Pilipinas sa taunang international competition na World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Sa March 12 and 13 gaganapin ang grand finals ng Talentadong Pinoy Season 2 sa YƱares Center, Antipolo City.

Incidentally, isang kaabang-abang na side show rin sa finals ng Talentadong Pinoy angmagaganap bukod sa labanan ng Hall of Famers. Ito'y ang celebrity competition sa March 13 na bahagi rin ng Battle of the Champions.

Maglalaban-laban dito ang mga nanalo sa celebrity edition noong Season 2 na kinabibilangan nina Rosanna Roces, Valeen Montenegro, Pretty Trisha, Regine Tolentino, at Ciara Sotto.

ENDORSEMENTS. Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya, ano pa ba ang mahihiling niya?

"What else? Nothing... sana lang ay mag-continue. Kasi ano e, iba na yung reason kung bakit ako nagtatrabaho ngayon e. It's not about acquiring what I want now, it's securing Juday, Yohan and Lucho..."

Speaking of Baby Lucho, bakit parang hindi nakikita ang picture niya?

"Malapit na po, inaasikaso namin ngayon. We're actually gonna release photos in the next few months. Hindi ko lang po alam kung kailan.

"Hindi po exclusive sa isang magazine or special book e. I'm not sure about Juday if she's coming out with her magazine, hindi ko lang po alam. But I know... the past weeks ay nagko-collate na kami ng mga pictures para mailabas."

May naka-line-up na bang endorsements para kay Lucho?

"Opo, pareho sila ni Yohan, mayroon nang endorsements."

Kamusta na si Yohan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kakapasa pa lang niya sa Grade 1 na pinag-aplayan niya. So, this coming school year ay Grade 1 na siya, sa La Salle Zobel.

"Kaka-accept lang niya kanina, so, kailangang kumayod. Kakakuha lang namin ng admission letter. We're so proud, she passed her exams. She's turning seven na this November e.

"Proud na proud kanina, si Juday ang kumuha ng admissions form e," nakangiting pahayag pa ni Ryan.

MORE SHOWS. Kung si Eugene Domingo ang Crossover Queen, si Ryan naman daw ang Crossover King. So, ano ang puwedeng ma-i-offer ng isang channel para maging exclusive siya rito?

"Ako simple lang e, Kabuhayan Showcase lang ay okay na ako," nakatawang biro pa ng mister ni Juday.

"No, ako? I enjoy being part of a show like Talentadong Pinoy and... kasi noong nag-Talentadong Pinoy ako, ABS-CBN pa ako e, and then nagpatuloy hanggang sa nag-Eat Bulaga! ako," ang sabi ni Ryan.

"I'm still with ABS and then yung huli naming pag-uusap ay naging maganda naman, walang sarahan ng pinto. And every now and then, mayroon pa ring mga talks here and there. So, ako, it's very exciting for me to be working wherever there's work. Kasi siyempre, mahirap ang buhay ngayon e."

Binanggit rin ni Ryan ang iba pang show niya na dapat abangan sa TV5.

"Officially, I am a Kapatid, di ba? Doon ako excited kasi ang TV5, nag-promise sila na bibigyan ako ng daily game show. So, I'm very excited.

"Siyempre, hindi noontime show, kasi my loyalty lies with Eat Bulaga! Hindi ko sure yung time slot. But as far as I know, it's a franchise show, it's a daily game show na maraming matutuwa na naman kasi, mamimigay na naman dito ng mga premyo," ani Ryan.

"Tapos, may naka-line-up din akong sitcom sa TV5."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN