Dra. Vicki Belo defends Hayden Kho Jr. in billboard tiff with Sharon Cuneta

IMAGE 0


Dra. Vicki Belo clarifies that she owns a clinic in Paris, France, not the rumored two-bedroom flat near Place de la Concorde, a major public square, and Champs Élysées, the most famous street in Paris where the rich and famous shop. "We have one branch of Belo in Paris, but it's not really a Belo Medical Group, it's me together with another doctor, Dr. Stravinsky," she says.


Dra. Vicki Belo, ipinagtanggol si Hayden Kho Jr. sa alitan nila ni Sharon Cuneta.

Dahil sa matinding isyung kinasasangkutan ng lalaking nauugnay sa kanya, hindi napigilan ni Dra. Vicki Belo na depensahan si Hayden.

"Tahimik naman si Hayden, nag-tweet lang yung tao, wala namang binigay na kahit na anong pangalan.

"Alam ko namang hindi si Mega ang tinutukoy kasi sinabi naman sa akin kung sino talaga ang tinutukoy niya.

"Siguro may nagsulsol, sinabing siya e hindi naman talaga totoo. So para namang walang reason. But it would be nice... kasi Sharon and I naman although we're not close friends, we are acquaintances, it would be nice naman na walang bad blood," pahayag ni Dra. Vicki sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central na ipinalabas kahapon, Linggo, February 20.

Samantala, just recently, hindi rin nakaiwas sa intriga ang cosmetic surgeon nang masulat sa mga pahayagan na may apartment siya diumano sa Paris, France.

Ang nasabing two-bedroom flat ay nasa pagitan daw ng Place de la Concorde, a major public square, at Champs Élysées, the most famous street in Paris where the rich and famous shop.

Kamakailan lamang, dito raw tumira si Manay Lolit Solis kasama ang iba pang entertainment journalists nang bumisita sila sa France.

Nang tanungin ng Showbiz Central si Dra. Belo tungkol dito...

"Naku, huwag na nating pag-usapan yan!"

Ayon naman sa anak ni Dra. Vicki na si Cristalle Henares...

"Ay hindi, hindi, sa tita namin. Actually it's not my tita... the tita of my mom lives in Paris so doon nag-stay sina Nanay Lolit."

Paglilinaw naman ni Dra. Belo, isang clinic at hindi apartment ang pag-aari niya sa Paris.

"We have one branch of Belo in Paris, but it's not really a Belo Medical Group, it's me together with another doctor, Dr. Stravinsky.

"But I only go there in April and September."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN