Sunshine Dizon plans to return to acting after giving birth

IMAGE 0


For Sunshine Dizon, family comes first. But being a child of showbiz (she landed her first screen role when she was 3 years old), she cannot turn her back on acting. "Siyempre aalagaan ko muna yung baby ko. Pero siguro kung mga five months na, baka puwede na akong tumanggap ng projects," she says.


Isang maganda at masayang Sunshine Dizon ang nadatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang baby shower na in-organize ng kanyang kaibigang si Girlie Sevilla last February 19, Saturday, sa Conti's Katipunan, Quezon City.

"Ang laki-laki ko tingnan kasi seven-and-a-half months na ang tiyan ko. Sabi nga nila, ang laki-laki ko daw magbuntis, ang laking babae daw yung baby ko!" natatawang sabi ni Sunshine.

Nakatakdang isilang ni Sunshine ang unang anak niya with husband Timothy Tan sa Abril.

"Bale April 28 ang due date ko," banggit niya. "Pero until now, wala pa nga kami naiisip na pangalan ni Tim. Ewan ko, hindi ko pa talaga alam.

"May mga names kami in mind, pero yung talagang ipapangalan namin sa baby namin, wala pa talaga. Baka last minute na lang."

Hindi ba sila yung tipo ng mag-asawa na nagko-combine ng pangalan?

"Wala, e, hindi naman. Basta ang gusto lang ni Tim, two names. Ako kasi, kung ano siguro yung name na gusto niya, at gusto ko rin, yun yung ipapangalan namin sa baby."

Habang palapit nang palapit ba ang due date niya ay mas lalo siyang na-e-excite na makita at mayakap na ang baby niya?

"Oo naman, pareho kami ni Tim, gustung-gusto na talaga namin siyang makita. Yun nga lang, pag malapit ka nang manganak, feeling ko parang bumabalik yung time na naglilihi ka. Palagi akong nasusuka, parang laging naiipit na yung sikmura mo at kung anu-ano pa ang nararamdaman ko. Masakit sa likod, masakit sa legs, parang ganun."

Ngayong less than two months na lang ay manganganak na siya, hindi na ba siya puwedeng mag-travel nang malayo?

"Okey lang naman, pero kami na lang yung medyo nag-iingat. Lalo na kapag baku-bako yung dadaanan at malayo yung biyahe, hindi na lang ako sumasama. Ingat na rin para sa baby. Pero kung okey naman yung daan at malapit lang nama, sumasama ako kay Tim bumiyahe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumili na ba sila ng mga gamit ng magiging baby girl nila?

"As of now, nag-order na kami ni Tim ng mga gamit para sa baby namin na magmumula pa sa States, mula sa play pen, stroller... Lahat yun in-order namin ni Tim sa States, in-order ni Tim dun sa friend niya isi-ship na lang dito.

"Yung ibang gamit naman na nabili ko, yung mga kimono na white, sterilizer... Hindi pa talaga super kumpleto kasi yung dad ko, hinihintay ko ding umuwi. Katulad niyan, may mga friends na magrerega-regalo.

"Sa amin kasi, dahan-dahan lang sa pagbili kasi mabilis lumaki ang baby. Pero minsan, ako kasi kung anong makita, parang gusto kong bilhin kahit hindi kailangan. Tapos yung ibang gamit, pinabili ko sa daddy ko sa States."

Pagkatapos niya bang manganak ay babalik ulit siya sa showbiz?

"Hindi ko pa talaga masasabi, pero most likely talaga, siyempre aalagaan ko muna yung baby ko. Pero siguro kung mga five months na, baka puwede na akong tumanggap ng projects.

"Pero as of now kasi, mas gusto kong alagaan muna ang baby namin. Pero for sure, babalik ako kasi kinalakihan ko na ang showbiz. Bata pa ako, artista na ako, kaya alam kong babalik-balikan ko ang pag-arte."

Pero okey naman ba kay Tim na bumalik siya sa showbiz?

"Wala naman kasing problema kay Tim kasi very supportive 'yan. Ang sa kanya lang, siguro basta huwag lang mapapabayaan ang baby at ang pamilya namin. Ako naman kasi, sa ngayon, mas priority ko ang family more than anything else. Handa kong i-sacrifice lahat para sa family ko.

"Siguro if ever na magwo-work ako ulit, hihingi na ako ng cut-off ng trabaho, hindi na puwede yung sobrang puyatan. Kung papayagan nila ako, tatanggapin ko yung project, pero kung hindi, hindi ko na lang tatanggapin.

"Siguro yung mga projects na twice a week, like hosting na hindi inaabot ng magdamagan, baka yun, puwede. O kaya guesting lang. O kaya kung may offer na soap, depende na lang sa arrangement yun. Kung okey lang sa kanila ng [hanggang] 12 midnight, okey yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na naman kasi ang mundo ko ngayon, may asawa't magkakaroon na ako ng anak. Tsaka hindi naman katulad ng dati na yun na lang ang bread and butter mo. E, ngayon marami rin kaming inaasikaso, may negosyo naman kaming mag-asawa."

Anong mga changes na nangyayari sa kanya lalo na't magiging mommy na siya?

"Siyempre mas iniisip ko na ngayon yung future ng baby ko, hindi katulad ng dati na selfish ka pa at sarili mo lang yung iniisip mo. Ngayon talaga, lahat ng plano namin para sa bata.

"Katulad next month, nakabili kami ng asawa ko ng lupa at patatayuan na namin ng bahay para na rin sa future namin at ng magiging baby namin. Tapos nag-iipon na kami para pag pumasok na ng school yung baby namin.

"Ngayon, mas homebody na ako, mas gusto ko na lang na nasa bahay hindi katulad ng dati na gusto ko parating nasa labas."

Sa Pampanga na ba talaga mag-i-stay ang family nila ni Tim?

"Para sa akin, okey na sa Pampanga kami mag-stay. Kasi sa Pampanga, tahimik, tsaka lahat naman ng kailangan namin, meron sa Pampanga—malls, good schools, meron sa Pampanga.

"Tsaka if you want to go to Manila, it's just a one-hour drive. Kaya masaya na ako sa Pampanga, mas tahimik ang buhay ko. Tsaka pag magte-taping naman ako, hindi mo naman mararamdaman yung biyahe kasi malapit lang naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN