Tuesday Vargas says she is no longer affected by intrigues: "Trabaho lang 'yan."

IMAGE 0


Totoo nga bang nakikipagbonggahan si Tuesday Vargas kay Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy? "Ang sa akin, gusto ko lang kasi na hindi maiwan ni Ruffa. Gusto ko lang ding mai-angat yung show kaya sinasabayan ko yung suot niya. Pero hello! Beauty queen yun ano? Ibang level," paliwanag ni Tuesday.


Isa-isang sinagot ni Tuesday Vargas ang lahat ng mga negatibong tsismis na nagsasabing pasaway, primadona, at eksenadora, ang aktres at kinaiinisan ng kanyang mga katrabaho.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tuesday at the presscon of Dulcolax last February 18 sa Sulo Hotel, sabi ng aktres na hindi daw totoo ang mga balita na galit sa kanya ang mga TV5 artists na sina Shalala at Wilma Doesnt.

Si Tuesday ay celebrity endorser ng Dulcolax.

"Naku si Shalala okey kami niyan, nagti-text pa nga kami e, Ewan ko ba kung bakit may naglalabasang hindi kami okey. Yung kay Wilma naman, siguro dahil pareho kaming prangka kaya ganun. Pero okey kami," aniya.

Pagnaba-blind item siya, kinakausap ba niya si Shalala?

"Hindi kasi blind item e, tsaka pag pumiyok ka parang inamin mong ikaw yun. Basta sa akin, trabaho lang yun," ang sabi ni Tuesday.

Pag may lumalabas na intriga involving other artists, kinakausap ba niya ito ng face to face o dinidedma lang niya?

"Pag may issue ako with the other artists, kinakausap ko nang personal at hindi ko na pinatatagal. Like for example, may sinabi daw itong artist sa akin na hindi maganda, kinakausap at tinatanong ko na kung sinabi niya ba ito, o totoo ba ito.

"Mas maganda kasi yung ganoon, kaysa naman patagalin mo pa. Lalaki at lalaki lang yung issue at mag-aaway kayo nang hindi niyo man lang inaalam ang totoo."

Totoo ba na nakikipagbonggahan siya kay Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy?

"Ang sa akin, gusto ko lang kasi na hindi maiwan ni Ruffa. Gusto ko lang ding mai-angat yung show kaya sinasabayan ko yung suot niya. Pero hello! Beauty queen yun ano? Ibang level.

"Pero hindi naman totoong nakikipagbonggahan ako sa kanya. Iba naman yung sumasabay lang sa nakikipagbonggahan. Tsaka ang layu-layo naman sa akin ni Ruffa. Ruffa Gutierez yun," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madali ba siyang ma-apektuhan ng intriga?

"Naku noon oo. Iniiyakan ko talaga yan. Pero ngayon, sa tagal-tagal, okey na. Hindi na. Sinasabi ko na lang na part yan ng trabahong pinasok ko, kaya kailangan maging handa ako.

"Dati nga pag may lumabas na negative writeup sa akin, nagagalit talaga ako. Lalo na't hindi totoo, naiiyak ako talaga. Pero ngayon, deadma na lang. Kasi kakabit ng artista ang intriga," aniya.

Anong masasabi niya sa mga taong nang-iintriga sa kanya, lalo na't may bago siyang iniindorsong produkto?

"Naku siguro tigilan na ang mga nega. Hindi kasi maganda yan. Mas maganda, magtrabaho na lang nang maayos. Maliit lang yung industriya natin, at sooner or later, magkikita-kita tayo sa mga proyekto. So kung meron kayong gustong sabihin sa akin, mag-usap tayo. Halika, magkape tayo.

"Marahil dumating [ang mga product endrosements] sa buhay ko dahil sa magandang pagtatrabaho ko. Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay nila sa akin," aniya.

Dagdag pa ni Tuesday na ang pagiging konstipada niya ang dahilan ng palaging mainitin ng kanyang ulo na nami-misinterpret ng iba.

"Yung iba kasi iniisip nila na mainitin ang ulo ko kasi gusto ko lang. Hindi nila alam na may pinagdaanan ako. Kasi pag konstipada ka, mainitin talaga ang ulo mo. Kaya nga feeling ko, ako na yung pinaka-misinterpreted celebrity sa dami ng intrigang pinagdaanan ako.

"Pero kung alam lang nila ang dahilan, siguro maiintindihan nila ako. Pero mahirap naman kung lahat ng makausap o makatrabaho ko, sasabihin ko na kaya mainit ang ulo ko, dahil konstipada ako. Nakakaloka naman yun," paliwanag ni Tuesday.

"Mabuti na nga lang at na-discover ko ang Dolculax dahil hindi ko na muling mararanasan ang maging konstipada. Kaya naman less init ng ulo ang resulta nito sa akin."

Masaya si Tuesday dahil may bago siyang serye — ang campaign ng iniindorso niyang Dulcolax na gamot sa constipation. Lilibutin ng aktres ang iba't-ibang lugar sa Pilipinas, maging ang mga shows sa iba't-ibang TV networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako kasi pinagkatiwalaan ako ng Dulcolax na maging Kapamilya, Kapuso, Kapatid at kung anu-ano pa at maging celebrity endorser nila."

Sa personal na buhay naman. Balak ba niya at ng asawang niya na si Coy Placido na magkaroon ng baby?

"Nagpaplano naman, siguro kung ibibigay [ng Diyos] sa amin why not, di ba? Lalo na at yung first baby ko ay 9 years old na."

Anong ma-e-expect sa kanya ng mga tagahanga niya sa 2011?

"May dalawang pelikula akong ginagawa, yung isa, part 2 ng Here Comes The Bride at yung isa naman, hindi ko pa muna sasabihin dahil bawal. Basta dalawang malalaking artista ang makakasama ko," ani Tuesday.

"Bukod pa yung mga regular shows ko ngayon, gagawa din kami ng album nung banda ko within this year. Hopefully, mailabas namin. Marami talagang aabangan sa akin yung mga tagahanga ko."

Exclusive ba siya sa TV5?

"Happy ako kasi binibigyan nila ako ng maraming trabaho pero freelance ako at puwedeng tumanggap ng trabaho sa ibang network."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN