Dominic Roco gets his biggest break via Sisid; works with his father Bembol Roco for the first time

IMAGE 0


"This is my first lead acting project, my biggest break. Matagal ko pong hinintay ang chance na ito. Gusto kong ipakita ang kaya ko as an actor," says Dominic Roco about his upcoming project, Sisid.


True to his promise that he will lose extra pounds, hindi napilit si Dominic Roco na sumabay mag-lunch with the entertainment press invited by GMA Artist Center para sa pocket interview sa kanya sa Executive Lounge ng GMA Network Center last Monday, February 21.

Bakit kailangan niyang mag-lose ng weight?

"In preparation po ito sa bago kong drama series na gagawin sa GMA-7, ang Sisid," sagot ni Dominic nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"This is my first lead acting project, my biggest break. Matagal ko pong hinintay ang chance na ito. Gusto kong ipakita ang kaya ko as an actor.

"I will portray the role of a local swimmer, kaya kailangan pong magbawas ng timbang, at hindi ikahiya ang aking katawan!" natatawang wika ng 21-year-old son of veteran actor Bembol Roco.

Dagdag pa ni Dominic, "This time, I will make my character very different from my other roles."

ON HOLD. Makakasama ni Dominic sa Sisid sina Jackie Rice, JC Tiuseco, at Ian Batherson. Pero pansamantalang naka-hold ang project nila, although may tentative schedule na sila ng taping sa March sa Anilao, Batangas.

Bakit naka-hold pa ang Sisid?

"Hindi pa po kasi masyadong marunong lumangoy si Jackie," sabi ni Dominic.

"Hindi po namin alam kung ano ang reason, pero may trauma po yata siya sa tubig. Noong una kaming nag-training, halos ayaw niyang lumusong sa tubig. Kahit sa kiddie pool, ayaw niyang lumusong. Kaya alalay lang po kami sa kanya kapag nagti-training.

"She's serious naman and very professional sa trabaho. Yun nga lang po ang problema, hindi pa siya talaga matutong lumangoy.

"Mahirap po, kasi sa dagat talaga ang location dahil mga pearl divers po kami, kaya nag-aaral na rin kaming mag-scuba diving. Bago po 'yon sa amin, pero nag-promise po ang trainor namin, si Louie Barrios, na matututo kaming mag-scuba diving."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil kasama niya sa serye si JC Tiuseco, may ilangan ba nang una silang magkasama sa training? Pareho kasi silang na-link noon sa young actress na si Maxene Magalona.

"Wala po," sagot ni Dominic. "Nang una kaming magkasama sa swimming lesson and workshop, we are both professionals, wala kaming conflict. Saka past is past. Sa training namin, hindi namin napag-uusapan si Maxene.

"Yun, ang staff, sila ang nanunukso sa amin. Natatawa na lang kami ni JC. Wala ka namang magagawa sa pagbibiro nila."

FIRST PROJECT WITH DAD. Excited din si Dominic para sa Sisid dahil makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang teleserye ang ama niyang si Bembol Roco.

"Nakakatawa nga, mas excited daw siya dahil magkakatrabaho na rin kami," sabi ng young actor.

Ano ang reaksiyon nila ng kanyang kakambal na si Felix Roco—na nasa ABS-CBN naman—nang tanggapin ng daddy nila ang gay role sa katatapos lang na primetime series na Beauty Queen?

"Noong una po, nagulat kami," sagot ni Dominic. "Hindi namin in-expect na tatanggap siya ng ganoong role. But our dad is a very good actor at ang mga nakapanood sa kanya sa Beauty Queen, pinuri pa ang acting niya doon."

Kung siya ba ay in-offer-an ng gay role, tatanggapin niya?

"Why not, if given the chance?" sagot niya. "Gusto kong maka-level si Dad. Pero alam ko, malayo pa 'yon at gusto ko makilala ako sa sarili ko."

TWINS. Bakit ba sila naghiwalay ni Felix ng TV network?

"Pinag-usapan na po namin 'yon noon pa ni Felix. Mas mabuti na 'yong hindi kami magkasama. After naming nag-solo, nagkaroon kami ng mga projects.

"Idol ko si Felix. Pinapanood ko ang mga ginawa niyang soap, nagagalingan ako sa acting niya," sabi ni Dominic.

Parehong high school graduates sina Dominic at Felix, pero kung magkakaroon ng chance na makapagpatuloy siya sa college, Theater ang gustong kunin ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Dominic nang tanungin namin siya kung sino ang mas mabait sa kanila ni Felix.

"Outgoing po si Felix, namana ko naman ang pagiging tahimik ng daddy ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN