Director Brillante Mendoza neither confirms nor denies reported $2 million budget of his new film, Prey

IMAGE 0


Director Brillante Mendoza is about 40 percent done with his latest film, Prey, which stars French actress Isabelle Huppert and some of the best Filipino actors, including Sid Lucero, Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Rustica Carpio, and Angel Aquino.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo ng gabi, February 20, ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza sa kanyang tahanan sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.

Ang okasyon ay isang informal dinner get-together, kasama ang ilan niyang mga kaibigang hindi taga-showbiz, na common friend nila ng talent manager na si Edgar Instrella.



Si Ed ang ka-meeting ni Direk Brillante ugnay sa bago niyang indie film project Prey, na ayon din sa pagbanggit ng Cannes-winning director ay kasalukuyan nilang ine-edit (Kats Serrano is the film editor) at tapos na ang 40 percent ng pelikula.



Mayroong suggestion umano ang co-producers ng obra na gawing "Captured" (o Captu-re, in French) ang title ng Prey, at pinag-aaralan ito ni Direk Brillante in consultation with Ed.



"Mas gusto ko sana ang Prey dahil tugma sa pinu-point out ng kuwento, na everyone becomes the victim here, e," pagtukoy ng direktor sa isang punto ng maikli nilang diskusyon.

"Kung gagawin namang 'pa-in', o 'bait', pag binasa mo, parang 'pain' o masakit, na hindi tugma... 'pa-in' or 'patibong' siguro... Pero mas gusto ko na ang Prey... But we'll see...."



Nag-shooting sina Direk Brillante at mga kasamang staff (production designer Benjamin Padero and cinematographer Odyssey Flores); gayundin ang malaking cast ng mga lokal at banyagang aktor, sa pangunguna ng award-winning French actress na si Isabelle Huppert, at Pinoy actors, kabilang sina Ronnie Lazaro, Sid Lucero, Raymond Bagatsing, Alan Paule, Bernard Palanca, Mon Confiado, Kris King, Mercedes Cabral, Maria Isabel Lopez, Rustica Carpio, at Angel Aquino.

Sa Batangas at Subic (main location) kinunan ang kabuuan ng Prey sa loob ng sampung araw simula noong January 11.


"Sila pa rin ang mga kasama ko [sa project]," sabi ni Direk Brillante sa PEP about his production team.

Kabilang dito sina Albert Michael Idioma (sound designer) at Teresa Barrozo (musical scorer), pawang nakatrabaho ni Direk Brillante sa ilan niyang more recent successful films, tulad ng Foster Child at Tirador (2007), Serbis (2008), Kinatay (2009), kung saan siya nanalo ng Cannes Best Director award; at Lola (2009) na nagtala ng panibagong karangalan, sa 29th Fajr Film Festival, sa bansang Iran, winning the Best Picture and Best Actress (tie) awards para kina Anita Linda at Rustica Carpio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang screenwriter ng Prey, na may seryosong temang pulitikal, ay si Boots Agbayani Pastor, na sumulat din ng screenplay ng Masahista (2005), ang unang feature film ni Brillante Mendoza; pinagbidahan nina Coco Martin at Alan Paule, at nanalong Best Picture (video category) sa Locarno International Filmfest sa Switzerland.



ON PREY'S BUDGET AND FUNDING. Hindi na lumihis ang PEP sa nais nitong malinawan mula kay Direk Brillante, bagamat hindi pormal at madalian lamang ang naging pakikipag-usap ng direktor na nasa gitna ng kanyang kaabalahan sa nasabing proyekto.



Una, tungkol sa production cost ng Prey, na napag-alamang nagkakahalaga diumano ng dalawang milyong dolyar ($2 million); humigit-kumulang ay isandaang milyong piso (P100M).



Ang nasabing figures ay nagmula sa impormasyong binanggit ng isa ring indie filmmaker, si Amable "Tikoy" Aguiluz, nang magkaroon ng presscon ang El Presidente at Asiong Salonga, na comeback directorial projects ni Tikoy. Nabanggit sa presscon na isandaang milyong piso rin ang laan para sa gagawing indie films ni Aguiluz.



"Bakit naman siya nagkaroon ng idea about our film's budget?" tanong ni Direk Brillante.



Ayon ito kay Direk Tikoy, sa konteksto ng indie film sa ngayon ay hindi lamang nangangahulugang "low budget" o "cheaply-produced movies" outside of the mainstream or major movie studios.



But Direk Brillante neither confirmed nor denied Direk Tikoy's information. Instead, he mentioned funding that is supposedly coming from the Film Development Council of the Philippines (FDCP), a local government body tasked to support worthy local film projects.



"Magbibigay sila sa amin ng five hundred thousand [pesos]... Support 'yon, kapag may foreign film na nag-shoot dito. Supposedly, mandated 'yon.



"Sabi ko, 'Meron na palang ganyan... Dapat pala, meron na akong ganyan sa Serbis pa lang, sa Kinatay pa lang," sabi pa ni Brillante hinggil sa mga pelikulang iprinodyus nila sa pakikipagtulungan ng French co-producers.



Ayon pa kay Direk Brillante, may nagpayo sa kanyang mag-request ng kaukulang support fund mula sa FDCP, na nasa ilalim ng pamamahala ngayon ng dating aktor at indie producer-director na si Briccio Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hinggil sa parehong sitwasyon, na sangkot ang FDCP, maging si Direk Tikoy ay hindi makatiyak ng anumang "funding" na inaasahang magmumula sa naturang ahensiyang pampamahalaan.



"Gumawa kami ng sulat noong December [2010] pa, bago kami mag-shoot. E, awa ng Diyos, hindi pa rin dumarating [ang approval]. Dapat dun mapupunta yun, sa post [-production] house, diretso na ang pera na ibabayad as down payment. Pero wala pa rin," sabi ni Direk Brillante.



BARON GEISLER'S NON-INCLUSION.
At the height of the much-publicized and talked-about "sexual harassment" controversy involving Baron Geisler and Ed Instrella's other talent, actress Cherry Pie Picache, nabanggit ng aktor sa isa nitong interview ang isa sa mga kadahilanan ng kanyang misconduct na nakaapekto sa actress co-star at nagbunsod dito at kay Ed upang pormal na magreklamo sa PAMI (Professional Artists Management, Inc.).



Sabi ni Baron, na napagdesisyunan ng PAMI na sumailalim sa 90-day rehabilitation sa pakikipagtulungan ng manager na si Arnold Vegafria, diumano'y na-disappoint siya nang hindi siya matuloy bilang isa sa mga cast ng gagawing pelikula ni Direk Brillante, na ito ngang Prey ang tinutukoy.



Sinubukang kunin ng PEP ang pahayag ni Direk Brillante tungkol sa sinabing ito noon ni Baron sa pamamagitan ng telepono, pero nasa gitna ng kaabalahan sa out-of-town shooting ang kilalang direktor.



This time, the director briefly shed light on the matter.



Bantulot muna si Direk Brillante na magbigay ng pahayag. "Unang-una, hindi siya kasama sa pelikula...ayokong mag-comment," aniya.



Sabi naman ni Ed, "Kasi nag-prepare na daw siya [Baron], nag-workshop na daw siya."



In one of his interviews, PEP quoted Baron Geisler, thus: "Napakaganda ng role. I studied the character for two months. Muslim Abu Sayyaf dapat ako. I studied Asura Al-Fatiha..."



"E, kasi, may problema siya sa schedule," pagtukoy ni Direk Brillante. "Nag-workshop naman talaga siya, nag-training na [in a military camp]. Talagang sige, he saw to it na talagang makakasama. Pero schedule problem 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sino ang aktor na pumalit kay Baron para sa nasabing role sa Prey?



"Yung character, ni-revise na, becoming a merging of two characters," sabi ni Direk Brillante.



Bukod sa sitwasyon ni Baron, isang magandang pangyayari ang nabanggit din ni Direk Brillante tungkol sa naging samahan ng mga artista sa set ng bagong pelikula niya.



"Hanggang ngayon, may bonding moments pa sila. Mas nagba-bonding sila ngayon kasi nabitin daw sila noon sa shooting.

"I made it a point na hiwalay ang mga [gumanap na] hostages sa captors, at sa set na lang sila nagkakaalaman. Kaya na-develop yung tension between them na mahalaga sa narrative treatment," sabi pa ni Direk Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN