FIRST READ ON PEP Jennylyn Mercado's manager to Dennis Trillo's manager: "He took it to a personal level and that shows how unprofessional as a manager he is. I demand an apology!"

IMAGE 0


"As a manager, you have to be professional in all matters. It's so unbecoming of Popoy to act impulsive...when he criticized and accused me on Twitter without proper evidence," says Becky Aguila (inset, top) about Popoy Caritativo (inset, bottom).


"Ako ang harapin niya at huwag niya akong atakehin nang personal. Alamin muna niya ang totoo bago siya magdadakdak!"

Ito ang mainit na pahayag ni Becky Aguila tungkol sa kapwa niya talent manager na si Popoy Caritativo.

Si Becky ang manager ni Jennylyn Mercado, isang talent-search discovery ng GMA-7, samantalang si Popoy naman ang namamahala sa career ni Dennis Trillo, isa sa mga pinakamalaking male leads ng naturang network.

Si Becky ay dati ring manager ni Angel Locsin, at kasalukuyang manager nina Empress at Valerie Concepcion. Si Popoy ay manager nina Marian Rivera, Mart Escudero, at Janice de Belen.

Noong Biyernes, March 25, ay inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa paghihiwalay nina Jennylyn at Dennis pagkatapos ng halos isang taong relasyon nila. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi rito natatapos ang istorya dahil ngayon ay sangkot na rin sa isyu ang mga managers ng dalawang Kapuso stars.

POPOY'S TWEETS. Kahapon, March 28, ay nag-tweet si Popoy ng kanyang patutsada tungkol sa isang manager na aniya'y "mahilig sa gimmick," "laos," at "iniiwan ng mga alaga."

Dagdag pa niya, gumagawa lang daw ng kuwento ang manager na ito.

Ang unang tweet ni Popoy ay ito: "This Manager is resorting to old tricks para pag-usapan alaga nya. Di kami pumapatol sa gimmick pero pag ako nainis, ilalabas ko ang totoo."

Sinundan niya ito ng ganito: "Yung manager na mahilig sa gimmick at laos na iniiwan ng mga alaga ang tinutukoy ko." (Nang balikan ng PEP ang tweet na ito ngayong tanghali, March 29, ay na-delete na ito.)

Ang pangatlong tweet ni Popoy: "Etong lumang style nya na mag-fabricate ng kwento para magmukhang kawawa alaga nya hindi na uso."

Naniniwala si Becky na siya ang pinatatamaan ni Popoy.

Bagamat blind item ang pagkaka-tweet ni Popoy, ayon kay Becky ay obvious naman daw na siya ang tinutukoy nito. Bukod daw kasi sa tweets ni Popoy, nag-text pa raw ito sa abugado ni Becky, si Atty. Joji Alonso, at sinabing itigil na raw ng manager ni Jennylyn ang "pagpi-feed ng kasinungalingan" sa press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Atty. Alonso sa PEP na siya ang unang nag-communicate kay Popoy, na personal na kilala niya. Ipinakiusap daw ni Atty. Alonso sa manager ni Dennis na gumawa sila ng paraan para matigil na ang lumalalang hidwaan. Doon nag-text si Popoy na mangyayari iyon kapag itinigil ni Becky ang mga "kasinungalingan" niya tungkol kay Dennis.

Ayon kay Becky, "kawalan ng breeding" at "kabastusan" na manggaling sa kapwa manager ang sabihan siyang "laos" at "iniiwan ng alaga."

Kawalan din daw ito ng respeto, liban pa sa simbolo ng "kayabangan" at "unprofessionalism."

"FOUL." Manyapa'y sumisigaw ng "foul" si Becky sa "pambibintang" na ito ni Popoy.

"Bakit ako ang pinagbibintangan niya na nagpi-feed sa mga reporters? May pruweba ba siya? Nanahimik nga kami.

"Nagulat na lang ako nang kulitin ako ng PEP para sa official statement regarding the breakup dahil alam na raw nila ang totoo," sabi ng manager ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP kagabi.

Ayon pa kay Becky, ayaw na raw sana niyang sumagot nang lumabas sa PEP Alerts noong Huwebes, March 24, ang tungkol sa breakup nina Jennylyn at Dennis.

Kinabukasan na raw siya nagbigay ng kanyang statement dahil sa "pangungulit" sa kanya ng PEP. (Ito ay pinatototohanan ng PEP. Hinintay namin ng maraming oras at ilang beses kaming nag-follow up bago namin nakuha ang statement ng kampo ni Jennylyn.)

Dagdag pa ni Becky, kung madaldal siya ay hindi na raw sana umabot ng ilang linggo bago lumabas sa press ang breakup. Nag-break sina Jennylyn at Dennis noong March 5; unang lumabas ang balita noong March 24, sa PEP Alerts.

"As a manager, you have to be professional in all matters," ang pahayag ni Becky tungkol kay Popoy. "It's so unbecoming of Popoy to act impulsive...when he criticized and accused me on Twitter without proper evidence."

Dagdag niya, "He took it to a personal level and that shows how unprofessional as a manager he is. I demand an apology!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE TO DENNIS. May mensahe rin si Becky para kay Dennis:

"As for Dennis, all we wanted was an apology because he broke her [Jennylyn's] heart. As a gentleman, you need to know when to keep quiet and when to speak up.

"Even though she's your ex, may maganda kayong pinagsamahan kaya ipaglaban mo naman, because there's an issue circulating and because it's the right thing to do, not only as a man but as a person.

"Jen is still hurting from this breakup and is not ready to talk to defend herself from all those who are judging her. I just hope that Dennis takes the initiative to protect Jen.

"Hopefully, we can all settle these issues amicably and professionally. Wala nang personalan and blind items, puwede? Personal nilang problema 'yan, kaso it's getting out of hand, kaya i-settle na before it gets even worst."

Dagdag pa ni Becky, "I never meddle sa lovelife ng mga alaga ko. Pero this time, dehado and sobrang affected si Jen, kaya I have to intervene since dinamay na lang din ako ni Popoy.

"Pati nanay ni Jen, inatake kagabi sa sobrang sama ng loob kaya sana ma-realize ng kampo ni Dennis na kailangan ayusin nila 'to dahil madami nang nadadamay, nasasaktan, at napapahamak."

Bukas ang PEP sa panig ng kampo nina Dennis at Popoy kung nais nilang sagutin ang mga pahayag ni Becky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN