Gardo Versoza confirms topless scene of Marian Rivera in Amaya

IMAGE 0


Gardo Versoza plays a pre-colonial Filipino warrior named Raha Mangubat, the village chieftain, in the GMA-7 epicserye Amaya.


Last Monday, May 9, nakatanggap ng tawag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa girlfriend at manager ni Gardo Versoza na si Ivy Vicencio, who was reacting vehemently to an item na lumabas sa isang tabloid.

Ang item ay pagtukoy sa kasalukuyang partisipasyon ni Gardo sa epicserye ng GMA-7 na Amaya.

May kinalaman ito sa costume ng aktor bilang isang pre-colonial Filipino warrior named Raha Mangubat, the village chieftain.

Bilang mandirigma noong unang panahon, ang suot ni Gardo at ng kanyang mga kasama ay ang very revealing na bahag.

Ayon sa news item, diumano'y pinagalitan ng Amaya director na si Mac Alejandre sina Gardo at Daniel Fernando dahil ayaw raw maghubad ng dalawang aktor, o magsuot ng bahag nang walang underwear.

Na, diumano rin, hindi confident sina Gardo at Daniel sa kanilang pangangatawan.

"Hindi totoo 'yon!" sabi ni Ivy sa PEP.

"Noong una pa lang, wala nang problema kay Gardo sa costume na isusuot niya. Kaya nga nag-workout siya nang husto, e.

"Naiinis ako dahil iisipin na naman, nag-iinarte at may attitude problem si Gardo kaya gano'n," katwiran ng girlfriend ng aktor.

GARDO ON WEARING BAHAG. Nakausap na rin ng PEP si Gardo tungkol sa costume niya sa Amaya, at wala namang nabanggit ang aktor tungkol sa anumang naging issue sa pagsusuot niya ng kapirasong saplot sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

"Ang alam ko, si [Bulacan] Vice Governor Daniel ang nag-alangan dahil sa posisyon niya," nabanggit ni Gardo sa naunang interview.

Naitanong din ng PEP kay Gardo, bilang dating kilalang sexy actor, kung kumportable pa rin ba siya sa pagsusuot ng costume na may pagka-revealing, tulad ng bahag na nae-expose ang kanyang behind o butt.

Natawa si Gardo, na sumang-ayon din.

"Oo, kasi na-psyche ko na rin ang sarili ko, e. Parang pag na-conscious ako sa costume, feeling ko, hindi magiging maganda yung labas ko. Kasi, siyempre, magiging balakid yun sa paggalaw ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakapagpaalala ang "look" ni Gardo sa Amaya sa kaseksihang napanood sa kanya sa mga pelikulang sex-oriented na tinampukan niya noon sa Seiko Films in the mid-'90s, tulad ng Machete II at Kandungan (both with Rosanna Roces as leading lady); Sabik sa Halik at Halimuyak ng Babae (both with Priscilla Almeda as leading lady).

Natawa siya nang bahagya. "Oo, pero yung noon, siguro mas mahirap gawin kasi may mga love scenes, e.

"Ito naman kasi, sa Amaya, yung talagang character, di ba?

"Para kasing pag ibinalik mo doon sa panahon nila, wala naman talagang sobrang balot na balot.

"Mga gano'n talaga yung suot nila, parang yung tipo din ng mga Ifugao.

"Ang galing nga ng mga set at costumes, e. Para siyang pelikula!" pagtukoy din ng aktor, na malaki ang mga eksenang ginawa para sa pilot episode ng epic drama series.

"TOPLESS" MARIAN RIVERA. Maging ang female lead ng Amaya na si Marian Rivera ay may mga kontrobersiyal na ulat hinggil sa papel at exposure.

Naging usap-usapan na nga ang diumano'y pagta-topless daw ng dalagang aktres sa serye.

Nagkaeksena na ba sina Gardo at Marian sa mga na-tape nang episodes?

"Oo," sabi ni Gardo.

"Yung sa amin, nakunan na yung naghahabulan kami [sa gubat]...dream sequence 'yon."

Sa eksena, naka-topless nga ba si Marian Rivera? As in, nakalabas ang kanyang dibdib, tulad ng mga mountain maiden sa mga kauring palabas sa pelikula man o period TV drama series?

"Oo," pagkumpirma pa rin ni Gardo.

"Pero natatakpan yung dibdib niya ng mahabang buhok, siyempre. Na pag tumatakbo siya, hindi naman naaalis. Nakadikit yata, para safe.

"Hindi mo naman mapapansin din yun pag kinukunan ang eksena dahil ang focus, yung character.

"Hindi ko din alam kung gagamitin pa din nila 'yon. e. 'Yan din ang dapat na abangan," sambit ni Gardo, na may pag-aalinlangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinakahuling kaganapan, bahagi ng ipinapalabas na Amaya teaser ang eksenang tumatakbo si Marian, bilang Amaya, na walang saplot ang itaas na bahagi ng katawan.

Ang kanyang dibdib ay natatakpan ng mahabang buhok na hindi naman lumilihis sa pagkakaayos niyon, kaya safe pa rin ang dalagang aktres sa kanyang "daring exposure."

And Gardo was right sa kanyang sinabi tungkol sa eksenang 'yon ni Marian, na ipinapakita na sa teaser ng Amaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN