Gina Alajar will "make life hard" for Marian Rivera in Amaya

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg">

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg">

IMAGE 0


Actress/director Gina Alajar leads a hectic life. She says she's able to sleep only during trips between location tapings for Tween Hearts and Amaya.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na actress-director na si Gina Alajar sa set ng upcoming epicserye ng GMA-7 na Amaya sa Pagsanjan, Laguna.

Bukod sa pagiging artista sa Amaya, si Gina rin ang direktor ng weekly youth-oriented series na Tween Hearts.

Paano niya hinahati ang kanyang oras sa dalawang proyektong ito?

"Kailangan, e. Tawag ng resposibilidad, at ganun na rin, pera na rin, di ba!" ang natatawa niyang sagot.

"[Tween Hearts], every Tuesday. Katulad today, natapos ako 2:30 ng madaling-araw, so umuwi lang ako sa bahay, nakatulog naman ako sa bahay ng one and a half hours, tapos gising.

"Tapos on the way here [Pagsanjan], nakatulog din ako.

"Grabe nung minsan na galing ako sa Tween Hearts, natapos ako ng 5:30 in the morning.

"Tapos nun, umuwi lang ako sandali, naligo lang tapos dumiretso ako ng Calatagan [for Amaya].

"Ang tulog ko, sa kotse, tulog ako. Yung two or three hours na biyahe, tulog ako."

AMAYA ROLE. Ipinalarawan naman ng PEP kay Gina ang role niya sa Amaya bilang si Dian Lamitan.

"Dian is 'mother'—Mother Lamitan, Inang Lamitan, parang ganun.

"Asawa ako ng datu, ni Bugna. Hindi ako nanay ni Marian [Rivera].

"Ang nanay ni Marian, si Lani Mercado, si Dallang.

"Ako yung asawa ng datu, tapos mistress niya si Dallang.

"Ang Bugna is Raymond [Bagatsing].

"Anak ko si Rochelle Pangilinan atsaka si Glaiza de Castro."

Kontrabida ang karakter na ginagampanan ni Gina sa Amaya.

"Yeah, salbahe!" sambit niya.

"I'm orchestrating everything against Amaya and against my own husband.

"Woman scorned, e, kinaliwa, so galit na galit na galit ako."

Salbahe rin ang dalawa niyang anak dito?

"Si Rochelle lang. Kasi si Rochelle has direct contact with me, e.

"Yung pangalawa [Glaiza], hindi ko masyadong gusto kasi I was expecting a boy.

"And sabay sila ni Amaya na ipinanganak, halos magkasunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

'So, buntis ako, buntis si Dallang, that's when I found out."

WORKING WITH MARIAN. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Gina ang bida ng Amaya na si Marian Rivera.

"Hindi sa acting. I directed her in her first soap sa TAPE Inc., sa Kung Mamahalin Mo Lang Ako," banggit ni Gina sa unang soap ni Marian na katambal si Oyo Sotto.

Hiningan namin ng komento si Gina tungkol sa mga negative issues about Marian, na kesyo masungit, suplada, at may hindi-kagandahang ugali diumano ang dalaga.

"Hindi naman siya ganoon nung araw," sabi ng actress-director.

"I mean, so it's hard to believe, na kung totoo man, di ba?

"Kung totoo man, di ba, it's hard to believe kasi I didn't see any trace during that time.

"Ngayon kasi, pag nagkikita kami... Siyempre pag nagkikita kami, she's always warm, walang pagbabago."

Oobserbahan ba niya si Marian sa taping kung nagbago ito?

"Matitingnan ko pa ba yun? Maiisip ko pa ba yun?" sabi ni Gina.

"Maoobserbahan ko pa ba 'yon, sa init at sa dami ng requirements?

"Pagdating mo pa lang sa umaga, didiretso ka na sa makeup room at aayusin mo ang lahat.

"Palagay ko, hindi ko na siya titingnan o oobserbahan nang ganun at pakikialaman."

At dahil siya nga ang kontrabida ni Marian sa Amaya: "I'll make life hard for her!"

At muling tumawa si Gina.

PRESSURE. Sa palagay ba ni Gina ay handa na ang Pinoy audience sa isang epic series na tulad ng Amaya? Ipapalabas na ito simula May 30 sa GMA-7.

"Sana ready na sila," sagot niya.

"Sana ready na sila na, you know, makapanood ng hinge of Philippine history.

"What's sad about the 1500s is, there's no recorded history, except for Lapu-lapu and Magellan, dun lang.

"But before that, prior to that, wala. Kahit mag-search ka sa Internet, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Merong mga sultan-sultan, pero hindi sa atin—sa Malaysia, Indonesia."

Isa ba si Gina sa nape-pressure sa taas ng expectations ng publiko sa Amaya, na tinaguriang "pinakamalaki at pinakamagastos" na serye ng Kapuso network?

"Oo, siyempre!" bulalas niya.

"Nakaka-pressure kasi iisipin mo, ang laki-laki nito, di ba?

"Humongous. Pati mga set, ang ganda, you visualize everything.

"So, sana yung visualization ko ma-translate sa... magustuhan din ng mga tao, makita din nila yung visual, di ba?

"At maging interesado din sila, sana ganun."

Dahil director din siya, nagbibigay ba si Gina ng input kay Mac Alejandre na siyang direktor ng Amaya?

"A, hindi, no," tanggi ni gina.

Pero kapag nahihingan siya ng idea?

"Pag tinanong ako, 'Gina, what do you think?'

"Pero yung kusa niya, na halimbawang may nakita siyang mali?

"E, hindi naman sila magkakamali, di ba?"

GEOFF AND CARLA. Kinumusta naman ng PEP kay Gina ang anak niyang si Geoff Eigemann at ang girlfriend nitong si Carla Abellana.

"Okay naman sila," nakangiti niyang sabi.

Close ba siya kay Carla?

"A, she's close to us, yeah, oo...

"What do you mean ba na close?" balik-tanong niya.

Na para na ba silang mag-biyenan?

"Well, ano, hindi naman ganung nag-aartihan na, you know, na merong ano na, mag-nanay na, walang ganung arte.

"Ang ano is, she still calls me tita, I call her Carla, yung ganun.

"Magalang siya sa akin, yung ganun.

"Pag nakikita ko siya, para namang may bonding, nagsasama kaming buong pamilya, ganyan.

"Merong ano na [si Geoff], 'Ma, magdi-dinner tayo kasama si Carla.'

"Like Holy Week, magkakasama family ni Carla, family namin."

Kasama ba ang daddy ni Carla na si Rey "PJ" Abellana?

"No," sagot ni Gina.

Speaking of PJ, nainis ba si Gina noong may issue na ayaw diumano ni PJ Abellana kay Geoff para kay Carla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You see, I have three boys, di ba?" sabi ni Gina, na ina nina Ryan, Geoff, at AJ Eigenmann.

"Three boys 'yan, hindi mo e-expect-in 'yan na three boys, tapos halimbawa ang magiging girlfriend nila ay wala sa industriya, wala sa showbiz, di ba?

"Yung halos lahat ng mga anak ko, nakaranas ng pag-aartista, di ba?

"Hindi ko in-expect na ang lahat ng tatay ay magugustuhan sila.

"Siguro mas magtataka ako kung, at first, gustung-gusto na agad sila nung tatay, hindi ba? Na na-charm na nila agad yung tatay.

"Kasi kahit ako nung nililigawan ako ni Michael [de Mesa, her ex-husband], galit din ang tatay ko sa kanya.

"Siyempre, anak ako, babae ako, ang tatay, ang ano na parang medyo naagawan siya ng puwesto sa buhay ng anak niya.

"So, I perfectly understand that, di ba?

"Kung merong...kung totoo ngang sinabi ni PJ yun, hindi ba? I totally understand his point.

"Pero naiintindihan ko rin, he could be taken out of context.

"Baka may sinabi siya, tapos out of context ang naisulat, lumaki nang lumaki nang lumaki.

"Alam naman natin dito sa industriyang ito.

"So, tapos nung tumahimik si PJ, that's when I realized, I think he was taken out of context, kasi tumahimik siya, e.

"I think if he wanted publicity, hindi siya tatahimik, pero tumahimik siya," saad ni Gina.

Payag na raw si Miss Gina kung mag-aasawa na si Geoff dahil nasa tamang edad na raw naman ito.

At ready naman na raw din si Geoff, pero mukhang wala pang plano ang magkasintahan na magpakasal.

"Hindi ko alam, pero ako, nagpapahaging na ako kay Geoff, 'Hindi ka na bumabata, puwede ka nang mag-asawa any time, you know?'

"Tumatawa lang siya," kuwento ni Gina.

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg">


Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24784/gina-alajar-will-make-life-hard-for-marian-rivera-in-amaya" data-desc="Gina plays a super villain in Amaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/810675757.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN