Marian Rivera overwhelmed by importance being given to her by Kapuso network

IMAGE 0


"Lahat naman ng soap ko, may pressure talaga. Pero tine-take ko na lang yun as a challenge na lang. Na ang sarap, di ba? Iba yung natsa-challenge ka, ginagawa mo ng mas maganda ang trabaho mo, at masaya ka dahil may trabaho ka," says Marian Rivera about starring in the epicserye Amaya.


Isang engrandeng press conference ang inihanda ng GMA-7 para sa epicserye na Amaya kagabi, May 23, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ang Amaya ay pinagbibidahan ng "Primetime Queen" ng Kapuso network na si Marian Rivera.

Sa pakikipag-usap sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, sinabi ni Marian na muntikan na siyang maiyak habang ipini-present sa press ang cast ng Amaya.

Sa speech kasi ng direktor ng epicserye na si Mac Alejandre at ng AVP for Drama na si Ms. Lilybeth Rasonable, espesyal nilang pinasalamatan si Marian sa dedikasyong ibinibigay nito sa trabaho.

Ani Marian, "Sobrang nagpapasalamat talaga ako na naa-appreciate talaga nila ako bilang ako, si Marian, at talagang eto na yun.

"Nakakaiyak at talagang nakakataba ng puso kasi ngayon ko lang 'to [Amaya] napanood.

"Kanina may napanood ako, pero itong MTV na 'to, ngayon ko lang napanood.

"So, na-touch talaga ako. Umiyak talaga ako."

Pero ano ang pakiramdam niya nang marinig niyang sabihin ni Ms. Lilybeth na siya talaga ang Amaya at wala ng iba pa?

"Actually, noong kino-conceptualize pa lang nila ito, sinasabi na nila sa akin.

"Sabi ko nga, 'Ang tagal, ang tagal!'

"Isang taon ito bago mabuo, so isang taon din akong naghintay na makuha itong Amaya na 'to, at ibinigay rin nila.

"Wala akong masabi. Sobrang speechless talaga ako.

"Hindi ko alam... Nakakakilabot!

"Pinanood ko ang MTV, sabi ko nga, 'Rochelle [Pangilinan], naiiyak ako.'

"Sabi niya, 'Huwag kang umiyak.'

"Parang buong buhay ko, after Marimar, ngayon na lang ulit ako naiyak."

Mas ramdam niya ngayon ang pagmamahal ng GMA-7?

"Hindi ko sinasabing hindi ko nararamdaman yun before. Pero ngayon, parang binuhos nilang lahat.

"'Tapos kanina sa stage, hindi ko ine-expect na pati si Direk Mac, sinabi pa niyang sa limang taon na pagsasama namin, naa-appreciate niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang bilang ako na artista, kung hindi bilang ako na totoong tao at nagbibigay ng pagmamahal sa mga taong minamahal ko."

Marami nga raw sakripisyo si Marian sa paggawa ng Amaya. Pero kakambal naman daw talaga ng trabaho ang sakripisyo.

"Naniniwala naman talaga ako na lahat naman ng trabaho, mahirap. Kailangan talaga may sakripisyo.

"Pero enjoy naman. Kita n'yo naman ang kapalit. Sobrang thankful ako na ako ang naging Amaya talaga," saad ng aktres.

HANDLING THE PRESSURE. Sa pamamagitan ng Amaya ay pinangalanan na ng Kapuso network kung sino ang kaniyang "Primetime Queen"—at lumitaw na ngang ito ay si Marian Rivera.

Ano ang pakiramdam niya rito?

"Naku, ayoko na diyan!

"Thank you na lang ako diyan. Salamat," nakangiti niyang pahayag.

Ano ba ang pakiramdam na siya ang bida sa ganito kalaking proyekto?

"Tulad ng sinasabi ko nga, palaging nakakataba ng puso.

"Sobrang na-touch talaga ako, lalo na sa mga sinasabi nila.

"Although before naman, naggaganito rin naman ako at nabibigyan din naman ng pagkakataon na gumawa ng ibang proyekto.

"Pero ito yata yung talagang nag-mention sila tungkol sa akin.

"Sobrang pagpapahalaga ang ginagawa nila sa akin.

"So, ano pa ba ang mahihiling ko pa?

"Kaya 'eto, galingan ko na.

"Alam ko na napakaraming mabibigat at mahihirap dito sa Amaya, pero still, wala namang instant...

"Lahat naman pinaghihirapan. Lahat naman may resultang maganda," saad ni Marian.

Mas may pressure ba ngayon na alam niyang ibinuhos na ng network ang lahat para sa Amaya?

"Siyempre naman," sagot niya.

"Lahat naman ng soap ko, may pressure talaga.

"Pero tine-take ko na lang yun as a challenge na lang. Na ang sarap, di ba?

"Iba yung natsa-challenge ka, ginagawa mo ng mas maganda ang trabaho mo, at masaya ka dahil may trabaho ka."

Mas nakakadagdag ba ng pressure ang bansag sa kanya ngayon bilang "Primetime Queen," lalo na sa ratings?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, wala. Kaya nga kayo nandiyan, tulungan n'yo kami!" natatawa niyang sabi.

MARIAN'S LEADING MEN. Halos lahat sa cast ng Amaya ay malapit sa puso ni Marian.

"Sobra!" sambit ng aktres.

"Siyempre, pinag-usapan din namin 'yan, at natutuwa ako na halos lahat ng cast, e, sobrang mahal ko, at mahal din nila ako.

"Kaya ang sarap magtrabaho na walang mabigat. Lahat magkakasundo.

"Lahat puro love, magkakatulungan."

Puring-puri rin si Marian ng dalawang leading men niya na sina Sid Lucero at Mikael Daez.

Napaka-down-to-earth at madali raw siyang maging kaibigan.

Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

"Ayan, kaya mas mabuti nang tinatanong n'yo ang nakakatrabaho ko kesa sa hindi ko nakakatrabaho!" natatawang sabi ni Marian bilang pagtukoy sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya.

Ano naman ang masasabi niya sa dalawang leading men niya?

"Si Sid kasi, first time ko lang nakatrabaho.

"Pero dahil kapatid siya ni Gabby Eigenmann, na very, very close friend ko 'yan, kaya okay naman.

"Siyempre, darating din ang panahon na marami kaming eksena.

"Pero kami ni Sid kasi, hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na mag-taping na magkasama.

"Although yung nakita n'yo, yung bangka lang na ang layo pa na nagkatinginan kami, yun lang ang eksena naming dalawa.

"Si Mikael naman kasi, kasama siya sa Temptation Island kaya nagkaroon kami... Tapos sa Bampirella, kaya nagkaroon din kami ng bonding kahit paano."

SNAKE & PARROT FISH. Sa Amaya ay may kakambal na ahas si Marian kaya may mga eksena siyang humahawak nito.

Kumusta naman ang "pakikipagtrabaho" niya sa ahas?

"In fairness sa ahas, nagkakaintindihan kami.

"Nakita n'yo yung eksena na kausap ko siya at talagang nakatingin siya sa akin.

"Kasi yung ahas na yun, bago pa kami mag-take, kinukuha ko na siya.

"Kumbaga, talagang hinahawakan ko na. Pinapapulupot ko na siya sa akin para masanay.

"At saka sa Darna pa lang, humahawak na ako ng ahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas marami pa nga, kaya sanay na ako," kuwento niya.

Bakit hindi siya mag-alaga ng ahas?

"Ay, hindi na, 'wag na! Ang pet ko, parrot fish!" mabilis niyang sagot.

Halatang masaya si Marian noong gabing yun at nagkuwento pa tungkol sa kanyang parrot fish.

"Ay, naku, yun ang fish ko.

"Minsan mo lang siyang papakainin, kaya bago ako umalis, pinapakain ko na sila.

"Alam na nila kapag papakainin ko sila, nakatingin silang lahat sa akin, kinakausap ko sila!" natatawa niyang kuwento.

Dagdag niya, "Ang parrot fish, dapat pair sila, love fish sila.

"At saka suwerte 'yan kasi nagpapasok siya ng pera."

DINGDONG DANTES. Kung may isang tao raw na very proud sa pagiging Amaya ni Marian, ito ay walang iba kundi ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

"Sobrang proud siya," sambit ni Marian.

"Kanina bago magsimula ito, sinabi niya na, 'Remember kung gaano ako ka-proud sa 'yo. You deserve it. I-enjoy mo lang. At kung meron man na sobrang proud sa 'yo rito, ako yun.'"

Nakita na ba siya ni Dingdong sa mga costume niya?

"Ay, palagi ko po siyang pinapadalhan ng MMS.

"Pati ngayon, pinadalhan ko siya ng hitsura ko ngayon.

"Ganoon po kaming dalawa, nag-MMS kaming dalawa," sabi ni Marian.

Sa sobrang busy nila ni Dingdong ngayon, tila imposible talaga ang mga usap-usapan na plano na raw nilang magpakasal.

"Kaya nga! 'Yan ang sagot namin.

"'Yan ang tinanong mo, 'yan ang sagot," natatawang sabi niya.

"Wala pa. Ang Amaya hanggang November, December pa.

"So, paano naman? May Temptation [Island] at may Panday pa ko.

"So, paano naman? May Show Me Da Manny pa.

"So, tapusin muna ang lahat ng trabaho at i-enjoy ko muna ito.

"Hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na ganitong sabay-sabay."

Plano raw mag-relax at mag-recharge muna ni Dingdong pagkatapos ng I ♥ You Pare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ibig bang sabihin nito ay hindi makakasama si Marian dahil busy siya?

"Hindi naman siya siguro aalis na hindi ako kasama!" natatawang hirit ng aktres.

Pero aniya, "Okay lang naman yun. Naniniwala naman ako na may karapatan din namang mag-unwind ang lolo ko, bilang pagod."

May time pa rin naman daw sila ni Dingdong gaano man sila ka-busy, tulad ng araw na yun na magkasama silang nag-lunch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN