Joey de Leon welcomes Willie Revillame's Eat Bulaga! endorsement

IMAGE 0


Ace comedian Joey de Leon's new game show with TV5 titled Pinoy Samurai will headline the Kapatid network's Tanghaling Go-Go-Go! lineup of shows, which will all debut this coming Sunday, February 27.


Mapapanood na sa Linggo, February 27, sa TV5 ang pinakabagong programa ng beteranong komedyante at host na si Joey de Leon sa TV5 na pinamagatang Pinoy Samurai.

Makakasama ni Joey sa nasabing noontime game show sina Mr. Fu (Gaysha), Rufa Mi (Kimonay), at Wilma Doesnt (Itimpura).

Kabilang ang Pinoy Samurai sa Tanghaling Go-Go-Go! block ng Kapatid network sa araw ng Linggo, kung saan mapapanood din ang mga programang Lucky Numbers nina Eugene Domingo at Kempee de Leon, at ang teen-oriented variety show na Fantastik na pagsasamahan naman ng young stars ng TV5.

Kung pagbabasehan ang trailer ng Pinoy Samurai ay masasabing inspired ito ng hit Japanese game show na Takeshi's Castle.

Bagamat hindi maiiwasan ang comparison ay buong pagmamalaki namang sinabi ni Mr. Fu na madaming sariling pakulo at ideya ang Pinoy Samurai na hindi nakita dati sa Takeshi's Castle.

Ang punto lang naman daw talaga ay makapagpasaya ng mga manonood at makapagbigay ng premyo sa mga contestant na lalahok at susugod para harapin ang obstacles na inihanda ng programa.

WELCOME ENDORSEMENT. Present ang main host ng Pinoy Samurai na si Joey de Leon sa press launching na ginanap kagabi, February 21, sa Broadway Centrum sa Quezon City.

Bukod sa ilang katanungan tungkol sa bago niyang programa, hindi rin siyempre nakaiwas ang komedyante sa mga tanong na may kaugnayan naman sa "unsolicited endorsement" na ibinigay ni Willie Revillame sa longtime noontime variety show na Eat Bulaga!, kung saan isa si Joey sa main hosts.

Mahaba ang kasaysayan ng alitan sa pagitan ni Joey at Willie noong panahon na napapanood pa ang huli bilang host ng now-defunct ABS-CBN noontime variety game show Wowowee.

Sa loob kasi ng limang taon na nasa ere ang Wowowee, naging mainit ang girian nito laban sa Eat Bulaga!, partikular kay Joey na kilala rin sa pagiging pranka kahit pa nasa harap ito ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang umalis si Willie sa Wowowee at ABS-CBN noong nakaraang taon ay lumipat na nga ito sa TV5 upang gawin ang primetime variety game show na Willing Willie.

Sa paglundag ni Willie sa bakuran ng TV5, automatic na naging magkasama sila ni Joey sa talents na napapanood sa Kapatid network, na naging pangalawang home network na rin ng beteranong komedyante sa loob ng maraming taon.

Hindi naman inaasahan ng marami ang naging panawagan ni Willie sa mga manonood na suportahan ang Eat Bulaga! sa January 26 episode ng Willing Willie matapos na magbuhos ito ng sama ng loob sa mga dating kaibigan na sina John Estrada at Randy Santiago. (CLICK HERE to read related article.)

Nakarating kasi sa atensiyon ni Willie ang balita na tinanggap nina Randy at John ang alok na bagong noontime show ng ABS-CBN na pinamagatang Happy, Yipee, Yehey!.

"Napanood ko 'yon, e," banggit ni Joey sa entertainment reporters kagabi.

Ano naman ang reaksiyon niya nang marinig ang naging pagpu-promote ni Willie sa kanilang programa?

"Ayos lang... E, di salamat. Magkasama naman kami sa TV5, alangan naman siraan niya ako, di ba? Napanood ko 'yon! Dala lang ng [inis] niya 'yon sa kabila," dagdag ni Joey.

Sinabi rin ni Joey na "any form of support is welcome" kahit pa kanino ito manggaling.

Nagkataon lang na kay Willie ito nagmula kaya marami ang nagulat at ngayon ay interesado na makuha ang kanyang panig kaugnay sa "endorsement" ng dating kakumpetinsiya.

Willing ba si Joey na mag-guest sa programa ni Willie kung sakaling imbitahan siya?

"Depende sa oras, e," mabilis na sagot ng komedyante. "Ang sikip ng oras ko. Pero bakit hindi?"

NOT MINDING RIVALS. Naging pabiro naman si Joey nang tanungin kung anong masasabi niya at may bago na namang katapat na programa ang Eat Bulaga! sa tanghaling timeslot.

"Meron ba?" seryoso ngunit pabirong tugon ni Joey na nagdulot ng halakhak sa reporters na kausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On a more serious note, sinabi ni Joey na hindi naman sila nababahala sa pagdating ng Happy, Yipee, Yehey! sa dahilang ilang shows na rin ang nagdaan at nagtangkang bawiin ang korona sa country's longest-running noontime program.

"Sanay na kami. Hindi na namin pinapansin. Sa tagal ba naman namin, pang-ilan na ba sila? Twenty-five o 26 [rival shows that have emerged in the past]... Okay lang."

Mukhang wala naman sa isip ni Joey na gumawa ng kontrobersiya laban sa mga bumubuo ng bagong rival program.

"Hindi na namin pinapansin ang mga katapat dahil alam namin na forever may makakatapat ka talaga sa TV. 'Tsaka hindi naman iba sa amin 'yon, kaibigan din namin 'yon. Galing din sa amin 'yong iba dun," sabi ni Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN