Kapuso child wonder Jillian Ward turns into a Disney princess on her 6th birthday!

IMAGE 0


Child actress Jillian Ward never ran out of energy throughout her birthday party held yesterday at a popular burger fastfood chain in Quezon City.


Disney Princess ang naging tema ng 6th birthday party ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward na ginanap kahapon, February 23, sa Tomas Morato, Quezon City branch ng McDonald's.

Itinuturing na first showbiz party ito ni Jillian. Naging masaya naman ang pagdiriwang dahil dumalo at nakisaya ang ilang fellow GMA-7 talents niya katulad nina Benjie Paras, Isabel Oli, Gabby Eigenmann, Gina Alajar, Aljur Abrenica, at Marian Rivera.

Maging si GMA Network Senior Vice President Wilma Galvante ay present din at masayang nakihalubilo sa stars at invited network staff.

Dumaan din ang celebrity couple na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez ngunit umalis din agad ang mag-asawa pagkatapos ng candle blowing ceremony.

Tila wala namang kapaguran ang bibong-bibo na si Jillian na masiglang sinasalubong ng yakap at nagpapabuhat sa mga kakilalang bisita na maya't maya ay dumadating para batiin siya at mag-abot ng regalo.

Tawang-tawa naman ang mga bisita nang biglang agawan ni Jillian ang microphone at sumabay sa pagkanta ng "Happy Birthday."

Nakilahok din si Jillian sa games na inihanda ng popular burger fastfood chain at inaagaw pa nga niya ang microphone sa party host para personal na imbitahan ang mga bata na sumali.

Hindi rin nakaligtas sina Gina at Marian matapos yayain ng dating Trudis Liit lead star na sumali sa ilang laro.

"Ate Marian, let's go na! Lat's party-party na!" sigaw ni Jillian gamit ang microphone.

Game naman ang dalawang celebrities na ikinatuwa siyempre ng mga bisita, na karamihan ay kamag-anak ng child actress.

Dalawang palapag ang inilaan para sa party ni Jillian na sponsored ng McDonald's. Sa second floor kasi ipinuwesto ang booths kagaya ng photo at face paint stalls. Samantalang sa third floor naman ginawa ang mismong party na nagsimula ng alas-kuwatro at natapos ng mga bandang alas-siyete ng gabi.

Ang mommy ni Jillian na si Mrs. Jennifer Warde ang nag-asikaso ng buong party, katulong ang manager ng child star na si Joe Barrameda at ang GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Good health" at "never change 'yong attitude niya" ang sinabi ni Mrs. Warde na birthday wish niya para sa kanyang anak.

Dagdag pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Kasi talaga si Jill, malambing at saka masunurin siyang bata."

Nagpapasalamat naman ang pamilya ni Jillian sa biyayang patuloy na tinatanggap ng kanilang anak simula nang sumali ito sa show business.

Ilan lamang sa mga television shows na nagawa ni Jillian ay ang The Last Prince, Trudis Liit, Pilyang Kerubin, at Jillian: Namamasko Po.

Nakasama din si Jillian sa 2010 Metro Manila Film Festival top-grosser entry na Si Agimat at Si Enteng.

Napanood din ang batang aktres sa romance trilogy film na My Valentine Girls na pinagbidahan nina Richard Gutierrez, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Rhian Ramos, at Eugene Domingo.

Gagampanan naman ni Jillian ang sidekick ni Richard Gutierrez sa latest TV adaptation ng sikat na Pinoy superhero na Captain Barbell na mapapanood sa GMA-7 itong darating na Marso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN