Dina Bonnevie says newlyweds Oyo Sotto and Kristine Hermosa are having difficulty conceiving

IMAGE 0


Dina Bonnevie, the mother of Oyo Sotto, reveals that Kristine Hermosa has a cyst that makes it difficult for her to conceive right away.


Matagal-tagal nang hindi nakita sa big screen ang premyadong actress na si Ms. Dina Bonnevie. Kaya isang kasiyahan para sa mga tagahanga ng actress ang kanyang pagbabalik sa pelikula. Mapapanood si Ms. Dina Bonnevie sa Who's That Girl? na ipalalabas sa mga sinehan simula March 2.


Bagamat special participation lang daw siya sa pelikulang ito, ito na raw ang simula ng kanyang pagbabalik-pelikula dahil may mga naka-line up na raw siyang mga proyekto.


Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam ang premyadong actress sa presscon ng Who's That Girl? na ginanap sa City Best Restaurant sa Tomas Morato noong Lunes, February 21. Kinumusta natin ang actress sa mga kaganapan ng kasal ng kanyang anak na si Oyo Sotto at ni Kristine Hermosa na ginanap noong January 12.


(CLICK HERE to watch their on-site wedding video)


Alam naman nating noong ikinakasal kanyang anak na si Danica ay medyo naging emotional siya. Noong kasal na nina Oyo at Kristine ay naging emotional din ba siya?


Kuwento ng actress, "Actually, nagulat ako nung wedding ni Oyo Boy at Tin (palayaw ni Kristine), it's too hard for me na maging emotional, kasi ang theme ng kanilang kasal, Beatles, yung march parang Beatles na yung pinatugtog.


"Naka-rubber [shoes] si Oyo Boy, naka-gown si Tin pero naka-rubber shoes [shoes] din. So parang cool na cool yung wedding na ito. Siguro naging emotional lang ako nung hinihingan na nila ako ng message para sa dalawa. Medyo nanginginig pa nga ako at di ako agad makapagsalita that time."


Aminado si Dina na malaking pagbabago ang nangyari sa kanya nang maramdaman na niya ang pag-aasawa ng anak niyang si Oyo.


"Siguro, after lang ng wedding dun ko lang na realize at na feel yung emptiness in me. Kasi normally, every Tuesday, basta every week dumadaan si Oyo Boy sa bahay ko para kumain ng adobo ko or ng bagoong or yung kalderetang niluto ko. Tapos I realize after ng wedding, na di na siya nakakadaan.


"Minsan nga nagiging paranoid na ko. Sabi ko sa katulong, 'O, nandyan na ba si Oyo Boy?' Sabi ng katulong, 'Ma'am, wala po', sabi ko 'hindi may narinig akong kotse. Andyan yung kotse ni Oyo Boy.' Sabi ng katulong, 'Ma'am, wala po'.


"Pinagpipilitan ko na nandyan na si Oyo Boy. Sabi tuloy ng daddy ko, 'Naku, lumabas-labas ka na nga kasi nag-iimagine ka na ng kung anu- ano'. Ayun lang siguro medyo hinahanap hanap ko yung mga ginagawa ni Oyo Boy dati nung wala pa siyang asawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kinumusta rin ng PEP ang kanyang relasyon sa kanyang bagong manugang na si Kristine. Kinuwento ni Dina na may pagkakataon siya na makasama si Kristine kapag weekend.


"Every Sunday we go to church together. Kung di man kami magkasabay-sabay sa church, we go to lunch together every Sunday."


Naikuwento rin ni Dina ang tungkol sa adopted son ni Tin na si Kiel, na tatlong taong gulang na. Kamukha raw ng bata si Kristine at inampon daw ito ng aktres bago pa man sila ikasal ni Oyo.


HAVING PROBLEMS CONCEIVING.
May plano na bang magka- baby agad sina Oyo Boy at Tin?


"Gusto ko na nga sila magkaroon ng baby," ani Dina. "Pero si Tin kasi has difficulty sa pagbubuntis kasi may cyst siya or something...polycystic ovary, ba yun? Basta may problem siya sa pagbubuntis. Kausap ko nga si Oyo Boy kahapon, sabi nga niya, sana di na magkaroon ng menstruation si Tin, e, nung nag-test, negative pa rin si Tin, so medyo nalungkot si Oyo kasi gusto na rin niyang maging tatay.


"Ako rin gusto ko na rin magkaroon ng apong babae kasi, di ba, yung panganay ni Danica, lalaki rin, tapos yung ampon ni Tin lalaki rin. So sana this time yung maging anak nina Oyo Boy at Tin, babae naman. Si Danica buntis din naman, di pa nga lang alam kung babae o lalaki, kasi two months pa lang. Sabi ko nga kay Danica, lagi niya akong tingnan para kamukha ko yung magiging baby niya kung babae."


Totoo bang yung mga lola daw, e, ini-spoil ang mga apo?

"Di ako spoiler," diin ni Dina. "Pag nakikita ko may maling ginagawa yung apo ko sinasabi ko kay Danica, 'Hoy, Danica sabihan mo yang anak mo.' Sabi ni Danica, 'Mommy, he is just a kid, one year old pa lang po 'yan.' Sabi ko naman, 'mag tu-two na 'yan, pagalitan mo 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Disciplinarian kasi ako, e. I don't spoil them. Kahit nga kay Kiel, minsan nga pinagalitan ni Oyo si Kiel kasi nilalagay yung finger niya sa electric fan. Sabi ni Oyo Boy, 'No! Kiel, tapos nag-alboroto yung bata. Sabi ko kay Kiel, 'No! Kiel, don't do that, Mama will get mad.' I don't spoil them, di ko nilalabag yung training ng parents sa anak nila, 'saka di ako nakikialam."


Noong maliliit ba sina Oyo Boy at Danica, paano ba nila dinidisiplina?


Nagkuwento naman si Ms. Dina tungkol sa pagkabata ng kanyang mga anak.

"Hello! Namamalo ako, nung bata sila namamalo ako, sinasabi ko sa kanila, lumuhod ka, mag-sorry ka kay God. Pero si Vic [Sotto, her ex-husband], hindi namamalo. Minsan lang namalo si Vic, tapos nung namalo si Vic, siya pa yung umiyak nung pinalo niya si Danica.


"Kasi itong si Danica sumasagot sa akin and telling a lie. Ito kasing si Danica, tinakas yung kotse namin tapos imbis na mag-aral, e, nag-party. So nagalit si Vic, sabi niya, ayaw ko nang sinungaling...ganyan-ganyan...e, sumasagot sa kanya si Danica. So nagalit si Vic itinago niya si Danica sa kuwarto at dun niya pinalo.

"Tapos nung lumabas siya ng kuwarto siya yung umiiyak, tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Sabi ni Vic, di ko kayang paluin ang anak ko, e. Sabi ko, naku, napaka-maldita niyan. Ako kasi pag wrong ang anak ko pinapalo ko, kasi ganun kami pinalaki ng mga magulang ko."


"SHOPPING" FOR A BOYFRIEND.
Siyempre, kinumusta rin natin yung lovelife ng premyadong actress at ang kuwelang sagot ni Ms. Dina ay nagsa-"shopping" siya para sa kanyang bagong boyfriend.


"Ako, I can't say that I'm in love...in love...in love! Siguro I can say, that I'm dating! Like you know...I'm choosing...wala pa pero siguro I'm shopping," pag-amin ni Ms. Dina.


"Di pa muna siguro ngayon, kasi yung gusto ko, yung next na maging bf ko, e, yun na yung last. Parang sana, if I find a new boyfriend, sana yun na yung pinaka-last. Gusto ko na rin kasing mag-settle down, kasi I'm 49 now and I'm 50 next year."


Dahil nabanggit ng actress na namimili at nagsa-"shopping" siya para sa bagong boyfriend, natanong siya kung ilan ba ang mga suitors niya sa ngayon?


Tumigil at nag-iisip muna si Ms. Dina bago sumagot: "Ahhh...mga apat, yung dalawa medyo malayo, e, pabalik-balik lang dito sa Pinas. Yung dalawa nandito lang. They are all foreigners."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN