Anne Curtis receives piece of jewelry from boyfriend Erwan Heussaff

IMAGE 0


Anne Curtis is hoping that her upcoming movie will reveal her comic side. "Nagda-dub ako before I came here, nakakatawa naman. So sana, maging nakakatawa siya sa lahat."


Isa sa mga espesyal na regalong natanggap ni Anne Curtis noong 26th birthday niya last February 17 ay galing sa kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.

Isang jewelry raw ito pero hindi na nag-elaborate pa ang Kapamilya actress kung ano at magkano ang halaga nito sa ginanap na press conference para sa pelikula niyang Who's That Girl? sa City Best noong Lunes ng gabi, February 21.

Biro nga ni Anne, "Akin na lang yun, baka nakawin. He's a very sweet guy. Very thoughtful."

May pinanggalingan ang hirit ni Anne. Matatandaang noong lumipad siya sa South Korea kamakailan ay nanakawan siya sa eroplano ng Cathay Pacific. Mabuti na lang daw, pinalitan ng airline ang ninakaw sa kanya.

"In fairness to them, they gave me already the amount and money. Na-reimburse. Plus, mga gift vouchers for their Duty Free. I think, they also felt really sorry, kasi nga, nahanap talaga sa eroplano yung bag at saka paper bag, so they knew na hindi ako gumagawa [ng kuwento]," sabi ng Filipino-Australian actress.

Pero, "better" ba ang binigay ng boyfriend sa kanya?

"Oo," nakangiting sagot ni Anne.

Dugtong pa niya, "Everything I received for my birthday, parang, sabi nga, di ba, when something is stolen from you, or something is taken away from you, it always comes back to the tenfold? So, noong birthday ko, sobra akong haping-happy."

Mga books at gadgets ang karamihan sa mga natanggap niyang regalo.

Aniya, "I appreciate all these things. I don't need any engrandeng gifts, e. Masaya na 'ko."

Ang leading man niya sa Who's That Girl? at kinu-consider niyang soulmate na si Luis Manzano ay wala pa raw iniaabot na regalo sa kanya. "Kuring (as in kuripot)," ang nasambit ni Anne.

Pero pambawi ng dalaga, "In all fairness naman kay Manzano, kapag birthday ko, or birthday niya, hinihingi na lang namin ang mga gift. So, hindi ko pa naiisip kung ano ang gusto kong ipabili sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OBSESSED? Noong nagaganap ang interview na ito, kinakausap din ng ilang reporters si Luis, na nagsabing obsessed daw sa kanya si Anne.

Natawa ang young actress nang marinig ang sinabi ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos. Ang sagot ng Viva talent, "See, see? 'Yan ang sinasabi ko. Siya ang stalker."

Ang natatawang banggit pa ni Anne, "E, feeling ko, feeling niya, ako yung the one that got away. Ganoon yung ano niya sa akin. Pero at least, he's doing everything to keep me in his life even as a friend. So, pinagbibigyan ko naman."

But come to think of it, hindi ba sumagi sa isip niya na what if naging sila talaga?

"I don't entertain the thought," ang mabilis nitong sagot. "But you know, I'm happy kasi with what we have. What we have is friends. It's something so unique that I don't share with anyone else...the kind of friendship."

Ano ba ang nangyari at hindi nauwi noon sa isang relasyon ang kanilang pagliligawan?

Sabi niya, "Wala naman. Alam n'yo, Manzano is very much boyfriend-material. But of course, I just reached that point siguro that we're comfortable as friends at nangyayari naman yun talaga, di ba?"


NO EXPECTATIONS. Sa kabilang banda, at this point in her life, hindi pa raw nag-i-expect ng anuman si Anne kahit pa she's happy with her present boyfriend na si Erwan.

Aniya, "Like I always say, ayoko ng...have mga expectations this time. Ayoko na lang. Ang dami ngang naka-relate do'n sa sinabi ko sa The Buzz that I'd rather have no expectation because when you have expectation, you get hurt when it doesn't happen. Ang daming nag-tweet sa akin, 'can relate ako diyan.'"

Mas okay raw ang nangyayari sa kanyang buhay ngayon. "Basta I'm happy and it's all that matters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng kanyang pinagkakabalahan, including Who's That Girl, aminado si Anne na ang kanyang buhay ay hindi naman worry-free. But she chooses to always look at the bright side.

Paliwanag niya, "Every time you come out with a movie, there's always pressure. Pero wala, I just think that at the end of the day, at least, nag-enjoy kami sa pag-shoot. Sobrang happy lang talaga ko that I was able to do a movie na nakakatawa na naman. Coming from Green Rose, at least, merong breaker."

Speaking of the movie, natatawa raw siya sa sarili niya rito.

"Iba 'to! Nakita niyo naman sa trailer, ang mga pinapapagawa sa akin dito, 'day, naloka talaga ko. Sabi ko, 'Direk [Wen Dermas], kaya ko ba 'to?! Sabi niya, 'Kaya mo 'yan!' So, go!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN