Returning actor Frank Garcia says he's now more serious with his showbiz career

IMAGE 0


"It's not too late, I'm only 26. Let's see what's gonna happen... Because this time around, I'm pretty much serious, as in talagang decided na ako na I'm gonna do this and I'm gonna give my all," says Frank Garcia about his showbiz comeback.


Nagbabalik-showbiz ang hunky actor na si Frank Garcia.

Kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Magic Palayok, na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Geoff Eigenmann, at ng child actress na si Angeli Nicole Sanoy. Magsisimula na itong mapanood sa Lunes, February 28, bago ang 24 Oras.

Gaganap si Frank bilang Ricky sa Magic Palayok.

"As I've learned, ang character ko is an ex-convict na tinulungan ni Ms. Mikee [Cojuangco-Jaworski, in a special guest role]. Ako yung magiging guardian ng anak niya [Cookie, Angeli]. Kasi nga inampon ako ni Ms. Mikee to start up my life kasi nga ex-convict ako.

"Tinulungan niya akong magnegosyo, tinulungan niya akong mag-business to the point na nung namatay siya, siyempre sobrang utang na loob ko kay Ms. Mikee, I'm the one who will be taking care of her child dun sa story," kuwento ni Frank tungkol sa kanyang role during the presscon of Magic Palayok last Tuesday night, February 22, at Studio 7 of GMA Network.

POWER BOYS. Nakilala noon si Frank bilang isa sa mga miyembro ng tinaguriang Power Boys na sumikat sa isang deodorant commercial. Bukod kay Frank, ang mga bumubuo ng Power Boys ay sina Jordan Herrera, Jay Salas, Geoff Rodriguez, at Greg Martin.

May communication pa ba si Frank sa mga dating kasama niya sa Power Boys?

"Facebook," sagot niya.

"Greg is in New York, he's into real estate now. Jordan is in the States with [his wife] Michelle and two kids. Jay is bumabalik-balik dito. Si Geoff is still here, nagkikita kami minsan sa mga events. He's modeling, pero hindi na kami ganun nagkikita, unlike before.

"Of all the boys, sino ba... Si Jordan pa yung lagi kong nakakasama back in the days nung nawala kami. Kasi nga, recently lang siya nagpunta sa States.

"Tapos, nagkikita pa kami kasi minsan may mga palaro sina Kuya Ronnie Ricketts, si Kuya Ipe [Phillip Salvador] ng basketball, ganyan, so we attend. Kaming dalawa usually ang magkasama, minsan nga nagugulat pa nga ako na he's also part of it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IT'S NOT TOO LATE. Hindi umalagwa nang husto noon ang career ni Frank dahil ayon mismo sa kanya, napansin ng dati niyang manager na hindi siya masyadong interesado noon na mag-artista.

"I think so, 'cause hindi ako ganun kadalas mag-follow-up," sabi niya.

Wala sa showbiz ang puso niya dati?

"You want me to be honest?" balik-tanong niya. "Parang ganun nga ang dating. It took a while to make me realize na this is what I'm good at.

"Hindi ko naman sinasabing I'm like Jericho Rosales or Piolo Pascual... It's not too late, I'm only 26. Let's see what's gonna happen and hopefully with Arnold, dire-diretso na ako. Because this time around, I'm pretty much serious, as in talagang decided na ako na I'm gonna do this and I'm gonna give my all.

"Siguro before, alam mo yung I was kinda messed up, like I come to tapings late, but not to the point na late na nakakaapekto. Pero you know, before, medyo careless ako.

"Right now, I'm very professional in a way na I'm really taking care of my job. Since siguro nawawala, bumabalik, nawawala, bumabalik. So, I'm kinda used to that kind of phase in my life sa industriya. So, parang ako rin yung parang walang gana, kasi parang on and off, on and off. But this time around, serious na talaga."

AWAY FROM SHOWBIZ. Matagal nagpahinga si Frank sa showbiz.

"Last project ko was with Direk Joel din, it was Ikaw Sana, November 2009," sabi ni Frank, na ang tinutukoy ay si Direk Joel Lamangan, na siya ring direktor ng Magic Palayok.

Sa panahong wala siya sa showbiz, bilang only child ay naging abala si Frank sa pag-aalaga ng kanyang ina at pag-aasikaso ng kanilang lotto business.

"She's not sick but she's kinda old, hindi siya parang as agile as before. My dad is in Amsterdam, hiwalay na sila bata pa ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walong lotto outlets ang pinagkakaabalahan ni Frank. "Well, I help out with my mom, kasi ang remittance ng lotto, it's not my daily basis job. But I'm not saying na... Actually, privilege nga sa akin yun 'cause I help out. Pero I'm not the one who's keeping the flow of the business.

"So, I help out and at the same time, I take care of myself. I go to the gym, I can do anything with my friends," sabi niya.

SUNSHINE DIZON. Frank's last girlfriend from showbiz was Sunshine Dizon, na hanggang ngayon ay kaibigan pa rin daw niya.

"Yeah, she's actually giving birth anytime soon," banggit niya.

Ano ang naramdaman niya noong nabalitaan niya na ikinasal na si Sunshine kay Timothy Tan?

"I was ano, nagulat ako, kasi nobody was invited. Even Polo [Ravales, also Sunshine's ex-boyfriend] wasn't invited. And I was like, 'Polo, anong nangyari?' Wala, we don't know what's happening."

Pero alam niya na may boyfriend na si Sunshine before she got married?

"Yes. Na-meet ko na yung boyfriend niya many times sa mga events, ipinakilala niya [Sunshine] sa akin," sabi ni Frank.

They parted as friends. "Yes, yes! Actually, bago nga ako mag-transfer ng manager [from Manny Valera to Arnold Vegafria], tinawagan ko pa siya. I asked for her advice, 'Ano ba ang tingin mo kay Arnold? Ano ba ang tingin mo sa GMA Artist Center?'

"I was like weighing things. Kinuha ko rin ang knowledge niya about that, although sad to say she didn't say anything. Sabi nga niya, ang hirap magbitaw ng salita kasi wala na siya sa GMAAC at that time."

FRANK'S GIRLFRIEND. Sino naman ang nag-aalaga kay Frank ngayon?

"Meron akong girlfriend, pero non-showbiz," pag-amin naman niya.

Isa rin ang kanyang lovelife sa pinagkaabalahan ni Frank noong hindi siya aktibo sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Half-Pinay, half-Swedish na modelong nagngangalang Sandra Larsson ang girlfriend ni Frank ngayon.

Si Frank naman ay half-Pinoy, half-Dutch.

"We've been together for almost two years na. Pero matagal akong single after Shine," banggit niya.

Nag-break daw sila ng aktres noong 2005.

"It took a while, siguro two-three years akong nagpahinga before getting into another relationship.

"Kami ni Shine, yung pinagsamahan namin before was something na... We're not saying na tini-treasure namin, but alam namin na you're a kind person and I'm a kind person. So, as a human being lang, yung checking up on how you are."

Paano niya na-meet ang girlfriend niya ngayon?

"We met through common friends. I wasn't really expecting na I was gonna meet someone because puro boys ang kasama ko and she popped out of nowhere, ipinakilala ako to her. I mean, yung friend niya came up to me and pulled me to their table and 'yon, in-introduce kami and that's where it all started," kuwento niya.

CHANGE OF MANAGEMENT. Bakit siya nag-decide na magpalit ng manager?

"Kay Arnold [Vegafria], five years. Five years din ako dati kay Direk Manny [Valera], natapos na November 2010. Tapos December, I was looking around kung sino yung puwedeng kapalit.

"Although in-offer-an ako ni Direk Manny mag-renew, pero sabi ko sa kanya, I'm testing other waters," sabi ni Frank.

Hindi naman nagtampo si Direk Manny sa kanya?

"Hindi naman because magkaibigan din sila ni Arnold. And actually, ako pa yung nagsabi kay Direk, sabi ko, 'Direk, kakausapin ko si Arnold, would that be okay?'

"He was okay about it, then finally nung nakapag-usap na kami ni Arnold, Arnold was the one who spoke to Direk Manny and everything was okay."

Ayon pa kay Frank, "It's a privilege for me na everytime na lang na ano, like I feel na... nawala ako then bumalik, and still people accept me. Ano lang, I'm very thankful na people still recognize me even though I don't go out that often."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati ang pagmo-modelo ay itinutuloy ni Frank ngayon.

"My last fashion show was with Tattler, recently lang yun. After I signed up with Arnold, January, nagkatrabaho agad ako, dire-diretso, which is very ano, masyado akong nagpapasalamat sa kanya every time na nakikita ko siya. Talagang very grateful ako sa kanya."

Per show ang contract ni Frank with GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN