Manny Pacquiao explains why there are no photos of his meeting with U.S. President Barack Obama

IMAGE 0


Halos dalawang linggo ring namalagi sa Amerika si Manny Pacquiao para sa promotional tour ng laban nila ni Sugar Shane Mosley sa May 7. Batay sa official records ng Camara de Representante, markadong absent ang kinatawan ng Sarangani. "Pero... lahat naman... marami namang nag-a-absent diyan. "[May] hindi nga pumapasok sa isang termino, dalawang beses lang pumapasok pero wala namang... Basta at least na-comply mo yung dapat mong gawin sa iyong distrito, walang


Ibinalita ng Startalk TX kahapon, Sabado, February 26 na balik-Pinas na mula U.S. si Congressman Manny Pacquiao.

In two weeks ay sasabak na naman siya sa ensayo para sa May 7 fight nila ni Sugar Shane Mosley.

"Pagdating ni Freddie Roach (his trainer)... pupunta siya dito ng March 8," ayon kay Manny.

Halos dalawang linggo ring namalagi sa Amerika ang People's Champ para sa promotional tour ng laban nila ni Mosley.

Batay sa official records ng Camara de Representante, markadong absent ang kinatawan ng Sarangani.

"Pero... lahat naman... marami namang nag-a-absent diyan. "[May] hindi nga pumapasok sa isang termino, dalawang beses lang pumapasok pero wala namang...

"Basta at least na-comply mo yung dapat mong gawin sa iyong distrito, walang problema," ani Pacman.

Isa sa naging highlight ng U.S. visit ni Manny ang pakikipagkita nito kay President Barack Obama.

Ngunit may ilang nag-iintriga, dahil wala raw lumabas na larawan ang dalawa.

"Hayaan ninyo lalabas... hindi basta-basta kasi ipapalabas yung pictures. Today i-e-email sa amin yung mga pictures.

"Kasi baka may nagdududa, parang may nagdududa, e. Ibang klase... ibang utak ng mga Pinoy.

"Mahigpit lang talaga ang ano, ang White House," ang sabi ni Manny.

Samantala, pinag-usapan last week ang mala-Justin Bieber na umano na haircut ng Pambansang Kamao.

May mga natuwa, at meron din namang hindi masaya sa kanyang bagong hairstyle.

"Okay lang yan, basta... ako naman ito e, ako naman 'to. Tsaka personal ko naman 'to, huwag naman [intrigahin], please."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN