Melissa Ricks still keeps "a little privacy" for her relationship with Jake Cuenca

IMAGE 0


"Masaya ako na alam ng mga tao na kami, pero hindi ko naman ibibigay ang lahat sa kanila. We will still leave a little privacy to ourselves and sana ibigay naman nila sa amin yung kaunting privacy na yun," says Melissa Ricks about her relationship with Jake Cuenca.


Aminado si Melissa Ricks na mas naging masaya ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca nang aminin nila ang totoong estado ng kanilang relasyon sa publiko.

Isa sa isyung kinaharap ng relasyon ng dalawa ay hindi raw pabor ang mga magulang ni Melissa kay Jake, partikular na ang ina ng young actress. Pero nilinaw ito ni Melissa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang debut party ng kaibigan niyang si Empress Schuck last February 20.

"My mom was never against Jake," diin ni Melissa. "My mom is just being a mom na concerned sa anak niya. Siyempre, they don't want their little girl to have a boyfriend, pero hindi naman dahil ayaw nila kay Jake, walang ganun. In a family na may bunsong babae, ganun talaga."

Sa pagbubukas nila ng kanilang relasyon sa publiko, ngayon ay mas malaya na sina Melissa at Jake na ipakita ang totoong nararamdaman nila para sa isa't isa. Pero sa kabila nito ay pinahahalagahan pa rin daw ni Melissa ang privacy nila bilang magkasintahan.

"Masaya ako na alam ng mga tao na kami, pero hindi ko naman ibibigay ang lahat sa kanila. We will still leave a little privacy to ourselves and sana ibigay naman nila sa amin yung kaunting privacy na yun.

"Basta ako," patuloy ni Melissa, "masaya ako na everything is okay between me and Jake, and masaya ako na steady lang and matagal na kaming ganito."

Panay papuri rin ang binitawang salita ng dalaga para sa boyfriend.

"He's really, reallly nice. You know, it's something cliché na sabihin, pero ako, from the start, nakita ko na mabuti siyang tao, hindi lang sa akin kundi sa family niya at sa mga kapatid niya. He's very down to earth at alam ko na mahal niya ako," saad niya.

NOT JEALOUS OF ALEX. Kapansin-pansin daw ang closeness at sweetness ni Jake at ng co-star niyang si Alessandra de Rossi sa set ng Green Rose kung saan makapareha ang dalawa. Agad namang pinabulaanan ni Melissa ang issue na pinagseselosan daw niya si Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Alessandra, she's really nice to me, she's a friend," sabi niya. "Hindi ko siya pinagseselosan kasi even before pa, magkaibigan na sila Jake kahit hindi pa kami magkakilala.

"Pinapanood ko yung mga eksena nila sa Green Rose and they're really good. Maganda ang Green Rose. So, kino-congratulate ko ang lahat ng staff, crew, and cast ng Green Rose."

LEAD ROLE. Kumpirmado nang si Melissa ang gaganap sa pangunahing papel sa bagong teleseryeng sisimulan ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Elisa?. Balitang isang daring and mature na Melissa raw ang mapapanood ng mga tao rito. Totoo ba ito?

"To be honest, hindi ko pa napapanood yung teaser, sa Facebook ko pa lang nakikita. Pero happy ako na sa akin napunta yung project.

"In a way, medyo daring siya. Before, di ako nagpapakita masyado ng balat. Pero ngayon, go, go, go na! I'm older now and I'm ready for anything and everything and sana nga magustuhan siya ng mga tao," sabi ng 20-year-old actress.

ChiuRiGoGoBaSchu. Sa debut party ni Empress, marami ang nagulat sa pagdating ni Kim Chiu. Akala kasi ng lahat ay hindi na makakarating ang young actress dahil bukod sa nagpasabi na mayroon itong previous commitment, balitang may away raw sa kanilang magkakabarkada, ang ChiuRiGoGoBaSchu. Bagay na nabigyang linaw nang sumipot si Kim at nakisaya sa nasabing okasyon.

Ani Melissa, "Sobrang okay na it's a Sunday, na lahat kami walang trabaho, lahat nagpunta. I'm happy na kumpleto kami. Sobrang tagal na hindi nangyari ito... Tatlo, dalawa ang kulang, never na-complete, ngayon lang uli. I'm sure natutuwa siya [Empress] na nasa iisang table kami, party-party, nagkakatuwaan ang lahat.

"Ilang beses na kasi naming klinaro na there's nothing wrong, hindi kami nag-aaway. Kayo [press] lang naman ang nang-iintriga sa amin kasi kami wala kaming problema. Hindi lang dahil di kami laging nagkakasama-sama, e, magkakaaway na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We still text each other, we still call each other. Saka may kanya-kanya kaming buhay, may kanya-kanya din kaming kaibigan. 'Wag na lang kaming intrigahin kasi kahit kami, naba-bother kami kung bakit may ganun."

Nilinaw rin ni Melissa ang issue daw ng grupo nila kay Maja Salvador.

"We don't hang out with her, hindi namin siya nakakasama. But it doesn't mean na galit kami sa kanya. We just only have our own set of friends, magkakaibigan kaming lahat. We love Maja, wala kaming anything against her. Sa lahat ng mga nang-iintriga sa amin, tama na," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN