Pinoy Samurai's Mr. Fu: "This is television and everything here is temporary."

IMAGE 0


Radio jock and television host Mr. Fu will be working alongside ace comedian Joey de Leon in TV5's newest Sunday noontime offering titled Pinoy Samurai.


In character na dumating ang radio personality turned TV host na si Mr. Fu sa press launch ng Tanghaling Go-Go-Go! block ng TV5 na ginanap noong Lunes, February 21, sa Broadway Centrum sa Quezon City.

Tatlong bagong shows ang ipinakilala ng Kapatid Network sa media during the event: Pinoy Samurai (12 nn), Lucky Numbers (1 p.m.) at Fantastik (2 p.m.).

Magsisimulang mapapanood ang mga programang nabanggit itong darating na Linggo, February 27.

Kabilang si Mr. Fu sa Pinoy Samurai, kung saan ay makakasama niya sina Rufa Mi (Kimonay), Wilma Doesnt (Itimpura), at ang beteranong komedyante na si Joey de Leon (Emperor Yoje).

"Ako naman si Gaysha!" masayang pagpapakilala ni Mr. Fu sa kanyang gagampanang character.

"'Yong concept nung show is meron kaming trenta na mga challengers na kailangan nilang makaakyat sa castle ni Emperor Yoje. Pero bago sila makapunta dun, may mga challenges silang dapat gawin para makarating sila dun. Ang makapunta dun, siya ang certified Pinoy Samurai."

Hindi kaya parang katulad lang ito ng hit Japanese game show na Takeshi's Castle?

"Some sort of like that," mabilis na tugon ni Mr. Fu.

"Parang medyo ganun ang peg, pero iba 'yong games. Maraming games: may dulas, meron pa ngang treadmill na may basketball, sumo wrestling, maze, tapos 'yong final round na may log.

"Hindi ko lang kabisado 'yong names nung mga games. Pero masaya siya and nakakatuwa."

A HAPPY KAPATID. Ang Pinoy Samurai ang pangalawang show ni Mr. Fu sa TV5 na kasama si Joey.

Magkasama din kasi ang dalawa sa hidden camera comedy show na Wow, Meganon!

"Super cool si Tito Joey katrabaho. Tapos marami kang matututunan sa kanya, tsaka mahilig siyang magkuwento ng mga experience niya. Kasi DJ si Tito Joey dati, e—'yon yung una niyang trabaho. E, DJ din ako ngayon currently, so nagkukuwentuhan kami. Merong mga kuwentuhan moments during the break. Tsaka 'yon cool na cool siyang kasama," kuwento ni Mr. Fu about working with Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halata naman na contented si Mr. Fu sa kasalukuyang itinatakbo ng kanyang career.

Bagamat hindi madali pagsabayin ang trabaho sa radyo at telebisyon at iba pang "racket" on the side, hindi naman nagrereklamo si Mr Fu lalo pa't alam niya na hindi lahat ng nasa showbiz ay pinapalad na mabigyan ng proyekto.

"Since this is a happy network, I'm happy with this network!" natatawang sabi ni Mr. Fu.

"Inaalagan ng TV5 'yong mga talents. Hanggang may talent si talents ay bibigyan nang bibigyan ng pagkakataon."

MANAGEMENT'S DECISION. Aminado naman si Mr. Fu na ikinalungkot niya ang naging paglisan sa showbiz talk show ng Q11 na Tweetbiz nung nakaraang taon matapos na mag-expire and kanyang kontrata. (CLICK HERE to read related article.)

"Tinanggal ako sa QTV, etchos!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Mr. Fu.

"Hindi, kasi 'yong time na 'yon, nagpaalam naman ako sa QTV na gagawa ako ng shows dito [TV5]. And then nung ni-launch 'yong Wow, Meganon! with Tito Joey, na medyo pumalo sa ratings nung mga panahon na 'yon, dun ako inalis ng management ng QTV from Tweetbiz.

"So, kahit gusto ko pa sanang mag-stay sa show na 'yon... But of course, it's management's decision."

Naiintindihan naman daw ni Mr. Fu ang naging desisyon ng Q11 at Tweetbiz kaya hindi niya puwedeng sabihin na nagkaroon siya ng tampo sa dating istasyon na kinabibilangan.

"It's more of na-sad ako dun sa nangyari. Pero siyempre, talent lang naman kami so susunod lang kami kung anong maging decision ng management," saad niya.

Nakarating na rin kay Mr. Fu ang major reformat na gagawin ng Q11 na makikilala na as GMA News TV starting on February 28. (CLICK HERE to read related article.)

"I heard it from some friends. But the show will stay, although it's super reformat kasi news channel na yata sila. Well, decision talaga nila 'yon. Hindi naman ako puwede mag-comment dahil unang-una wala na ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, 'yon, I wish them all the best, etchos! Ang showbiz!" natatawang bulalas ni Mr. Fu.

EVERYTHING IS TEMPORARY. Malalim ang pang-unawa ni Mr. Fu pagdating sa takbo ng kalakaran sa showbiz at hindi niya kinakalimutan ang kasabihan na may katapusan ang mga bagay-bagay kahit pa gaano kaganda ang takbo nito sa simula.

"Kasi this is television and everything here is temporary, so dapat tanggap mo 'yon, na kapag matatapos na ang isang show, may papalit at may kasunod," seryoso niyang pahayag.

"Pag may natapos, may bagong magbubukas, either a show or another opportunity. Ako ganun na 'yong attitude ko kasi naranasan ko na 'yon matsugi ang ganito, ang ganyan... Parang sanay na ako kasi alam ko na sa telebisyon temporary lang lahat."

Paano naman kaya niya hina-handle ang kanyang emosyon every time na mawawalan siya ng programa?

"Mag-emote ka na siguro ng one day, then the next day move on na. Tapos, isipin mo kung anong next step mo kapag nawala 'yong show. Ganun lang siguro.

"Kasi sa akin naman, main job ko kasi is DJ ako. So, hindi ako nawawalan. But of course, I love TV5 at nagpapasalamat ako na kapag may nawala, may dumarating."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN