Rodjun Cruz likes Cristine Reyes for his brother Rayver

IMAGE 0


"At least, sa akin, sobrang thankful ako na blessed talaga ako na nagkakaroon ako ng work sa magkaibang network. Na wala akong natatapakan, wala akong kasamaan ng loob. At least, nasu-showcase ko yung talent ko," says Rodjun Cruz.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young star na si Rodjun Cruz last February 21, Monday, sa press launch ng Sunday noontime block ng TV5 sa Broadway Centrum Studio.

Isa si Rodjun sa bagets stars na kasali sa Fantastik, ang musical-variety show na papalit sa P.O.5. Pilot airing nito this Sunday, February 27, at 2 p.m.

Gusto rin ba niya na tulad ng ibang young stars ay may ka-loveteam?

"Puwede rin po akong magka-loveteam, pero gusto ko yung parang kahit sino po yung i-pair sa akin. Kunwari, ito yung madadala kahit saan, yung walang steady na loveteam. Yung i-pair sa akin ito, then sa susunod, iba naman. Yung parang ganun," sagot ni Rodjun.

Nilinaw ni Rodjun na hindi siya umalis sa ABS-CBN at lumipat sa TV5.

"Umalis ako ng Star Magic, lumipat ako kay Sir Noel," sabi ng young actor tungkol sa kanyang manager na si Noel Ferrer.

Si Noel din ang manager nina Ryan Agoncillo, Marco Alcaraz, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, at Bayani Agbayani.

"Nakaka-work po ako dito sa 5, at the same time nakaka-work din po ako sa Channel 2. Hindi po ako exclusive sa 5 kasi, di ba, nung nagpi-P.O.5 ako, ginagawa ko naman yung Juanita Banana sa ABS-CBN.

"So, 'yon po. At least, sa akin, sobrang thankful ako na blessed talaga ako na nagkakaroon ako ng work sa magkaibang network. Na wala akong natatapakan, wala akong kasamaan ng loob. At least, nasu-showcase ko yung talent ko."

MISSING P.O.5. Nalungkot ba siya nang nawala ang P.O.5? Sampung buwan lamang ang show at ni hindi nakaisang taon.

"Oo, medyo nalungkot ako kasi iba rin yung bonding ng P.O.5, parang family talaga kami dun, e. Kahit yung mga senior [stars], kabarkada namin. Tapos minsan, pag may mga party-party, magkakasama kami. Yung mga taga- P.O.5.

"Mami-miss ko talaga yun, yung P.O.5. Kasi iba rin yung pinagsamahan ng P.O.5, e. So, 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dito [sa Fantastik], siyempre masaya ako dahil puro mga teens naman, di ba? Ang mga kasama ko mga bagets."

ON GOING SEXY. Maganda na ang katawan ngayon ni Rodjun. Sa katunayan ay nakasama nga siya sa Cosmo Bash noong September 2010. Shirtless at naka-jeans siyang rumampa sa naturang event.

Nag-pictorial na ba siya ng naka-trunks or underwear lamang?

"Hindi pa," nakangiti niyang sabi.

May offer?

"Wala po."

What if may mag-offer, say an underwear endorsement?

"Siguro, sa ngayon, ano lang muna, mga board shorts, jeans, tapos walang shirt," sagot ni Rodjun.

"Gusto ko lang po ng wholesome na image. Kahit na medyo sexy, at least ano pa rin, kumbaga, wholesome pa rin, ganun lang po."

Sa tagal-tagal na ni Rodjun sa showbiz, hindi pa rin pala siya nakakagawa ng full-length movie.

"Sa totoo lang, never pa akong nagka-movie. Hindi pa, puro mga teleserye.

"Meron, isang beses, sa movie ni Rayver. Pero parang special participation lang yung Anime, yung grupo namin. Sumayaw lang kami doon, pero never pa talaga akong nagkaroon ng movie."

Bakit?

"Hindi ko nga po alam, e," sabi ni Rodjun. "Dati may mga offer na movie pero yung handler ko [dati], hindi niya tinatanggap pag maliliit na roles. Gusto niya pag nabigyan ako ng movie, yung maganda yung role na makukuha ko."

RAYVER CRUZ. Wala ba silang rivalry ng younger brother niyang si Rayver Cruz? Wala ba siyang inggit na mas sikat ang kapatid niya sa kanya?

"Sa amin po kasi ni Rayver, wala talagang rivalry kasi very close kami niyan, e, simula bata pa lang kami. Tsaka 'yon ang sinabi sa amin ng mga magulang namin, kahit ano ang mangyari, ayaw nilang magkaroon kami ng rivalry.

"Kaya kapag kami ni Rayver nasa bahay, nagtatawanan lang kami palagi noon. 'Bro, pinagko-compare nila tayo!' Nagtatawanan na lang kami, 'Hayaan natin, wala naman tayong ganyan, e.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung anuman yung achievement ng isa, sobrang proud kami. Tsaka nagtatawanan kami kunwari mas madami siyang trabaho, sasabihin ko, 'Bro, libre mo naman ako!' Pag ako naman ang merong trabaho, 'Bro, ikaw naman manlibre!'"

Close sila ni Rayver?

"Sobra!" bulalas ni Rodjun.

LIKES CRISTINE FOR RAYVER. Ano ang na-feel niya sa mga intrigang pinagdaanan ng kapatid niya at ng girlfriend nitong si Cristine Reyes?

"Siyempre ano, medyo mabigat din kasi parang lahat ng mga... Di ba, lahat ng intriga napukol kay Rayver? Siyempre, kapatid ko yun, concerned din ako sa kanya. E, hindi naman talaga alam ng tao, nagdya-judge agad sila na si Rayver, ganun.

"Ang pinapayo ko lang kay Rayver, 'Basta ikaw yung lalaki, at least alam mo na wala kang ginagawang masama. Malalaman at malalaman ng tao ang katotohanan, basta mag-pray ka lang.'"

Boto raw si Rodjun kay Cristine.

"Oo naman! Basta ako po kung sino ang magpapasaya sa kapatid ko at kung saan siya magiging masaya, doon ako.

"Siyempre kay Cristine... kasi sila naman talaga. Tsaka sobra niyang napapasaya si Rayver, sobrang masaya si Rayver ngayon."

Buong pamilya raw nila ay boto kay Cristine

"Oo naman. Tsaka mabait talaga si Cristine, totoong tao siya," sabi ni Rodjun.

May mga pagkakataon ba na humingi sa kanya ng payo si Rayver tungkol sa lovelife?

"Si Rayver kasi ano 'yan, e, para siyang...minsan tahimik lang 'yan. Minsan nga, nalalaman ko pa sa iba yung balita, e. Hindi siya nagsasabi.

"Tsaka parang ano siya... Bilib ako sa kanya kasi malakas yung loob niya. Tsaka sa kahit anumang pagsubok na pinagdadaanan niya, kinakaya niya. Pero lagi lang naman akong nandito para sa kanya," sabi ni Rodjun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN