Solenn Heussaff wants to keep her relationship with Richard Gutierrez on a "professional level"

IMAGE 0


"He is very handsome and very nice, boyfriend-material. Pero as of now, we're still getting to know each other and we work together. I wanna keep it professional, on a working level," says Solenn Heussaff about Richard Gutierrez.


Live na nag-guest si Solenn Heussaff sa Showbiz Central para sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus.

Ang unang itinanong ni Sweet kay Solenn ay kung totoong may ilangan sa pagitan nila ng kanyang kaibigan na si Georgina Wilson, na ex-girlfriend ng nali-link sa kanya ngayong si Richard Gutierrez?

"No" ang sagot ni Solenn, pero "Lie" ang lumabas sa digital lie-detector machine.

Sabi naman ni Solenn nang bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag, "I dunno, maybe it came out as a lie, kasi we don't see each other as much now. But it's not awkward, there's no awkwardness."

Ayon pa sa reality star turned singer-actress, hindi raw nila pinag-uusapan ni Georgina ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Richard.

"She knows that it's like this in the business..." sabi niya.

AKIHIRO SATO. Sumunod naman ay binanggit ni Sweet na may mga sources na nagsasabing muntik nang maging item sina Solenn at ang Brazilian-Japanese model-actor na si Akihiro Sato. Parehong kasali sina Solenn at Akihiro sa Survivor Philippines Celebrity Showdown last year, kung saan si Akihiro ang itinanghal na Ultimate Sole Survivor.

Tinanong ni Sweet si Solenn kung totoong during the Sinulog Festival sa Cebu kamakailan ay palihim daw na pinuntahan ng Brazilian-Japanese hunk si Solennn sa hotel nito.

"No" ang muling naging sagot ni Solenn, at "Lie" ang muling naging resulta.

Nagprotesta naman si Solenn at sinabing, "May proof ako! Yung first Sinulog, we were with, I think, Survivor [castaways], tapos we were talking about... before pa ng final... But I don't think that's Sinulog, kasi the last Sinulog I went to, he wasn't there."

Sina Rhian Ramos at Raymond Gutierrrez daw ang mga kasama niya noon.

Kung hindi sa Sinulog nangyari ang sinasabing insidente, meron bang ibang pagkakataon na nasa isang probinsiya sila at dinalaw siya ni Akihiro sa hotel niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We always all sleep in the same room, lahat kami [ng Survivor castaways]. Gusto kami na parang nasa island kami, so sa isang kama. Lahat kami sa kama.

"Tapos, may dyowa si Aki, hello! Two years [na sila]! I'm super honest, I'll tell you the truth kung may ganun," sabi ng French-Filipino singer-actress.


RICHARD GUTIERREZ. Sumunod dito ay binanggit ni Sweet ang lumabas sa PEP Alerts na nakitang magkasama sina Solenn at Richard na nanood ng Hollywood movie na Burlesque kamakailan.

Kaya ang pangatlo at huling tanong kay Solenn: Kung sakaling ligawan siya ni Richard, since pareho nilang sinasabi na wala pang ligawang nangyayari sa kanila, may chance ba si Richard sa puso ni Solenn para maging boyfriend niya?

Isang mabilis na "No" ang isinagot ni Solenn, which again resulted in a Lie.

"Your machine's a lie, iyan ang lie!" tumatawang reaksiyon ni Solenn.

Bakit "No" ang sagot ni Solenn gayong napakaguwapo naman ni Richard?

"He is very handsome and very nice, boyfriend-material. Pero as of now, we're still getting to know each other and we work together. I wanna keep it professional, on a working level.

"I don't think about these things. If it happens, it happens. But if you ask me now, it's a bit too early to ask me," paliwanag niya.

Dahil naka-"perfect score" na tatlong Lies si Solenn, tatlong beses ding isinakay sa entrapment si Sweet at pinaikot nang pinaikot, pinag-limbo rock at pinagsayaw bilang consequence.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN