Dingdong Dantes grateful to PNoy for being the first "driver" of Yes Pinoy Foundation's new project

IMAGE 0


"Itong Para Paaralan na ito, isa siyang parang metaphor, or isa siyang simbolo na pagdala ng edukasyon sa lugar na yun... Ang importante, pagdating ng bus na yun, may maiiwan kaming learning structure and that we will leave something na nagpapatuloy ang edukasyon sa lugar na yun," says Dingdong Dantes about Para Paaralan, a roving caravan that aims to provide education to less-privileged children around the Philippines.


Naging matagumpay ang ginanap na relaunching ng Yes Pinoy Foundation noong Linggo ng gabi, February 27, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

Kasabay kasi ng relaunch ng Yes Pinoy Foundation noong gabing yun ang launching ng Para Paaralan, isang roving bus caravan na naglalayong maghatid ng edukasyon sa mga kabataan sa iba't ibang panig ng bansa.

Ang Yes Pinoy Foundation ay naitatag noong last quarter ng 2009. Ang founder at chairman nito ay ang aktor na si Dingdong Dantes.

PNOY SUPPORTS YES PINOY. Mga kilalang personalidad sa business community, politicians, at ilang celebrities mula sa showbiz ang mga dumalo sa event.

Dumalo rin ang ilang malalapit na fans ni Dingdong at ni Marian Rivera, pati na ang non-showbiz friends ng dalawa, at siyempe pa, ang pamilya ni Dingdong.

Present din ang ilang executives ng GMA-7, sa pangunguna ng chairman at CEO ng network na si Atty. Felipe L. Gozon na nagbigay ng inspirational message.

Naging panauhing pandangal si President Noynoy Aquino, na nagbigay rin ng mensahe.

Larawan nga ng kasiyahan si Dingdong noong gabing yun.

Aniya, "Siyempre, I'm very passionate about it. Kung anuman yung sinabi ko sa speech, the inspiration really comes from there. I'm happy that we have partners here this evening and much more, yung the President himself, siya yung unang nagmaneho ng manibela sa binubuo naming konsepto."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment si Dingdong pagkatapos niyang maihatid palabas ng venue si PNoy.

Buong-buo ang tiwala ni PNoy sa kakayahan ni Dingdong kung pagbabasehan ang naging speech ng Pangulo.

Pero ayon kay Dingdong, "Siguro sa konsepto. Pero ako siyempre, naging appealing naman yun because of the project itself. I'm just the one who started it but there are also people behind it, who developed it much better. Pero siyempre, maraming tao talaga ang dapat mag-rally behind it. At siguro, yun ang dahilan, yung collaboration naming lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa speech ni PNoy, nabanggit nito na makikita kay Dingdong ang tunay kahulugan ng pagiging "handsome," hindi lang sa panlabas na kaanyuan nito kundi mas lalo na ang kalooban nito.

"Well, it's more of mas nakaka-inspire dahil siyempre, he's our leader and once a leader says something na inspirational, you know, it keeps us going. So, magandang we have a good pat on our shoulder," sabi ng aktor.

Bago umalis si PNoy, ano ang naging mensahe o ibinilin nito sa kanya?

"Secret!" biro ni Dingdong.

"Ano lang, aside from what he said sa speech niya, sinasabi niyang hindi naman niya kayang mag-isa yun, that is why tayo as a private sector, e, nandito to do our part. So, hindi mo kinakailangang nasa posisyon or anything to do like this.

"That is why, it's the whole point, yung mission-vision namin is collaboration and communication."

ROVING CARAVAN. Bagamat magsisimula pa lang buuin ang loob ng bus na gagamitin para sa Para Paaralan, may plano na ang Yes Pinoy Foundation na ang unang lugar na pupuntahan nila ay sa Montalban, Rizal.

Paliwanag ni Dingdong, "Una, na-identify namin yun. Pangalawa, we were privileged enough na after this fundraiser, e, yung isang malaking partner namin, nakapag-donate na sa amin ng isang building sa Montalban. Para kung saan, pag-alis ng bus, hindi lang namin maiiwan yung mga tinulungan namin.

"But we will leave a learning structure for them na imo-monitor namin. Sisiguraduhin namin na magkakaroon ng maraming kabataan na darating sa learning structure na yun, sa learning community na yun. "

Kapag nabuo na raw nila ang bus ay siguradong magsisimula na raw ito sa pagtakbo.

"That's the whole point of this whole fundraiser. We hope to get a certain amount para ma-acquire namin yung bus. Because this bus will bring to so many places," sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang bus lang naman daw ang plano nila sa ngayon.

"Itong Para Paaralan na ito, isa siyang parang metaphor, or isa siyang simbolo na pagdala ng edukasyon sa lugar na yun... Ang importante, pagdating ng bus na yun, may maiiwan kaming learning structure and that we will leave something na nagpapatuloy ang edukasyon sa lugar na yun."

Nang ilunsad ang Yes Pinoy Foundation, ang layunin lang nila ay tulungang mabigyan ng edukasyon ang mga anak ng mga sundalo. Pero ngayon ay mas malawak na ang target nilang matulungan.

"That's the whole point of relaunching," sabi ni Dingdong. "Mas lumalawak na ang partnership. Mas lumalawak na ang scope ng foundation. So, we thought na hindi lang siya malimitahan doon kung hindi mabigyan din ng pagkakataon ang mas maraming kabataan dahil umiikot na kami. We plan to roam around. We identify talaga yung mga potential scholars."

Sa mga gustong mag-sponsor or mag-pledge, puwedeng mag-log on sa http://www.yespinoy.org/ at nandoon lahat ang details.

SUPPORTERS. Masaya si Dingdong sa naging turnout ng relaunching ng Yes Pinoy Foundation at launching ng Para Paaralan dahil marami na raw ang nag-commit kahit hindi pa ito nagsisimula.

"I have no expectations. Pero noong wala pa itong fundraising, noong hindi pa nagsisimula ang gabi, marami nang partners ang nag-commit. And when I say partner, I won't even say that it's monetary or kung in kind. Ang sa amin, when you say partner, kahit yung oras mo as a volunteer. In fact, it means so much.

"I'm sure, each one of the people who are present here tonight will have a contribution. No matter what that is, I'm sure it's going to be significant," pahayag ng aktor.

Isa rin ang kapatid ni PNoy na si Kris Aquino sa dumating at naglaan ng oras sa nasabing okasyon. Nagbigay ng mensahe ang TV host-actress na tutulong siya at susuporta sa bagong proyektong ito ng foundation ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

"Napakaimportante ng mga sinabi niya at nagpapasalamat ako sa kanya, ngayon pa lang, lalo na sa pagdalo. Kakaiba yung impluwensiya niya dahil siya rin, meron din siyang advocacy sa mga kabataan. We can even accompany her. Kung saan man siya pupunta, bubuntot sa kanya ang caravan. So, masaya siya," saad ni Dingdong.

Siyempre pa, hindi nawala sa espesyal na gabi na yun sa buhay ni Dingdong ang girlfriend niya si Marian Rivera. All out nga ang ipinakita nitong suporta sa Yes Pinoy Foundation umpisa pa lamang.

May pledge o plano bang i-sponsor si Marian?

"Meron daw siyang i-sponsor tonight," banggit ni Dingdong. "Hindi pa niya iniri-reveal sa akin, pero meron daw. Pero more importantly, kaya rin naman nabuo ito, dahil din sa kanya. Sa mga meetings, sumasama rin naman siya, so alam niya yun."

Natawa naman si Dingdong nang banggitin namin sa kanya ang naging komento ng ilang press habang nakatayo sila ni Marian at naghihintay sa pagdating ni PNoy, na "very first lady" na ang dating ng kanyang kasintahan.

"Nagulat nga ako sa hitsura niya, napakaganda niya. Well, hindi naman nakaka... Well, I won't be surprised, kakaiba lang talaga ngayon," sambit ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN