apl.de.ap may collaborate with Charice; refuses to answer questions about KC Concepcion

IMAGE 0


"You know, I just want to thank everybody for your continuous support to the Black Eyed Peas and also for supporting me as a Filipino artist. It makes me proud to be Filipino and helping and representing Filipino all over the world. And, you know, maraming salamat sa lahat ng suporta n'yo," says Black Eyed Peas member apl.de.ap.


Isang highlight ng 25th anniversary ng Edsa People Power Revolution noong Biyernes, February 25, ang performance ng Black Eyed Peas member na si apl.de.ap—o si Allan Pineda Lindo Jr.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa The Buzz noong Linggo, February 27, sinabi ng Filipino-American musician na isang fulfillment para sa kanya ang mag-perform sa gano'ng okasyon.

"It was great! It was great to, you know, be involved in an important part of history of the Philippines. For the People Power. You know, it's a matter to share myself and being involved," saad ni apl.de.ap.

Ayon sa kanya, nasa Pilipinas siya nang maganap ang Edsa People Power noong 1986.

"Yes, I was. I remember Senator Ninoy Aquino back in the days and I heard a lot of good things about him," sabi niya.

APL'S ENDEAVORS. Isa rin daw sa rason kung bakit nandito si apl.de.ap sa bansa ngayon ay para suportahan ang kanyang foundation, ang Apl Foundation.

"We actually... I just actually bought a computer lab in Sapang Bato for kids to learn computer and technology as medium and it's for free," banggit niya.

Bukod sa kanyang foundation, nagtayo rin ng kanyang sariling record label si apl.de.ap, ang Jeepney Music.

Ayon sa rapper, "I'd like to collaborate with the Filipino audience, there's a lot of talented artists and I want to give them the opportunity to showcase their music."

Isa sa inaabangan ngayon ay ang collaboration ni apl.de.ap at ng isa pang Filipino international singer na si Charice.

"Yeah, I just specifically given the chance to do a song for the Edsa People Power and I want to involve her to it. It's not yet fully done, but I want to put her to it," sabi ng Black Eyed Peas member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PINOY AT HEART. Maraming Pinoy ang nakakaalam na madalas sa bansa si apl.de.ap para bumista. Madalas nga, aniya, dito siya nagpapasko.

Sa puntong ito, sinabihan ni Toni na kakausapin na lang niya si apl.de.ap. sa Tagalog dahil nakakaintindi at nakakapagsalita naman daw ito ng ating wika.

Ano ang mga paborito niyang lugar sa Pilipinas?

"I like the night life here in Manila!" natatawa niyang sabi. "Of course, my favorite place that I've went to is Mount Pinatubo because, you know, my house is in Sapang Bato, and it only takes 45 minutes to an hour to get to Mount Pinatubo.

"When Mount Pinatubo erupted, it created a beautiful hot spring. One of my goals is to show the world how beautiful Philippines and, you know, I want to encourage all the Fil-Am to visit our country. In that way, it will help the economy."

Marami nang magagandang babaeng nakita si apl.de.ap sa iba't ibang bansa. Pero paano niya ikukumpara ang Pinay sa ibang mga babae?

"With Filipina, I just feel at home. There's a lot of different values. I just feel home. You know, I grew up here. I like the ligaw," sabi niya.

Willing ba si Apl na manligaw?

"Of course. Yes, definitely," nakangiti niyang sagot.

Nagawa na ba niyang manligaw sa buong buhay niya?

"Oo," mabilis niyang tugon.

Hindi malinaw sa marami ang estado ng kanyang lovelife. Is he dating, single, looking, o may plano ba siyang magpakasal?

"Yes," sagot naman niya sa tanong kung may planong magpakasal.

Gusto niya ba ay Filipina o kahit na sino ang mapusuan niya?

"But I'll go for more on Filipina," sabi ng apl.de.ap.

Nagbigay rin ng mensahe si apl.de.ap sa mga kababayan niya.

"You know, I just want to thank everybody for your continous support to the Black Eyed Peas and also for supporting me as a Filipino artist. It makes me proud to be Filipino and helping and representing Filipino all over the world. And, you know, maraming salamat sa lahat ng suporta n'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Toni, gusto sana niyang tanungin si apl.de.ap tungkol sa kanyang co-host sa The Buzz na si KC Concepcion, na napabalitang niligawan ng international performer. Pero nag-beg off daw si apl.de.ap na sa palagay raw ni Toni ay para protektahan ang friendship nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN