Cristine Reyes says expressing her emotions does not mean she's a bad person

IMAGE 0


"Tingin kasi ng mga tao, kapag nagalit ka, kapag nakapagsalita ka ng mga ganoong bagay, masama ka nang tao. Hindi naman gano'n yun, e. Para sa akin, siguro nadaanan lang ako sa pulso ko, yung galit. Pero, it doesn't mean na masama kang tao," says Cristine Reyes.


Sa March 2011 issue ng YES! magazine ay hindi lang ang panig ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mrs. Divine Geronimo ang nalaman ng publiko, kundi maging kina Rayver Cruz at ang girlfriend nitong si Cristine Reyes.

Kilala si Cristine sa pagiging outspoken sa kanyang nararamdaman, at hindi miminsang napapasubo siya sa away dahil dito. Madalas ay idinadaan niya sa social networking site na Twitter ang kanyang saloobin, na hindi nagiging maganda ang dating para sa iba.

Kahapon, February 27, ay muli na namang naghayag ng kanyang damdamin si Cristine sa panayam sa kanya ng The Buzz. Ipinagtanggol ng young sexy star ang kanyang sarili pati na si Rayver sa akusasyong pinagsabay sila nito ni Sarah.

"Kung wala naman pong nakialam, hindi naman po mangyayari yun," sabi niya. "Kasi, hindi naman intention ng tao na pagsabayin talaga. Paanong pagsasabayin, naging kami, September 14 [2010]. I think, nag-break sila, summer last year."

Masasabi ba niyang "malinis" siya sa syung ito?

"Opo," sagot niya. "Na-prove ko naman po yun na wala po akong kasalan. Ayoko na lang magsalita."

Sinagot din ni Cristine ang isyung pagpapasaring niya diumano muli kay Sarah sa Twitter.

"A, wala, walang ganoon," tanggi niya.

Hindi totoo ang mga tweet?

"Baka siguro nako-connect lang nila. Pero hindi po. Hindi na, hindi na!" natatawa niyang sabi.

Kahit babaeng palaban ang image niya sa publiko, naaapektuhan din daw si Cristine sa mga intriga sa kanilang tatlo nina Rayver at Sarah, at sa relasyon nila ng young actor.

"Siyempre, naapektuhan din. Siyempre, hindi naman alam ng mga tao kapag ano... Hindi naman nila kami nakikita kapag wala sa camera, e. Nasasaktan din kami.

"Tingin kasi ng mga tao, kapag nagalit ka, kapag nakapagsalita ka ng mga ganoong bagay, masama ka nang tao. Hindi naman gano'n yun, e.

"Para sa akin, siguro nadaanan lang ako sa pulso ko, yung galit. Pero, it doesn't mean na masama kang tao," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong lumabas na sa YES! ang lahat ng nangyari, ang wish na lang daw ni Cristine ay matapos na ang isyu na nag-uugnay sa kanilang tatlo nina Rayver at Sarah.

"Ang wish ko lang, matanggap na lang po ng iba na masaya na kami. Matanggap nila na wala kaming kasalanan sa kanila. Matanggap nila na hindi namin ginusto ang mga nangyari before.

"Ipinaparating lang po namin na hindi po nila kami dapat sabihan ng kung anu-ano dahil wala naman po kaming kasalanan. Yun lang po ang sa amin.

"Tama na. Gusto ko nang matapos ang isyu. Para tahimik na kaming lahat. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Naparating ko na yung gusto kong iparating. Siguro it's time na para mag-move on na tayong lahat," saad niya.

May gusto ba siyang sabihin kaya Sarah?

"Ay, wala na po," nakangiting sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN