Gelli de Belen vehemently denies rumored breakup with husband Ariel Rivera: "There's nothing to prove."

IMAGE 0


"Masaya, tsismisan lang. Parang nakikipagkuwentuhan lang ako sa kapitbahay," says Gelli de Belen about her first day as co-host of GMA News TV's Tweetbiz Insiders.



Nagsimula nang sumalang kagabi, February 28, si Gelli de Belen bilang pinakabagong host ng showbiz talk show na Tweetbiz Insiders, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. at 7:10 p.m., sa GMA News TV Channel 11.

Si Gelli at si Fabio Ide ang mga bagong makakasama ng main hosts ng naturang show na sina Tim Yap at Lolit Solis, kasama rin sina Gorgy Rula, Ronnie Carrasco, Danzen Santos, Justine Ferrer, at Chariz Solomon.

Pero sa first night ni Gelli ay hindi siya nakaligtas sa pang-iintriga ng Tweetbiz Insiders dahil kaagad siyang isinalang sa hot seat.

Isang maintrigang tanong nga ang isinalubong ni Manay Lolit kay Gelli: kung totoo bang hiwalay na sila ni Ariel Rivera?

Pero mariing pinabulaanan ni Gelli ang isyung ito at sinabing masaya ang relationship nilang mag-asawa. Aniya pa, "there's nothing to prove" kung hiwalay sila dahil hindi talaga.

Dahil wala ngang mapigang personal na intriga kay Gelli ay dumako ang pagtatanong sa mga taong malapit kay Gelli. Katulad na lang ng kapatid nitong si Janice de Belen, kung ano ang naging reaksiyon nito, pati na ang mga anak nito, sa katatapos lang na pagpapakasal ng ex-husband nitong si John Estrada kay Priscilla Meirelles.

"Okay naman, Janice is fine with it. Wala namang problema, ang tagal-tagal na nilang wala. Yung mga bata, nandoon naman sa wedding," sabi ni Gelli.

AIKO'S LATEST BREAKUP. Sumunod namang itinanong kay Gelli ang kaibigan niyang si Aiko Melendez, na nakipaghiwalay na sa boyfriend nitong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"I guess things didn't work out," ani Gelli.

Nagbigay rin daw siya ng advice kay Aiko. "Sabi ko lang sa kanya, ‘Huwag ka nang magsalita. Hayaan mo na lang. Hindi naman kailangang mag-explain.'"

Maayos ba ang naging breakup nina Aiko at Patrick?

"Maayos naman. Although I'm not sure kung nakapag-usap na sila after the breakup."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang nasa isang masaya at matatag na relasyon siya with Ariel, masasabi niya bang ang nagdadala sa isang relasyon ay ang babae?

"From my experience, the man will set the pace but the woman will keep it going. Sabi ko lang kay Aiko, I think lang she hasn't found the right man for her."

Kailan ang right time para mahanap ni Aiko ang right man for her?

"When she herself is whole. Feeling ko, parang nobody else can complete you... nobody else can complete your happiness hangga't hindi ka buong-buo. Pag buong-buo ka na at happy ka na, doon ka lang makakahanap ng tama para sa iyo," makahulugang pahayag ni Gelli.

FIRST REGULAR SHOWBIZ TALK SHOW. Pagkatapos ng Tweetbiz Insiders ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Gelli para kumustahin siya sa kanyang unang pagsalang sa first regular showbiz talk show niya. Bago kasi ito ay nakalabas na si Gelli bilang guest co-host sa Showbiz Central.

"Masaya, tsismisan lang. Parang nakikipagkuwentuhan lang ako sa kapitbahay," paglalarawan ni Gelli sa unang gabi niya sa show.

Ano ang feeling na inintriga siya agad sa show?

"Parang hindi naman ako ang inintriga. Wala naman kasing intriga ang buhay ko. Feeling ko, nagtatanong lang sina Tita Lolit at Gorgy ng wala lang. Kaya ang nangyari tuloy, ‘yong ibang taong close sa akin na lang ang itinanong sa akin, si Janice nga at saka si Aiko," sabi niya.

Kumusta namang katrabaho ang ibang hosts ng Tweetbiz Insiders?

"It's fun, it's really fun," sagot niya.

"Si Tita Lolit kasi parang ngayon ko lang siya talaga nakatrabaho. I grew up with her... I mean with her around. Kaibigan kasi siya ni Tito Dougs [ang yumaong manager ni Gelli dati na si Douglas Quijano]. Pero never ko siyang nakatrabaho talaga. Ngayon lang.

"Pero parang hindi naman kami nagtatrabaho ni Tita Lolit. Parang tsismisan lang kami nang tsismisan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Tim din, first time ko siyang makatrabaho. It's fun working with him.

"Yung ibang hosts, fun din katrabaho. Very friendly silang lahat, very welcoming. I'm glad na everybody is fine with me kahit ako yung pinakabago at saka si Fabio. Haping-happy ako."

Natutuwa rin si Gelli dahil kasabay ng pagpasok niya ay ang iba pang pagbabago sa show tulad ng high-tech na set pati na rin ang pamamaraan ng pagbabalita.

"E, ganyan talaga ang technology, kailangan sumasabay ka sa pagbabago. Kailangan nag-a-update tayong lahat, di ba? Siyempre, masaya, high-tech."

Aminado naman si Gelli na hindi siya gano'ng ka-updated sa mga nangyayari sa showbiz kaya nagugulat siya sa ibang mga ibinabalita sa show. Gaya na lang ng pagkawala ng SexBomb sa Eat Bulaga! dahil sa pagtatrabaho ni Joy Cancio, manager ng SexBomb, sa katapat na programang Happy, Yipee, Yehey!.

"Tama, nagugulat talaga ako. Hindi ko alam na may ganun na pala. Siyempre, bago pa lang ako. Pagtakbo pa nito, mas marami pa akong malalaman."

Plano niya bang mag-research dahil dito?

"Actually, hindi masyado para hindi plakado yung alam ko. Para naman nagugulat-gulat pa ako. Of course, kahit paano, mabuti rin yung may alam kang konti para may ibabato ka pag discussion na.

"Pero mabuti rin yung nagugulat ako. At least yung makukuha n'yong reaksyon sa akin, hindi yung inaral, parang natural lang, di ba?"

Ano naman ang reaksiyon ng asawa niyang si Ariel sa pagtanggap niya sa Tweetbiz Insiders?

"Siyempre, masaya siya for me, trabaho ‘yan, e. Yung asawa ko naman very supportive sa lahat ng pinapasok ko," sagot ni Gelli.

Paano niya ide-describe ang relationship nila ngayon ng asawa niya?

"I'm happy and blessed with Ariel. Kasi alam mo sa isang relationship, maraming dapat trabahuhin, e. Pero hangga't nandiyan yung love, acceptance, at understanding, yung relationship will always be strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka ang maganda sa amin, we let each other grow on our own pagdating, halimbawa, sa career namin at sa gusto pa naming ma-achieve. Pero we grow together for our kids, for our family," saad niya.

Ngayong busy na siya sa career niya, matutuloy pa ba ang plano nilang mag-migrate sa Canada?

"Yung pagma-migrate naman, matagal pa yun. Pag college na ang mga bata, doon pa lang kami aalis.

"Pero hindi naman ako titira doon. Pabalik-balik pa rin ako dito. Hindi naman ako Canadian citizen. So, kumbaga, dito pa rin ako magre-retire sa bansa natin."

Bukod sa Tweetbiz Insiders, kasama rin si Gelli sa upcoming weekly horror-comedy miniseries ng GMA-7, Ang Spooky Mo! Presents Bampirella, na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Si Ariel naman ay babalik na sa ABS-CBN, kung saan makakasama siya sa cast ng remake ng Mula Sa Puso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN