Kristine Hermosa on having a baby with Oyo Sotto: "Bahala na si God kung ibibigay na Niya sa amin...."

IMAGE 0


"Hindi ko naman siya pinagbabawalan. She knows her limitations naman, e, alam niya naman kung hanggang saan. So, if she wants to work, okay lang," says Oyo Sotto about Kristine Hermosa accepting projects.


Naging star-studded ang premiere night ng pelikulang Who's That Girl? na ginanap kagabi, February 28, sa SM Megamall Cinema 10.

Kabilang sa mga dumalo ang newlywed couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Naroon din ang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto, kasama ang asawa nitong si Marc Pingris.

Nagpunta sina Oyo at Danica para suportahan ang ina nilang si Dina Bonnevie, na kasama sa cast ng pelikula starring Anne Curtis, Luis Manzano, and Eugene Domingo.

Ano ang pakiramdam ni Dina sa pagdating ng kanyang mga anak at mga manugang sa premiere ng kanyang comeback film?

"Natutuwa ako na nandito sila ngayon to support me, kasi andami ko nang premiere night noon, di naman sila uma-attend. Sabi ko sa kanila, 'Pag di kayo um-attend, magtatampo talaga ako sa inyo!'

"Pag sa pelikula ni Vic [Sotto], na daddy nila, uma-attend sila. Pag sa akin, di sila uma-attend. Kaya ayun, natutuwa ako ngayon at nandito sila ngayon sa premiere night," saad ni Dina.

Bilang suporta naman kay Anne, dumalo sa premiere ang kanyang kaibigan na si Georgina Wilson kasama ang boyfriend nitong si Borgy Manotoc. Dumating din ang mga kasamahan ni Anne sa Showtime na sina Vice Ganda at Ryan Bang.

Para naman kay Luis ay dumating ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, na agad niyakap at hinalikan ng actor-TV host.


KRISTINE & OYO. Pagkatapos ng premiere ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong kasal na sina Oyo at Kristine. Ikinasal ang dalawa sa isang private ceremony sa Batangas noong January 12, 2011. (CLICK HERE to read related article.)

Bakit hindi nila ibinigay ang rights ng kanilang kasal kahit saang TV network para mapanood ng kanilang mga tagahanga?

"Better that way na lang," sagot ni Kristine.

Dagdag ni Oyo, "Actually, we want a full coverage sana kaso ilang weeks before the wedding, napag-isipan namin na 'wag na lang. Kasi, we want it to be private na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit "Beatles" ang napili nilang theme ng kanilang wedding?

Paliwanag ni Kristine, "Gusto lang namin yung light na theme, e, ayaw namin ng masyadong formal. Saka yun talaga yung mga type of music na gusto namin ni Oyo pareho. Saka maganda naman yung meaning, di ba?

"Saka nakita n'yo naman na naka-sneakers lang ako. Kasi I'm not comfortable wearing high heels talaga. Saka alam kong medyo mahaba yung program at araw, e, mas comfortable ako wearing sneakers."

Ayon kay Dina, siya ang nag-sponsor ng three-days, two-nights honeymoon ng mag-asawa sa El Nido, Palawan.

Nang tanungin si Oyo tungkol sa kanilang honeymoon, natawa siya at sinabing: "Masaya! Masarap!"

Inamin din ni Dina na nagiging emotional siya nitong mga nakaraang linggo matapos ang kasal nina Oyo at Kristine dahil nami-miss niya raw ang dalawa.

Ano ang reaksiyon nila rito?

Ani Oyo, "Nami-miss naman din namin siya, kaya nga kami nandito ngayon para suportahan siya sa kanyang comeback movie."

Dagdag naman ni Kristine, "Puwede pa rin kaming magsama-sama, e."

Ngayong kasal na sila, pinagbabawalan ba ni Oyo si Kristine na mag-artista?

"Hindi ko naman siya pinagbabawalan," sagot niya. "She knows her limitations naman, e, alam niya naman kung hanggang saan. So, if she wants to work, okay lang.

"Basta okay yung schedule, huwag lang masyadong busy. Yun, ayaw ko. Siyempre, 'no, gusto ko naman ng pamilya."

May upcoming projects ba si Kristine?

"Wala pa, e, I'm still resting," sabi niya. "We'll see pag may magandang offer, pag may magandang project. Pero as of now, wala pa naman silang nababanggit sa akin.

"Saka it depends kung okay din sa kanila yung limitations namin ni Oyo. Kasi medyo maselan din yung mga limitations ni Oyo."


Open ba siyang magtrabaho sa ibang TV network o mananatili ba siya sa ABS-CBN?

"I'm open to all networks!" natatawa niyang sabi.


Nilinaw rin ng dalawa ang binanggit dati ni Dina na may problema si Kristine sa pagbubuntis dahil may polycystic ovary raw ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malapit na nga mabuntis 'yan, e, tsismis lang yun. Tingnan n'yo, bukas buntis na 'yan!" tawa ni Oyo.

Ayon naman kay Kristine, "Hopefully. Bahala na si God kung ibibigay na Niya sa amin. Kung hindi pa, di okay lang din."


Handa na ba si Oyo siyang maging daddy?

"Oo naman, anytime!" sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN