Dina Bonnevie admits having "emotional anxiety" now that Danica and Oyo have their own families

IMAGE 0


"Nagda-drama na nga ako pag Sunday, kapag sinasabi nilang hindi kami puwedeng magkita, gulat ako no'n. Kasi sabi ko, 'May mga asawa na kayo, at least give me one day a week, every Sunday be with Mommy,'" relates Dina Bonnevie about her desire to be with her children at least once a week.


Aminadong nagkakaroon na ng "emotional anxiety" si Dina Bonnevie sa pagiging mag-isa niya sa kanyang bahay sa Quezon City.

Ngayon daw kasi nararamdaman ng aktres ang lungkot sa pagkakaroon ng sari-sariling pamilya ng kanyang dalawang anak na sina Danica at Oyo Sotto.

Si Danica ay ikinasal noong March 2007 sa basketball player na si Marc Pingris, samantalang si Oyo naman ay kakasal pa lang noong January 12, 2011 sa aktres na si Kristine Hermosa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press kay Dina sa promo ng kanyang combeck movie na Who's That Girl?, ay isiniwalat ng aktres ang kanyang pangungulila sa kanyang mga anak.

"Hindi naman ako laging nasa office. Wini-wish ko na sana lagi akong nasa office, sana araw-araw mayroon akong shooting para hindi ako nag-iisip.

"Gusto ko Monday to Friday, lagi akong busy para hindi ako nag-iisip. Saturday, magba-badminton ako. Sunday, magtsi-church ako. Parang yun ang iniisip ko.

"Pero siyempre, kung lagi naman akong busy, baka hindi ko makayanan sa sobra kong pagod. Kaya ang ginagawa ko, after work, I play badminton or I do my yoga class.

"And then, on Saturdays, I really hang out with my friends, I really go out. Friday rin, I go out my friends. And Sunday naman, with family.

"Pero during the week, yun ang struggle sa akin na parang wala na akong naririnig na sounds sa bahay. Wala, echo!" sabi ni Dina habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Kailan niya naramdaman ang gano'ng feeling?

"No'ng nag-asawa si Oyo, hindi pa. Mga two weeks after, my God, para akong nagkakaroon ng anxiety! Ayoko maging anxious!

"Oh, Lord, gusto ko nang magkaroon ng asawa. I wanna have a partner. Kasi, parang bakit ganito? Walang ingay sa bahay."

Desidido na si Dina na ibenta ang kanyang malaking bahay sa Quezon City at kumuha na lang ng mas maliit na sakto lang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para kasing it's so big, tapos ako na lang mag-isa. And no'ng nag-uusap kami ng mga bata, 'Ma, ibenta mo na lang yung bahay.' Kasi nga, para hindi ka nalulungkot.'

"Kasi, South na sila, e. They want me to live in the Fort para malapit sa Alabang. Ayoko naman sa Alabang, malayo. Sabi ko sa Fort na lang para malapit sa office ko. And, at least, pagbaba ko, may mall, maingay, magulo.

"And most of my friends live in the South. All my friends! If not in Makati, they're in Alabang. I'll move to a smaller ano para hindi ako masyadong feeling alone. At least, kung maliit, baka masikipan ka pa nga, e," sabi niya.

LOOKING FOR A PARTNER? Nasasabi lang daw ni Dina na gusto na niyang magkaroon ng partner, pero sa totoo ay ayaw rin daw niyang magpadalus-dalos sa takot na baka madapa na naman siya.

Pagkatapos kasi nilang maghiwalay ng una niyang asawa na si Vic Sotto ay ikinasal ulit siya sa isang aspiring politician, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Nagkaroon din si Dina ng boyfriend na isang Lebanese businessman, pero nag-break din sila.

"Siguro, hino-hope ko lang na kung sakaling magkakaroon ako ng partner, sana yun na. Sana ibigay na ni God kung sino yung nararapat para sa akin, to grow old with me," sabi ni Dina.

Naisip na rin daw ni Dina na bumalik na lang sa Switzerland, tutal naman ay isa siyang Swiss citizen. Dagdag pang lagi siyang hinihikayat ng kanyang ina at mga kapatid na iwan na lang ang Pilipinas.

Kaya lang, napagisip-isip ni Dina na baka mas lalo siyang malulungkot dahil mami-miss niya ang kanyang dalawang anak at tiyak na magsisimula siya uli ng kanyang buhay doon.

Sigurado ring maiinggit siya sa mga kapatid na nandoon ang kanilang mga asawa't anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin gustong iwan ni Dina ang kanyang telecommunication business dito sa Pilipinas.

DRAMA QUEEN. Mas gusto ngayon ni Dina na makitang madalas ang kanyang mga anak.

Kuwento niya, "Nagda-drama na nga ako pag Sunday, kapag sinasabi nilang hindi kami puwedeng magkita, gulat ako no'n. Kasi sabi ko, 'May mga asawa na kayo, at least give me one day a week, every Sunday be with Mommy.'

"And I'm very thankful sa mga anak ko, like si Danica, umaga pa lang, alarm clock. Minsan nga lang, natatarayan ko, 'Ano ba naman, magpatulog ka naman, kakagaling ko lang sa taping. Pagod na pagod ako!'

"'Mommy, gusto mo bang tawagan kita every Sunday? Sabihin mo lang. A, okay. Call me na lang.' Kasi minsan, ang aga, tulog pa ako. But she makes it a point to call. 'O, Oyo, si Mommy kailangan tayong magkita.'

"Minsan, si Oyo naman, 'Ma! Saan ka? Nandito kami ni Tin, nagdi-dinner kami. 'Lika!' Kasi minsan, no'ng time na puwede silang mag-church, hindi naman ako puwede. Kunyari may aberya sa shooting or may promo. Sila naman ang nag-a-adjust.

"Like the other Sunday, magkasama kami sa The Fort, nag-dinner kami, nag-ice cream kami together. Kuwentuhan.

"And the other Sunday naman, sinamahan ko si Marc and Danica sa Portofino, kasi bumili sila ng lupa. Si Marc naman, 'Ano Mama? Sa palagay mo? Maganda ba itong pipiliin ko? Okey ba? Anong advice mo?' Ang sarap ng feeling na nagtatanong ng advice sa iyo ang son-in-law mo."

Ibig sabihin ay iiwan na nina Danica at Marc yung bahay na ipinahiram sa kanila ni Vic Sotto?

"Hindi pa naman yata ibinigay sa kanya, e. They're just living there. Pero siyempre naman, they wanna have their own. Kaya lang, inuna ni Marc na patayuan ng bahay si Danica sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, Marc is a very nice son-in-law talaga. Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Inuna niyang patayuan ng bahay ang kapatid niya, nanay niya. After niyang unahin ang pamilya niya, pinagpatayo niya ng bahay si Danica sa Pangasinan.

"Then, after which, magpapatayo naman siya ng bahay for Danica dito. Mabait na anak si Marc," papuri ni Dina sa kanyang manugang.

DAUGHTER-IN-LAW. Kumusta naman sila ng isa pa niyang manugang na si Kristine Hermosa? Nasa adjustment period pa lang ba sila?

"Hindi naman," sabi ni Dina. "Siguro ang nangyayari ngayon, nag-a-adjust-an sila ni Danica ngayon na ate. Mag-ate na.

"Parang kapag nagkikita kami every Sunday, nagkukuwentuhan kami, pero mas Ate and Tin ang kuwentuhan. 'Hay, naku, eto ang gawin mo pag buntis ka, ganyan-ganyan. Eto ang symptoms.' Nagkukuwentuhan sila about pagbubuntis. And then yung parenting.

"Si Tin kalog, 'yan, e. Gaya no'ng last Valentine's, tinext niya ako na 'Happy Valentine Mama D, enjoy your lovey-dovey! Ha!Ha!Ha!' Ganon siya, e. Madalas pag magkakasama kami, nagtatawanan lang kami. Kapag magkasama kami, lagi kaming nagkukulitan."

Kapag daw nag-e-emote Dina, ang mga anak naman niya ang nagdyu-joke sa kanya para maibsan daw ang kanyang lungkot.

APO FROM OYO & KRISTINE. Ayaw na munang umasa ni Dina sa pagkakaroon ng bagong apo kina Oyo at Kristine. Kung ibibigay raw ng Diyos na mabuntis si Kristine, siguradong ikatutuwa ito ng buo nilang pamilya.

Pero habang wala pa raw sariling anak sina Kristine at Oyo, pina-practice naman daw ng dalawa ang pagiging parents sa adopted son nilang si Kiel.

"Oo, kinukuwento nga ni Tin. 'Naku, Mama, nagiging stubborn si Kiel kaya pina-punish namin, pero hindi namin kaya ni Oyo. Naiiyak din kami kapag pinapagalitan namin.'

"Kasi, the past two days raw, palagi nilang pinagsasabihan ni Oyo. Nagtinginan na lang daw sila ni Tin, hindi na nila kayang pagalitan ni Tin. Kasi, sunud-sunod na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka lang naghahanap ng atensiyon. Kasi nasanay yung bata na laging kasiping ni Tin. Then, all of a sudden now, ang kasiping ni Tin ang asawa niya, siyempre, si Oyo.

"Siguro he's trying to get attention by being naughty. Para mapansin siya, nagpapaka-naughty siya. Sabi ko, 'Isipin n'yo muna sa inyo para hindi makaramdam yung bata na nawawalang atensiyon sa kanya.'

"Si Kiel, close sa akin, kaya lang supladito!" tawa ni Dina. "'Kiel, kiss Mama D.' Pareho silang...one month apart lang sila ni Mic [Jean Michele, anak nina Danica at Marc].

"Guwaping din yung bata. Talagang may ganyan-ganyan pa siya, yung parang nagti-tease pa siya. 'Kiel, don't do that.' Pag sinabi mong 'don't do that,' iti-tease pa rin niya ang daliri niya sa electric fan. Hihintayin niyang sigawan mo siya, 'I said don't do that!' Ang kulit!

"Minsan, pag hindi mo na siya pinapansin, tatakbo siya sa iyo, 'Mama D, I love you!' 'Kanina, ayaw mo akong pansin, ngayon I love you, I love ka diyan!"' nangingiti niyang kuwento.

Sa paniniwala ni Dina, kaya na nina Oyo at Kristine na maging magulang sa tulong din nina Danica at Marc.

"Thankful naman ako kina Danica at Marc kasi parang nagiging kuya at ate naman sila sa dalawa. Of course, si Danica mas may experience na, and si Danica, talagang hands-on sa pagiging parent. Grabe ang nakikita kong pag-aalaga niya kay Mic.

"Naku, si Mic, isa pang makulit 'yan! Dyusko! Pero wala, minsan biglang iki-kiss ka na lang at mangangagat.

"Kaya nga iniisip ko, ano kaya, biglang mag-adopt ako? Kaya lang, siyempre dapat ipaalam ko sa mga anak ko. 'Anong adopt-adopt?'" bigla niyang sabi.

Hindi na raw puwedeng mag-anak si Dina dahil 49 years old na siya at magiging delikado na para sa kanya ang magbuntis kaya naiisip niyang mag-ampon na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiisip ko lang, kaya ko pa ba? Kasi, I like my apos pag magulo, malikot, pag nagsasalita. 'O, what's my name?' 'Mama D.'

"Pero pag nagbabangenge na, hay naku! 'Danica, kunin mo nga ito, sigaw nang sigaw, ang ingay-ingay!' Kapag nagbabangenge na, 'No, stop crying!' Parang hindi ko na kaya, ang ingay-ingay. 'Ano ba, ang ingay ni Mic!'

"O, kaya, pag matigas ang ulo ni Kiel, 'Kiel, Kielito. Hala! Hala!' Pag magulo na at makulit, parang wala na akong pasensiya!" tawa ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN