Shaina Magdayao says intrigues make her relationship with John Lloyd Cruz stronger

IMAGE 0


"We have an open communication, and I can say na kung anuman yung mayroon kami, at kung anuman yung nababalitaan ng ibang tao, wala pa yata sa kalahati nung kung ano talaga yung nangyayari sa amin. We'd lke to keep it that way, we'd like to keep it private," says Shaina Magdayao about her relationship with boyfriend John Lloyd Cruz.


Sa dami ng mga intriga at pagsubok na pinagdaanan ng relasyon nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, inakala ng iba na mauuwi ito sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkasintahan at maaaring humantong sa breakup.

Pero taliwas sa inaasahan ng iba, tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa. Masaya at kuntento rin daw sila sa itinatakbo ng kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Shaina, sinabi niya na ang mga intriga at kontrobersiya na pinagdaanan nila ni John Lloyd ang nagpatatag at nagpatibay ng kanilang pagsasama.

"Feeling ko nga, hindi kami tatagal nang ganito kung hindi yun [mga intriga] ibinigay sa amin ni Lord. Para kasing it's very rare na nalalampasan yung ganung... Usually, pag tine-test yung relationship, once na ma-test yung relationship na yun, tapos na. Yun na yung breaking point ng relationship.

"Pero imbes na mag-break kami, parang mas tumibay pa. You always think the positive way, dapat magpasalamat ka na binigyan kayo ng ganung problema. Ngayon, ganito kayo katatag," sabi ng 21-year-old actress.

SECRET TO SUCCESSFUL RELATIONSHIP. Para kay Shaina, ang pagiging bukas nila sa isa't isa at privacy ang ilan sa mga susi sa tagumpay ng relasyon nila ni John Lloyd.

Aniya, "We have an open communication, and I can say na kung anuman yung mayroon kami, at kung anuman yung nababalitaan ng ibang tao, wala pa yata sa kalahati nung kung ano talaga yung nangyayari sa amin. We'd lke to keep it that way, we'd like to keep it private.

"So far, kung paano namin ina-approach ang relationship namin, it's working. Kahit na sobrang mayroon mang negative na lumabas or tsismis, nasa amin yun kung hahayaan naming manghimasok sila, and we always see to it na hindi sila puwedeng manghimasok. You can always say what you want to say, pero nasa amin yun kung magpapaapekto kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba sila nag-i-spend ng quality time together, lalo na't isa sa pinakasikat na aktor sa bansa ang kanyang boyfriend?

"Akala ko mahirap, pero wala naman siyang paghihirap na ibinibigay sa akin, wala naman. He always sees to it na magkakaroon kami ng time together.

"Sobrang saya naman pag nagagawa namin yung nagagawa ng mga normal na tao. Yung mga kumain sa restaurant, yung magkaroon ka ng day-off, yung makanood ka ng movie, sobrang feeling mo, totoong tao ka.

"Yung nae-experience mo yung nae-expereince ng lahat ng tao. Sobra naming thankful pag nagkakaroon kami ng chances na ganun.

"John Lloyd is a good person, mabuti siyang tao," sabi ni Shaina.

ON WORKING TOGETHER. Nagulat naman kami nang sabihin ni Shaina na hangga't maaari ay ayaw niyang makasama sa trabaho si John Lloyd.

"When it comes to personal life, you have to keep it private. Kaya nga hindi ko kaya na ang ka-partner ko ay ang karelasyon ko, kasi dun mag-i-start yun.

"Sino bang loveteam na tumagal? Pinasok sila ng showbiz. What more yung iniintriga sila na hindi pa sila nagla-loveteam? Paano pa pag nagsama sila?

"Gusto naming i-preserve yung relationship and mahirap umarte na yung boyfriend mo, katrabaho. Hindi ko pa nae-experience yun, and ayokong ma-experience yun.

"What's important siguro is susuportahan namin ang isa't isa sa mga trabaho namin at kahit anong gagawin namin," saad ng young actress.

Pagdating pa rin sa trabaho, sinabi ni Shaina na hindi issue kay John Lloyd ang paggawa niya ng daring, sexy, and mature roles.

"I let him know but not to the point that he would stop me. Hindi siya ganun, hindi siya ganung klase ng artista.

"Alam niya yung takbo nitong industriyang ito, kasi parte rin siya ng mundo namin. Bago naman naging kami, artista naman kami kaya alam namin pareho kung ano ang parte ng trabahong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN PRATS. Hindi naman kaila sa lahat na ang unang naging boyfriend ni Shaina ay si John Prats. Tinanong ng PEP ang young actress kung okay lang ba sa kanyang makatrabaho si John.

"Kami namang mga artista, we will do our best na gagawin namin ang trabaho namin. Ibig sabihin nun, magiging professional kami. Kung maganda naman ang istorya, yung character na ipo-portray ko, kung mapagkakatiwalaan ko yung director, comfortable ako sa mga makakatrabaho ko.

"Pero right now, wala namang alok. Ni napag-uusapan, wala naman. Work is work, we have to set aside our personal thing," saad ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

Ano ang masasabi niya sa bagong girlfriend ni John na si Rachelle Ann Go?

"I can say na pareho kaming masaya sa respective lives namin," sagot ni Shaina. "Wala naman tayong maibibigay kundi i-wish ng happiness ang ibang tao.

"Pangit naman na ikaw masaya, tapos gugustuhin mo na ang ibang tao, hindi masaya. Napakalaking kasalanan naman nun, hindi ko gagawin yun sa kanya."

RAYVER CRUZ. Noong Sabado, February 26, ay nagbalik-tambalan sina Shaina at Rayver Cruz sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Inamin ni Shaina na nagkaroon sila ng konting ilangan ni Rayver sa muli nilang pagtatrabaho sa harap ng camera pagkalipas ng maraming taon.

Kuwento niya, "It's been years, last namin was Rounin pa. Nakakapanibago. Nung first day namin, medyo nakakapanibago kasi nga, nasanay ako na ang kaharap ko sa kamera ay si Jason Abalos because of Alyna, so sila yung nakasanayan ko.

"Ngayon, bagong mukha at matagal kaming hindi nagkasama talaga. So, parang medyo tinatantiya-tantiya pa namin ang isa't isa on cam. Pero off-cam naman, ganun pa rin, because we always see each other naman sa ASAP. Every week naman kaming nagkikita, so walang ilangan."

Ano ang mga nakitang pagbabago ngayon ni Shaina kay Rayver, na dating nanligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi kong sinasabi na, physically, nag-iba na siya, man na siya. Nag-mature na si Rayver.

"Makulit pa rin, pero hindi na tulad ng kulit niya dati. Yung pagkakulit niya, in a mature way. Kasi yung dati talaga, kulit-bata.

"Nakakatuwa kasi si bro, binata na. Saka siguro mas marami na kaming na-experience sa buhay, mas marami na kaming nakatrabaho, mas maraming natutunan sa mga nakasama namin, that's why refreshing na kaming dalawa ang magkaharap," saad ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN