1974 Miss Universe Amparo Muñoz dies at 56

IMAGE 0


1974 Miss Universe Amparo Muñoz died at the age of 56 last February 27 at her home in Malaga, Spain.


Sumakabilang buhay na ang 1974 Miss Universe na si Amparo Muñoz sa edad na 56.

Ayon sa report ng typicallyspanish.com, namatay ang dating beauty queen dahil sa "long illness" sa kanyang tahanan sa Malaga, Spain, noong February 27.

Hiniling ng pamilya ni Amparo ang "absolute privacy" sa funeral nito.

Kinoronahan si Amparo bilang Miss Universe noong July 1974. Dito sa Pilipinas ginanap ang naturang beauty pageant noong taong 'yon.

Si Amparo ang kauna-unahang Spaniard na nagwaging Miss Universe, pero isinoli niya ang title pagkalipas ng anim na buwan dahil sa "discrepancies with organizers."

Malapit sa mga Pinoy si Amparo dahil bukod sa Pilipinas ginanap ang Miss Universe beauty pageant noong nanalo siya, gumawa rin siya ng pelikula rito kasama ang 1969 Miss Universe titleholder na si Gloria Diaz, ang Hayop Sa Ganda (1983).

Hindi lang naging maganda ang experience niya sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas dahil nakaaway niya ang isang producer at talent scout. Umabot pa nga sa korte ang kanilang away.

Pagkatapos niyang gumawa ng pelikula sa Pilipinas ay matagal na walang nabalitaan ang mga Pinoy tungkol kay Amparo. Hanggang sa may maling balita na lumabas na namatay na diumano ang dating Miss Universe dahil sa AIDS.

Gumawa rin ng ilang pelikula sa Spain si Amparo.

Tatlong beses ikinasal si Amparo, pero lahat ng ito ay nauwi sa divorce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN