Rhian Ramos on relationship with Mo Twister: "We are exclusively dating, pero hindi ko pa siya sinasagot."

IMAGE 0


"Ang tagal na namin magkakilala, mga four to five years na. He's courting me for about a year and I can say that we are exclusively dating now. Hindi ko alam ang exact date ng pagiging exclusive namin sa isa't isa, basta it was last year's last quarter yata," says Rhian Ramos about Mo Twister.


Isa si Rhian Ramos sa celebrities na dumalo sa opening ng photo exhibit ng photographer na si Jay Tablante sa Crucible Gallery, sa Megamall, last week.

The cosplay photo exhibit is titled "Les Femmes Fatales" kunsaan isa si Rhian sa models, along with Solenn Heussaff, Bianca King, Barbie Forteza, and "Cosplay Queen" Alodia Gosiengfiao.

Ayon kay Rhian, Marvel comics ang concept ng kanilang pictorial kung saan naka-costume sila ng iba't ibang comic superheroes.

"This is all for a good cause kasi all the proceeds of the exhibit will go to Vincentian Missionaries Social Development Foundation. I think the framed photos will be sold to the public at P20,000 each," banggit ng Kapuso young actress sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Worth naman ito, lalo na sa mga collectors at comic lovers. Pinaghirapan namin ito, with all the costumes, props, at makeup.

"Favorite characters na ginawa dito ay si Poison Ivy na kalaban ni Batman, at siyempre yung sa akin si Rogue na kalaban naman ng X-Men.

"Bale last time, meron na rin akong pictorial kay Jay na naka-costume ako ng Rogue, pero parang comics type. Bale yun yata yung pinakamahal na nabili kaya inulit na lang ngayon."

VALENTINE GETAWAY WITH MO. Nagulat naman si Rhian dahil naungkat ang diumano'y "Valentine getaway" nila ng kanyang rumored boyfriend na si Mo Twister sa Thailand.

"Abroad?" balik-tanong niya. "Baka yung sinasabi mo, e, yung nagpunta kami ni Mo last December sa Thailand.

"Last Valentine's day, we were together, pero secret kung saan kami nagpunta. Sa amin na lang yun. It could be here sa Pilipinas o out of the country, basta secret yun!"

Ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Mo? May commitment na ba sila sa isa't isa?

"Let's put it this way..." buwelo niya. "Ang tagal na namin magkakilala, mga four to five years na. He's courting me for about a year and I can say that we are exclusively dating now. Hindi ko alam ang exact date ng pagiging exclusive namin sa isa't isa, basta it was last year's last quarter yata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mo ang mas nakakaalam niyan, e, hindi ko pa siya sinasagot. Ang sabi ko lang, we are exclusively dating. Basta I'm enjoying every minute when I'm with him."

Ano ba ang mga qualities ni Mo na nagustuhan niya rito?

"Well, he's smart, prangka siya, sweet, and has a great sense of humor. I like that in a guy na lagi niya akong napapatawa and I admire his intelligence.

"Physically, well, he's got broad shoulders at ang laki ng arms niya. I dont mind his height.

"He is galante. He always gives me something na alam niyang magugustuhan ko," pag-e-enumerate ni Rhian.

Mahilig ba siya talaga sa medyo maliliit na guys kaya naman karamihan ng nali-link sa kanya ay hindi katangkarang mga lalaki, gaya nga ni Mo at ni JC de Vera?

"Nagkataon lang siguro yun," sagot ng 20-year-old actress. "Anyway, walang similarities sina Mo at JC aside from height. Seryoso kasi si JC at happy-go-lucky naman si Mo. Actually, mas pareho kami ng ugali ni Mo kaya we get along just fine."

Wala bang nagbabawal sa kanya na makipagrelasyon kay Mo, gaya ng GMA-7 management?

"Hindi naman," sabi ni Mo. "Wala naman kasing puwedeng ireklamo sa akin ang GMA dahil hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko. Kaya yung private life ko, sa akin na yun.

"I'm a big girl now! And i can make my own desicions. May sarili naman akong pag-iisip, I know what's right and what's wrong for me."

TV PROJECTS. Sa ngayon ay wala pang regular show si Rhian sa GMA-7 pagkatapos ng Ilumina, pero makakasama siya sa cast ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez.

"Pero sandali lang ako dun," sambit ni Rhian. "As of now, hindi pa ako nagte-taping. Tapos, guesting-guesting lang sa ibang shows ng GMA 7.

"Pero sa GMA News TV Channel 11, magkakaroon ako ng show. This time, hosting naman yung gagawin ko and I love to try it, kasi ibang side naman ni Rhian ang makikita at mapapanood ng tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN