Jessy Mendiola will slow down on doing daring projects after Sabel

IMAGE 0


"Pero sa akin po talaga, hindi ko po maramdaman yun, siguro po nakikita po nila 'pag pagod na ako, hindi po kasi ako masyadong palangiti sa mga taong hindi ko kakilala. Kaya po lumalabas yun. Pero hindi po ibig sabihin nun lumalaki ulo ko kasi pare-parehas naman po tayong mga tao, may trabaho. Artista po o hindi artista, napapagod. Siguro po respeto sa co-actors, sa staff, respeto po sa artista. Kasi po yung iba, iniisip nila yung mga artista hindi napapagod, walang


Next week na ang huling linggo ng drama series ng ABS-CBN na Sabel, na nagsilbing launching project ng Kapamilya talent na si Jessy Mendiola.

Sa presscon para sa huling linggo ng Sabel noong Huwebes, March 3, ay humarap sa entertainment press si Jessy kasama ang kanyang leading men na sina AJ Perez at Joseph Marco. Ginanap ang presscon sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

CHANGES. Dahil ang Sabel nga ang nagsilbing biggest break ni Jessy sa showbiz, ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanya mula nang gampanan niya ang pangunahing papel dito?

"Naging mature na po ako... Naging mature ako sa pag-iisip ko, sa mga situations sa real life. Mas naihambing ko si Sabel sa pagiging mas positive.

"Kasi, sa sobrang dami ng problema ni Sabel sa script, sa story, sobrang heavy na parang napakaganda lang tingnan sa kanya na nagiging positive pa din siya.

"So, yun po yung natutunan ko in real life, na kahit na ano pong masamang mangyari sa iyo, pag naging positive ka, may positive din pong babalik," saad ng 18-year-old actress.

Iniisa-isa rin ni Jessy ang mga pagbabago sa iba't ibang aspeto ng buhay niya nang makuha niya ang role sa Sabel.

"Sobrang laki po ng pagbabago," sambit niya.

"Kasi, simula po nung nag-Sabel kami, mas nakikilala po kami ng mga tao, mas nasusundan po nila yung istorya. Parang yung iba nga po, sobrang affected... Naglalakad ako sa mall, may lumapit po sa akin at sinabing, ''Wag mong ipapakita sa akin si Margaret [Rita Avila's character], ha, sasabunutan ko!'

"Talagang sinusundan nila yung story. Masaya lang po ako kasi alam nila yung nangyayari sa show namin."

Dagdag pa ni Jessy, nakatulong daw ang kanyang first major teleserye na pinagbidahan upang mas mapabuti ang work attitude niya.

"Sa sarili ko naman po, mas masasabi kong mas focus ako ngayon sa trabaho. Tinuruan po ako ng Sabel na mas maging maging professional, mature, and very hopeful po sa future," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating naman sa kanyang lovelife, sinabi ni Jessy na mas nagiging maingat na siya dahil na rin sa mga nangyari sa kanyang role bilang Sabel.

"Mas conscious po ako ngayon. Natutunan ko po na pag masyado kang paligoy-ligoy, may mga problemang darating," aniya.

Sa istorya kasi ay nabuntis sa murang edad si Sabel.

"Sabi ko, 'Ay, ang hirap pala, ang hirap maging young mother!' So I give credit to...dun sa mga young mothers today na sobrang laking hirap ng pinagdadaanan nila."

Dagdag nito, "Focus lang po muna ako sa work ngayon. Mas maganda kung work lang muna."

Suportado rin daw si Jessy ng kanyang pamilya sa career na kanyang tinahak.

"Sa family ko, sobrang saya po nila na nabigyan po ako ng break. Very supportive po yung mommy ko, yung mga kapatid ko.

"Yung little sister ko nga po, pag nakikita ako sa TV, sobrang saya niya. [Sinasabi niya sa akin], 'Ate, nakikita ko yung show mo, lagi ko pinapanood. Lagi ako umuuwi para mapanood yun. Kumusta na si Kuya AJ, Kuya Joseph?'

"Parang ang saya lang kasi pati family mo, very supportive," pahayag ni Jessy.

CHALLENGES. Inamin naman ni Jessy na may mga pagkakataon na nahirapan siya sa ginagampanang role.

"Ako po, pag gumagawa ako ng mga eksena, minsan po hindi ko siya nabibitawan agad. Yung mga very heavy scenes na involving sampalan, sabunutan, sapakan, ganun.

"Mahirap lang siyang dalhin, lalo na po yung rape scenes. Kasi, hindi pa naman po ako nare-rape!" natawang sabi ng dalaga.

"Sobrang bigat lang po para sa akin at ni Joseph. Tapos, pag titingnan ko si Joseph, parang siya pa yung ire-rape ko," biro ni Jessy tungkol sa kanyang co-star.

"'Yun yung hesitation ko minsan. Pero nung pinag-usapan naman namin na 'wag kang matakot, tulungan kita, hindi kita pagsasamantalahan...' Tapos yung director namin, nandun lang. Ginawa ko na lang din kasi I trust them naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEXY IMAGE. Meron ding mga negatibong komento na naririnig si Jessy tungkol sa seksing imahe ng Sabel, ngunit hindi raw siya nagpapaapekto rito.

"Well, you can't please everbody naman. Others naman, sinasabi nila, 'Ang bata-bata mo pa, nagpapa-sexy ka na.'

"Hindi naman po siya talaga sexy, it just so happens na ganun yung tema ng show namin. And hindi talaga siya sobrang bastos, kasi some things happen in real life talaga. I think it's realistic," paliwanag ni Jessy.

Nang tanungin si Jessy kung magpapatuloy na siya sa pagtanggap ng sexy projects, umiling ito at sinabing meron pa rin siyang mga limitasyon.

Isa mga limitasyon nito ay ang pagsusuot ng bikini.

"Sa ngayon po, hindi pa ako handa na magpakita ng mature na mature na," sabi ni Jessy.

Inamin din nito na hindi pa siya ganun ka-confident sa kanyang katawan.

"Insecure pa po kasi talaga ako sa katawan ko. Kung puwede ko nga balutin lang yung buong katawan ko, gagawin ko!" natatawa niyang sabi.

Pero dagdag ni Jessy, "Para sa akin po kasi, basta maganda yung role, tatanggapin ko. Ang pagiging aktres po kasi hindi puwedeng yun at yun lang ang gagawin mo.

"Dun naman po sa mga scenes na medyo daring, I'm sure naman po na hindi ako pababayaan ng management. So, trina-trust ko naman po sila."

May mga nag-offer na rin daw kay Jessy na mag-pose sa men's magazines, ngunit tinanggihan ito ng dalaga.

ATTITUDE PROBLEM. Sinagot din ni Jessy ang napapabalitang paglaki na raw ng ulo niya pagkatapos niyang magbida sa isang teleserye.

"As long as kilala ko yung sarili ko, at yung nakakakilala sa akin, alam nila na hindi ako nagbabago," sabi ni Jessy.

"Para po sa iba, siguro nasasabi yun kasi hindi ako masyado kilala. Pero alam ko po, 'tsaka sinabihan na po ako ng mga bosses at saka mga handlers na pagdating sa mga ganyang launching, may mga kaakibat na isyu na 'Lumalaki ulo mo, at nagkaka-attitude.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko po kasi pag nagka-issue yung isang artista na lumalaki ulo, siyempre ide-deny. Kasi siyempre, sino ba naman aamin na, 'Opo, lumalaki ulo ko!'" pagbibiro ni Jessy.

"Pero sa akin po talaga," patuloy niya, "hindi ko po maramdaman yun. Siguro po nakikita po nila pag pagod na ako, hindi po kasi ako masyadong palangiti sa mga taong hindi ko kakilala. Kaya po lumalabas yun.

"Pero hindi po ibig sabihin nun lumalaki ulo ko kasi pare-parehas naman po tayong mga tao, may trabaho. Artista po o hindi artista, napapagod.

"Siguro po, respeto sa co-actors, sa staff, respeto po sa artista. Kasi po yung iba, iniisip nila yung mga artista hindi napapagod, walang nararamdaman.

"Parang kunwari, may magsasabi, 'Ay si ano, pangit naman 'yan!' Tapos pag narinig niya [artista], masasaktan, maaapektuhan na siya buong araw. At kinabukasan, sa taping, iisipin niya, 'Ang pangit ko daw. Ano gagawin ko?' So, may mga reason bakit nangyayari yung ibang bagay.

"Yung iba po nai-issue na ganun, naiintindihan ko po yun, pagod sila. Pero may mga iba po naman talaga na sinasadya nila."

Sa pagtatapos ng Sabel ay may follow-up project agad si Jessy—isang "primetime teleserye." Ngunit hindi pa raw puwedeng ibunyag ang mga detalye ng naturang proyekto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN