Jay-R to launch girlfriend Krista Kleiner and other new artists under his own record label

IMAGE 0


"I figured if I'm gonna get into business, it should be something na alam ko talaga and iyon na lang ang business ko. Imbes na bar or something, 'yon na lang," says Jay-R about venturing into record production.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa R&B Prince na si Jay-R, tinanong namin siya kung may plano na silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Krista Kleiner.

"Wala pa, hindi pa, si Kyla muna ang ikakasal!" natatawang reaksiyon ni Jay-R referring to his singing partner, R&B Princess Kyla, na malapit nang ikasal sa PBA player na si Rich Alvarez.

Dagdag niya, "Bago pa lang kami, e. We've only been together for one year and nine months.

"Pero, you know, parang feeling ko po, we have to get to know each other more. We want to enjoy each other's company muna po bago kami mag-isip ng getting married."

TAKAW-TINGIN. Si Krista ang current titleholder ng Bb. Pilipinas-International. Mahirap bang magka-girlfriend ng beauty queen?

"Mahirap, mahirap!" tawa ni Jay-R. "Ang mga lalaki, siyempre, lahat nakatingin sa kanya. Tapos yung mga tingin pa, parang very ano, e. E, siyempre, wala ka namang magagawa, nakatingin, e."

Hindi siya nagseselos?

"Nagseselos minsan," pag-amin niya.

Biro namin, si Jay-R naman ay tinitingnan ng girls and gays

Tumawa ang singer, sabay sabing, "Pero iba yung tingin sa kanya [Krista], di ba, yung mga lalaki."

JAY-R'S BAR. Dati ay sumubok si Jay-R na magtayo ng isang bar sa Makati,ang Rock Candy. Pero nadamay ito sa pagsabog ng Glorietta 2 noong October 19, 2007. Mula noon, hindi na ito binuksan ni Jay-R.

Bakit hindi na siya ulit nagbukas ng bar?

"Hassle, e," sabi niya. "And I noticed na nung may bar ako, yung time ko napupunta doon and... Siyempre mga guests ko pag pumupunta, binibili ako ng mga drinks. So, gabi-gabi, medyo ano nakainom na, parang napabayaan ko yung mga album ko, yung mga recording ko, yung acting ko.

"So, feeling ko, mas focused ako pag walang ganun na business po."

Nabayaran ba siya sa pinsalang nangyari sa bar niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi na."

Walang insurance ang bar niya from the Ayala Company?

"Insured under Ayala," sagot niya. "May loophole, e. Di ba, kasi hindi alam kung gas leak or bomb? So, pag gas leak, they will pay. Pag bomb, hindi."

Nagka-trauma daw siya dahil sa mga pangyayari.

"Yeah. So, ayoko na po talaga, mahirap po talaga! Sa music business na lang po ako," sabi ni Jay-R.

RECORD LABEL. Ibinalita nga ni Jay-R sa PEP na maglu-launch siya ng bagong artists sa ilalim ng sarili niyang record label, ang Homeworkz.

"Si Chelo and yung Q-York na it's a group, dalawa po sila," banggit niya. "Si Chelo, parang Lady Gaga ng Pilipinas, and Q-York is medyo hip-hop. Pero hindi yung baggy na hip-hop, yung very classy na hip-hop."

Bakit siya nag-branch out sa producing?

"E, I figured if I'm gonna get into business, it should be something na alam ko talaga and iyon na lang ang business ko. Imbes na bar or something, 'yon na lang.

"And 'yon, si Chelo, yung mga songs niya, pinapatugtog na sa radio. Yung video niya nasa MYX na atsaka Channel V. So, ano na lang, mga tour, mall tour and TV guestings na lang ang aasikasuhin ko.

"Di ba, parang yung mas it's more on my alley, e," aniya.

KRISTA'S ALBUM. We also learned na kahit ang girlfriend niyang si Krista ay ipagpo-produce din ni Jay-R ng album.

"Si Krista naman, tatapusin ko rin ang album niya."

How is it producing an album for his girlfriend?

"Masaya, masaya po talaga," sagot niya.

Wala bang pressure na girlfriend niya ang ipinagpo-produce niya ng album? Sino ang nasusunod sa decision-making tungkol sa album?

"A, walang pressure. Siyempre, may usapan, we talk," sabi ni Jay-R.

By August daw ire-release ang album ni Krista.

Anong klaseng mga kanta ang nakapaloob sa album ni Krista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang Black Eyed Peas, tapos mga Fergie, Lady Gaga, mga dance songs."

May duet din daw silang magkasintahan sa album ni Krista.

Kaninong idea na i-produce ng album si Krista?

"Idea ko rin, idea ko rin," sagot ni Jay-R. "Gusto ko makapaglabas siya ng album na sarili. Kasi pretty soon, yung mga CDs, magpe-phase-out na yung mga CDs, e. Lahat magiging digital na, e, puro download na, e. So, bago mangyari 'yon, gusto ko maka-release na si Krista ng sarili niyang album."

THE ACTOR. Bukod sa pag-awit, nag-e-enjoy rin ni Jay-R sa pag-arte sa harap ng kamera. Kasama siya sa cast ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Magic Palayok, pero hindi ito ang unang pagkakataon na napanood siyang umaarte.

"Yung una po yung Narito Ang Puso Ko, yung pangalawa po yung Love To Love... Actually po, dalawang beses akong nag-star po doon. Tapos yung pangatlo yung Encantadia, then yung pang-apat po yung Lalola," kuwento ni Jay-R ng kanyang past acting gigs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN