Iwa Moto clears Jodi Sta. Maria and Bangs Garcia as "third party" in her breakup with Mickey Ablan

IMAGE 0


"Ever since, wala naman akong binabanggit na name kung sino ang aktres na yun. Alam mo na yun kung sino ka, pero inilibing ko na po sa limot yun. Pinatawad ko na rin siya," says Iwa Moto about the actress whom she says was the reason for her breakup with boyfriend Mickey Ablan.


Nilinaw ni Iwa Moto na hindi si Jodi Sta. Maria ang tinutukoy niyang third party na involved sa hiwalayan nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan.

"I don't know Jodi Sta. Maria personally. I've never worked with her, pero kilala ko siya bilang isa sa mga taga-showbiz," pahayag ng Kapuso talent tungkol sa Kapamilya actress sa panayam sa kanya ng Startalk.

Dagdag ni Iwa, "Hindi ko alam kung saan nanggaling ang isyu na lumalabas about Jodi, and hindi ko alam kung bakit siya ang itinuturo.

"Sana po, tama na po yung mga taong naaapektuhan po. Ang isipin na lang po natin, like at her side, may anak siya at may asawa siya. Kawawa naman po sila na nadadamay na po."

BANGS GARCIA. Bukod kay Jodi, lumabas din ang pangalang Bangs Garcia na na-involve daw kay Mickey kaya nagdesisyon na si Iwa na makipaghiwalay.

Pero paglilinawng StarStruck alumna, "I know Bangs. Best friend ko siya. Maybe you'll see us na lumalabas together. So, yun lang ang mahirap, e. Yung taong walang kaalam-alam ang nadadamay.

"She's affected, siyempre. Sabi nga niya, 'Bakit naman ako lumalabas?' So, please, huwag n'yo pong idamay yung mga taong wala namang kinalaman.

"Ever since, wala naman akong binabanggit na name kung sino ang aktres na yun. Alam mo na yun kung sino ka, pero inilibing ko na po sa limot yun. Pinatawad ko na rin siya."


TOGETHER AGAIN. Nakipagbalikan na si Iwa kay Mickey pagkatapos siyang suyuin na magkaayos na sila.

Nakita naman daw niya sa kasintahan na malaki na ang ipinagbago nito. Nagsisi na raw ito sa nagawa niyang kasalanan kaya tinanggap na raw niya ito uli at pinatawad.

Pati raw ang babaeng involved ay pinatawad na rin ni Iwa, kaya hindi na raw niya sasabihin kung sino itong aktres na tinutukoy niya.

Nang magpa-interview raw si Iwa tungkol sa kanilang breakup ni Mickey ay tumigil na rin naman daw ang babaeng ito sa panggugulo kaya mananahimik na rin daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit si Mickey ay nakita naman daw niyang iniiwasan na ang babaeng ito. Ipinakita rin daw ng kasintahan kung gaano siya kamahal nito.

"Masarap na rin ang pakiramdam ko ngayon na nakakapagpatawad ka at wala kang kinamumuhiang tao," dagdag pa ni Iwa.

"Kasi for the past few months, puro hatred lang ako, e, puro 'ang sama mo ganyan, ganyan,' pero ako yung affected. Ako yung parang hindi maka-move on, ako yung naaapektuhan.

"Ayoko ng ganun. Sabi ko, mahina lahat ng tao. Hindi siya ang naging miserable, ako ang naging miserable kasi lagi ako ang galit. Ako na nga ang naapi, ako pang miserable.

"Wait lang, try natin ang ibang approach. Okay, patawarin natin siya, maging masaya tayo...

"Ang sarap ng pakiramdam! Nakakagaaan ng loob na natuto akong magpatawad kahit sa taong pinaka-nasaktan ako," mahabang litanya nito.

Ngayon ay okay na raw sila ni Mickey at mas maayos na ang samahan nila kahit pareho raw silang nangangapa sa panibagong adjustments sa kanilang relasyon.

NOT YET MARRIED. Inungkat din uli namin kay Iwa ang isyung kasal na sila ni Mickey.

May lumabas kasing balita na nagpakasal na raw ang dalawa sa munisipyo ng Silang, Cavite dalawang taon na ang nakararaan.

May lumabas ding kopya ng sinasabing marriage certificate nila sa Internet. Hindi lang daw maibigay ang certified true copy ng marriage certificate dahil kailangang may permission nila.

Willing ba siyang magbigay ng permiso na ilabas ang marriage certificate kung totoong nagpakasal nga sila ni Mickey?

"Anong ire-request ko yung marriage certificate ko, e, kung wala naman akong marriage certificate?" sabi ni Iwa.

"Hindi naman para kunsintihin ko sila para ma-please lang sila. Just take my word na lang. Ayokong lumaki pa ito, basta hindi kami kasal ni Mickey.

"Kung ano ang gusto n'yong ilabas, wala na akong magagawa kung maglabas kayo, o kung gagawa man kayo ng kung ano man diyan. It's easy na i-edit or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, masaya ako na ngayon boyfriend ko si Mickey, at dun na lang muna yun, tuldok!"

LIVING TOGETHER. Bukod sa isyung kasalan, itinanggi rin ni Iwa ang balitang nagli-live in na raw sila ni Mickey.

Sabi niya, madalas lang daw silang magkasama. Minsan ay natutulog daw siya sa bahay ni Mickey dahil close daw siya sa pamilya nito, lalo na sa nag-iisang anak ng boyfriend na napalapit na raw sa kanya nang husto.

"Ako naman, nasa tamang edad naman ako at madami namang gumagawa nun, e," sabi ng 22-year-old actress.

"Pero una sa lahat, Iglesia ni Cristo siya [Mickey]. He's not allowed.

"It's not bad naman siguro na makitulog ako dun once in a while, pero it doesn't mean I have to stay there and live there. He can sleep in my house din, pero hindi kami nagli-live in," patuloy na paliwanag nito.

Nabanggit din ni Iwa na pinag-iisipan na rin nitong magpa-convert sa Iglesia ni Cristo para hindi na rin magkaroon ng conflict kung sakaling mapagdesisyunan na nilang magpakasal.

"Sa totoo lang, hindi naman dahil lang dun sa Iglesia siya, kasi nakakapagsamba na rin ako at nakita ko naman na maganda siya, marami ka talagang matututunan, maga-guide ka talaga.

"If ever magpa-convert ako, it's not about him. It's about the religion, it's about yung paniniwala. It doesn't mean I'm going to change the religion for him. I'm going to change the religion for myself.

"As of now, I'm thinking things, yung kailangan kong pag-isipan nang mabuti dahil hindi lang iyan basta-basta. So, gusto ko, just take it easy, ganun lang," pakli nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN